"Huy sis, leche yung Math! Forever bobo na talaga ako do'n, I swear!" wika ni Calista saka sapo sa ulo n'ya.
"Huy gaga, same! 'Yung last ten items nga hinulaan ko na lang, eh! Basta ang technique d'yan, C for Christ hehehe," napapakamot sa ulong sabi ni Phoebe.
Katatapos lang naming mag-USTET magkakaibigan kaya naman puro kami rant sa mga kabobohang naisagot namin sa exam. Ugh! Hindi na dapat namin 'to pinag-uusapan eh! Lalo lang kaming masstress!
"Hay nako, bahala na! Basta keri naman natin 'yun eh, kung hindi may recon naman!" pampalubag loob ko pa sa kanila pero true naman, wala naman kaming dapat problemahin dahil may recon letter naman kung hindi makapasa at keribels na namin 'yun kung sakali. Ewan ko ba dito kila Calista at Phoebe masyadong nag-ooverthink.
Pagkatapos mag-exam ay nilibot muna namin ang buong University, eto lang naman ang pinag-examan naming magkakaibigan, eh. Deep inside, alam ko namang papasa kami, sobrang overthinker lang kasi ng mga kaibigan ko kaya ayan at nagdodoubt agad sila.
"Shet sis! Ang ganda talaga dito, dream univ talaga huhu," kinikilig na sabi ni Phoebe habang tinititigan ang main building.
Para ka talagang nagtatime travel kapag nandito sa UST, eh. Ang gaganda ng mga disenyo nung mga building! At shempre yung "Arch of the Centuries", shet!
"Tignan n'yo, onti na lang! Dadaan din tayo d'yan!" sambit ko sabay turo sa Arch.
"Sana ngaa!"
Nagcross finger pa ang dalawang lukaret habang nakatitig sa Arch of the Centuries.
"Alam n'yo, magtiwala kayo sa sarili n'yo! Pusta ko pa, 'pag tayong tatlo pumasa, libre n'yo ko, pag hindi pumasa isa saten, libre ko merienda n'yo sa isang buwan! G?" paghahamon ko pa sa kanilang dalawa.
"G!!" nakangising asong tugon pa ng dalawa.
Nang mapagod kami ay umupo muna kami sa isa sa mga bench sa lover's lane. Hindi naman siguro masamang pumwesto dito kahit walang jowa, diba?
Habang nagpapahinga ay napatitig ako sa lalaking nakaupo sa bench na kahilera lang namin. Holy shit! Ampogi! Mukhang thomasian s'ya at may inaasikaso sa school dahil may dala dala pa s'yang libro. Base sa shirt na suot n'ya ay Political Science ang kinukuha n'yang kurso. Shet, pwede na!
Agad akong umiwas ng tingin dahil mukhang naramdaman n'yang may nakatitig sa kanya. Shet, muntik na ko do'n, ah.
"Ayan, titig pa," mahinang bulong sa'kin ni Calista.
Siniko ko naman agad s'ya dahil baka marinig pa kami lalo na't madaldal sila. Nakakahiya at baka magkalat pa kami dito!
"Ang pogi diba," bulong ko naman pabalik kay Calista.
"Oo beh, ganyan mga type mo eh, moreno, kamukha ni Khalil Ramos--"
"Huy, sali n'yo naman ako d'yan, bulungan kayo nang bulungan! Sige F.O.!" malakas na sabi ni Phoebe saka humalukipkip.
Kinurot ko naman agad nang patago si Phoebe. Ghad! Ang daldal talaga ng isang 'to. Matotodas talaga kami nito, eh.
"Aray ko!" impit na sigaw pa ni Phoebe.
Ay, jusme! Apakamanhid mo, Phoebe! Hindi makaramdam, amp. Agad kong kinuha ang cellphone ko saka nagtype.
Ang ingay mong bakla ka! Tignan mo yung nasa right ko sa kabilang bench, ang pogi! Mamaya mo na tignan, ha! 'Wag kang magpahalata!
Maya maya ay pasimpleng tinignan ni Phoebe yung guy saka nagtype sa cellphone.
Oo bakla! Mga tipo mo ganyan, diba?! Gora na bes! Kaso ang laki laki ng UST bakla ka! Paano mo 'yan makikilala?
YOU ARE READING
Kundiman
Teen FictionEverything was fine at first. We're so happy because destiny is on our favor. Not until one day, everything seemed to have changed. And there, I learned that destiny's hard to trust. We will never know what destiny has in store for us. One day you'...