"Oh ano, bilib ka nanaman sa mahika ko?" tanong ni Kameron nang makarating kami sa bandang unahan ng Grandstand.
Hapon na at marami na rin ang tao na nandito. Si Phoebe at Calista ay hindi ko kasama at may sarili silang mundo ngayon. Naiwan namin sila ni Kameron sa likod habang kami ay nakipag-gitgitan para lang makapunta sa unahan.
"Oo grabe, super power mo ata 'to!" sabi ko saka tumingin sa haba ng pinanggalingan namin sa likod.
Mayabang siyang ngumiti. "Small things," sabi ni Kameron at natawa ako. Siguro ganyan bukambibig ng mayayabang na conyo, haha!
Hindi ko alam kung legit na mayabang s'ya o pinapatawa n'ya lang ako sa kayabangan n'ya?
"Ayan sakto timing,"
Tumingin ako sa stage at nakitang nagsisimula ng magset-up ng unang banda na magpeperform.
"Sino-sino nga pala kakanta ngayon?" tanong ko saka hinanap sa phone yung post ng UST.
"Munimuni, I belong to the zoo, Hale, Silent Sanctuary, The Juans saka Ben&Ben."
"Oh shems, gandang panimula ng Munimuni!"
"Oo, simula pa lang mapanakit na eh," natatawang sabi ni Kameron.
Maya-maya ay nagpakilala na ang muni-muni saka tumugtog.
Unang kalabit pa lang sa gitara ay alam ko na ang kanta.
"Ang buhok mo'y parang gabing numinipis
Sa pagdating ng madaling araw
Na kumukulay sa alapaapAng ngiti mo'y parang isang tala
Na matagal na ang kinang ngunit ngayon lang nakita
Kung kailan wala na"
Sumabay ako sa pagkanta habang hawak hawak ang cellphone ko habang nagvivideo. Grabe yung feels!
Lumingon ako kay Kameron at napatingin din s'ya sa'kin.
"Kailan kaya mahahalata," sabay naming kanta sabay napangiti.
"Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa
Kahit mawala ka pa
Hinding-hindi mawawala
Ang damdamin ko'y sa'yong-sa'yo"
Pagkatapos ng "Sa'yo" ay tatlo pa ang kinanta nila saka nagpaalam.
Madilim na at dumadagsa pa lalo ang mga taong nandito sa Grandstand.
Ilang oras din kaming nakatayo at nakikinig sa mga tugtugin ng mga bandang nagpeperform pero hindi alintana dahil nakakaenjoy talaga! Nakabukas ang flashlight ng cellphone namin, winawagayway sa ere habang sumasabay sa kanta.
Huling banda na ang tutugtog at Ben&Ben pa kaya hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang crowd.
"Eto, saktong sakto at Disyembre na," sabi ni Paolo at naghiyawan kaming lahat dahil alam na namin kung ano ang tutugtugin nila.
"Simbang gabi nanaman," panimulang kanta n'ya saka ipinaubaya sa aming audience ang mikropono.
"Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan
Ang simoy ng hangin
Dahan-dahan na humahaplos
Sa mukha ng bawat tao
Bumabagsak-bagsak pa ang mata" kinanta namin ang buong berso saka nagsimulang magsilabasan ng fireworks sa langit. Napatingala ako't napangiti, kasama ng munting fireworks ay ang mga nagkikislapang bituin sa langit.
"Dahan-dahang kumislap
Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan
Kung sa'n magkasama tayong nagdasal
At nakinig sa Misa de Gallo
Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto" unti-unti kong naramdaman ang paghawak ni Kameron sa kamay ko kaya napabaling ako sa kanya.
Kinakabahan akong napatingin sa mga mata n'ya. Mas lalong nadepina ang kulay nito dahil sa lapit naming dalawa. Kahit na nakasumbrero at medyo natatakpan ay mapapansin pa rin ang kulay brown n'yang mga mata, samahan mo pa ng makakapal n'yang kilay.
"Thank you,"
Nagtataka ko s'yang tinignan. "Para sa'n?"
"Kasi kasama kita,"
Mabilis na nag-unahan ang mga tibok sa puso ko. Nagsimula na ring magsayawan ang mga paruparong kanina pa gumagala sa tiyan ko. Hindi ko na natago ang ngiti sa sinabi n'ya at panigurado ay namumula na rin ako. "Thank you rin, Kameron."
***
Kameron,
Natapos man ang lahat,
Nandito pa rin ako.
YOU ARE READING
Kundiman
Teen FictionEverything was fine at first. We're so happy because destiny is on our favor. Not until one day, everything seemed to have changed. And there, I learned that destiny's hard to trust. We will never know what destiny has in store for us. One day you'...