Chapter 8

2.2K 84 4
                                    

 “Dad?” hindi na ko kumatok at dumiretso na sa office ni Daddy dito sa bahay.

“Yes?” nakangiting bati niya agad ng masilayan ako.

“Uh-Nothing.” Nagkibit-balikat ako at umupo sa upuan kaharap niya, may wooden table na nakapagitan sa’ming dalawa.

“You sure?” nagdududang tanong nito.

Hindi ko siya sinagot. Inabala ko ang sarili sa pagsuri ng kabuuan ng opisina niya. Nagmukha na itong silid-aklatan dahil sa sobrang dami ng libro. Sa gitna nito ay may makikita kang mahabang leather sofa. May malawak na bintana na kung bubuksan mo ay hindi mo na kakailanganin pa ng ilaw sa tuwing umaga dahil sapat na ang liwanag na dudungaw dito. Napakaaliwalas.

“How’s school?” ibinalik ko ang tingin kay Dad. Hindi ko napigilang mapangiti, bigla kasing sumagi sa isip ko si Zef. “Well, I think you’re doing great.” natatawang komento ni Dad. Weird. Just weird. Pangalan pa lang niya ang naiisip ko, napapangiti na ko. She got into my system, I barely didn’t notice.

“Right.” Tanging sagot ko at tumango. Ipinagpatuloy na ni Daddy ang naudlot niyang ginagawa. May isinusulat siya at ayoko na siyang abalain para usisain pa iyon.

           

Mahigit isang buwan na rin ang lumipas. Isang buwan na rin niya kong tinatawag na ‘I love you’ magkatabi na kami ngayon ng upuan sa klase. Buti na lang napakiusapan ko ang katabi niya na magpalit kami ng kinauupuan. Una, nagulat pa si Zef at pinaghahamas ako ng bag niya para bumalik sa kinauupuan ko ngunit nang mapansin niyang marami ng nakatingin sa direksyon namin ay huminto na siya at nanahimik na lang. Panaka-naka ko rin siyang inaakbayan at hinahawakan ang kamay ngunit pasimple niyang inaapakan ang paa ko bilang pagtutol. Isang beses pa nga’y napa-“Aray!” ako ng sobrang lakas sa kalagitnaan ng pagtuturo ng propesor namin. Alanganin ko siya noong nginitian ng pinukulan kami ng mapanuring tingin.

           

Hinayaan na rin niya kong sumabay madalas sa pagpunta at paglabas ng klase. Ang tahimik niya kapag kami ang magkasama. Kung kailan ko lang siya tatanungin tsaka lang siya magsasalita. Alam ko naman kung ano ang dahilan ng pagiging tahimik niya, kaya tanong ako ng tanong sa kanya dahil gusto kong marinig madalas ang matamis na tatlong salita mula sa kanya kapag sasagot siya. Pero bawat sagot niya laging may hampas na katumbas. Napansin ko rin ang madalas na pamumula ng mukha niya kapag tinatawanan ko siya at inaakbayan. Pero ang mas matindi ay nang ninakawan ko siya ng halik sa pathwalk, nakaraang araw lamang. Maraming nakakita. Maraming napasinghap at dahil sa pangyayaring ‘yon ay sinikmuraan niya ko ng napakalakas. Masakit sobra pero hindi ko mawari kung bakit ako natutuwa. Marahil siguro ay nakapuntos na naman ako sa kanya.

           

Aminado naman ako na masiyado na kong nagta-take advantage sa kanya pero…ewan ko ba. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Isang linggo ko na rin siyang di nakikita dahil semestral break. Gusto ko siyang tawagan, kausapin, pero kapag hawak ko na ang cellphone ko…napapabuntong-hininga na lang ako sabay hagis ng cellphone. Sa kama.

           

“Dad, labas lang ako.” paalam ko.

“Sige.” sagot niya. Hindi na siya nag-abalang tignan pa ko.

           

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng mag-vibrate ito. Napakurap ako ng ilang beses. Nagpadala ng text message sa’kin si Zef? Totoo? Napangiti ako at biglang kinabahan. Ano naman kayang laman ng message nito?

           

Violet eyes: Nasa Centennial Park ako. Samahan mo ko. Please. Hindi available si Ony eh L

           

Binasa kong muli ang message niya. Mukhang kailangan niya ng kasama ngayon. Pero kung ia-analyze ang text niya…mukhang wrong send. Damn, pinaasa ko. Bakit nasa Centennial Park siya ng alas-siyete ng gabi at mag-isa lang? Kung wrong send ‘to malamang hindi natanggap ni Ynah ang message na ‘to. Isa pa, mukhang hindi naman alam ni Zef na nagkamali siya ng pinadalhan ng text message. Dahil kung oo, makakatanggap ako ng follow up text message na:  Ay! Wrong send! I love you. Bigla akong natuwa. May rason na ko para makita siya ulit. Isa pa, gusto kong malaman kung bakit siya malungkot ngayon.

           

Umilaw ang cellphone ko, indikasyon na may dumating na message.

           

Arlou: Birthday ni Zef ngayon. Nabati mo na?

Napamura ako ng mahina. Birthday niya? 

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon