Hindi ako makapaniwalang dumating na ang araw na 'to. It felt so surreal. Ang tagal ko ring hinintay at pinaghandaan 'to, eh. Ang tagal ko ring pinag-isipan 'to.
Seeing you in front of the altar wearing a tuxedo with all the excitement and joy plastered on your face. Kitang kita sa mata mo na masaya ka.
Finally... after all those years of pain and sacrifices. Worth it din pala lahat. I guess, there's nothing to regret. Tama pa rin siguro yung desisyon na nagawa ko. Siguro heto naman talaga ang plano ng tadhana. Siguro heto naman talaga ang kahihinatnan natin sa dulo.
Ang bilis lang ng panahon at ngayon nandito na ako. Sobrang memorable ng moment at ng araw na 'to para sa akin. At siyempre para sa'yo...
I was walking through the aisle as I see you crying. Tears of joy and excitement, I guess. Hindi ko na rin napigilang pumatak ang luha ko nang makita kitang umiyak. Agad ko rin namang pinunasan nang pasimple. Nakakahiya at baka kumalat pa ang make up ko.
Nang magising ako sa realidad ay agad ko ring iniwas ang tingin ko sa'yo.
Oo nga pala, bisita lang ako.
Kausap mo pa ang mga kaibigan mo simula college. Kararating lang din nila tulad ko. Hindi mo na rin siguro napigilang lumuha dahil sa sobrang saya. Sa wakas... heto na, dumating na ang araw na matagal mo ng hinihintay.
Nang magtama ang paningin natin ay gano'n pa rin ang naramdaman ko. Tulad pa rin ng dati. Hindi man lang nagbago. Ngumiti na lang ako para maitago ang kabang nararamdaman ko.
Sabi ko na nga ba, ako pa rin ang talo hanggang ngayon.
Hindi ko rin maintindihan sarili ko eh, ilang taon na ang nakalipas pero heto, hanggang ngayon 'di pa rin ako nakakaahon.
Kaagad din akong umupo sa third to the last row ng mga upuan sa bandang kanan. Kasama ang iba pang mga kaibigan at katrabaho ng bride at groom. Umupo na lang ako sa kabilang dulo tutal doon naman ang bakante. Ayos na rin 'tong pwesto ko para tago at hindi ako mailang.
Hindi pa naman nagsisimula ang ceremony. Nagsisidatingan pa lang ang mga bisita. On time lang naman ako dahil onti-onti na ring napupuno ng mga tao ang simbahan.
Habang nakaupo ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda talaga ng Caleruega Church. Aakalain mong nasa ibang bansa ka. 'Yung aura ng place ay sobrang serene. Sa labas ay puno ng pine trees at mga bulaklak. Mayroon ding mahabang red carpet na nakalatag simula sa bukana ng simbahan hanggang sa altar. Puno ng floral arrangements at lantern sa labas at loob ng simbahan. Grabe, ang romantic.
Sa labas ay nakahanda na ang mga tables and chairs para sa celebration right after ng wedding ceremony.
Hindi rin naman ako magtatagal at matapos ko lang ang seremonya ay aalis na rin ako. Nakakahiya at baka makita pa ako nila tita at tito.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagcecellphone habang pinapalipas ang oras. Nakakaout of place din kasi at wala akong mga kakilala dito. Mukhang lahat pa ay masayang nagkkwentuhan at nagkukumustahan. Parang reunion na rin ng mga kaibigan nila Kameron at Olivia kaya ang lahat ay may kanya kanyang usapan at umpukan.
YOU ARE READING
Kundiman
Ficção AdolescenteEverything was fine at first. We're so happy because destiny is on our favor. Not until one day, everything seemed to have changed. And there, I learned that destiny's hard to trust. We will never know what destiny has in store for us. One day you'...