Chapter 10

2.9K 86 7
                                    

Bigla kong itinigil ang paghinga ko. Tama ba ang interpretasyon ng pandinig ko? Sinsero niyang sinabi ‘yon? Ineksamin ko ang mukha niya. Ang seryoso nga niya. Ibinaba ko ang tingin sa labi niya. Gusto kong masaksihan ang pagbanggit niyang muli ng mga salitang 'yon. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya sa’kin, gusto ko ulit ‘yong matikman, gustong-gusto. Bakit ba ganito ang tinatakbo ng isip ko? Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko?

Seryosohan na ba talaga?

Bago pa ko mawala sa tamang pag-iisip at mahalikan siyang muli ay inubos ko na ang cappuccino na binigay niya sa’kin, malamig na iyon pero pwede pa rin.  Tumayo na ko at pinagpagan ang jeans ko. Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere at umunat-unat. Nagkukunwari lang ako na hindi naapektuhan sa sinabi niya. Baka naman nakikisakay lang siya sa mga paga-aylabyu ko. Ganoon naman siya eh, mahilig man-trip.

“We should leave.” Nasa ere pa ang mga kamay ko ng bigla niyang kinuha ang isa at pinagsaklop ang palad naming dalawa.

Hindi ako makahugot ng salita kaya napatangay na lang ako sa kanya. Bitbit niya sa kabilang kamay ang brownies na iniregalo niya sa’kin. Nakarating na kami sa kotse niya, binuksan niya ang pinto ng passenger’s seat katabi ng driver’s seat at doon ako umupo. Sumunod na siya at agad na pinaandar ang kotse. Inilapag niya ang box ng brownies sa kandungan ko.

“Seatbelt.” Nagulat pa ko sa ma-awtoridad na boses niya ngunit agad din namang tumalima.

What now?

Bakit ganito? Ang awkward. Ang intense. Namamawis na ang noo ko kahit may aircon pa dito sa kotse niya. Bakit ba ko ipinagkatiwala dito ni Daddy? Paano kung kaskasero pala ang lalaking ‘to? Ayoko namang masugod sa Ospital ng wala sa oras ‘no.

“You’re not a reckless driver, aren’t you?” Nagdilim ang aura niya at inihagis sa’kin ang driver’s liscence niya. Nagsimula na siyang mag-drive.

Binuklat ko ang lisensya niya. Una kong tinignan ang picture niya. Ang ganda ng ngiti niya. Parang hindi siya wanted katulad sa mga usual driver’s liscence na nakikita ko. I mean, not totally mukhang wanted, ang serious kasi ng mga mukha nila na parang pinagkaitan ng masayang kinabukasan. 5’11 ang height niya. So, four inches ang pagitan namin. Half French-Half Filipino. Hindi naman na ko magtataka sa kulay at kompleksyon ng mata niya. Pero aminado ako na mas kakaiba pa rin ang kulay ng mata ko kumpara sa kanya.

Light brown ang kulay ng mata ni Blaze, as in light talaga. Alam kong may tamang term sa kulay na 'yon pero hindi ko alam. Aalamin ko na lang sa sunod. Aakalain mo na nakasuot siya ng contact lenses sa una pero kung titigan mo ng maayos, natural ang kulay nito. Ang buhok naman niya ay dark brown. I mean, may pagkaitim pa rin naman pero mahahalata mo na may pagka-brown ang buhok niya, bumagay iyon sa mata niya. Hindi mo rin masasabi na nagpakulay siya ng buhok dahil ang kulay ng kilay niya ay kahalintulad lang sa buhok niya. Ang ganda ng pagkakahati ng genes ng mga magulang nito.

“Asan ang mommy mo?” Tanong ko upang mabasag ang katahimikan. Ibinalik ko na sa kanya ang lisensya. Lumingon siya sa’kin saglit at ngumiti.

“She’s living in France.” tumango-tango ako. Akala ko magkasama sila ng Daddy niya ngayon.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon