"Alaniseee! Leche bilisan mo, malelate na tayo sa welcome walk!" sigaw ni Calista habang naghihintay sa akin na matapos gumayak.
Parehas sila ni Phoebe na nauurat na kakahintay sa akin. Paano ba naman at masyadong early birds ang dalawang 'to! Maaga pa naman at may five minutes pa. As if namang magsstart 'yun on time. Pustahan at marami rin ang mahuhuli n'yan. Atsaka ang lapit lapit lang namin sa UST, eh!
Makalipas ang sandali ay nakarating na rin kami University. Buti na lang at hindi mainit. Makulimlim at mahangin kaya hindi kami mabilis na mahahaggardo versosa. Sinuot ko lang yung binili kong UST shirt nung nakaraan katerno ng highwaisted jeans at Stan Smith.
Nang makarating kami sa UST AMV College of Accountancy ay agad naming narinig ang ingay. Nagsisimula na silang maghanda para sa magaganap mamaya. May cheer pa na pinakabisado sa amin at namigay pa sila ng kung ano-anong props. Jusme! Apakaeffort ng bawat faculty, institute at college. Ang iba ay may mga mascot pa at may kanya-kanyang mga theme.
Ang naisipang theme ng President namin ay Harry Potter kaya naman dala-dala rin naming tatlo nila Phoebe at Calista ang kanya-kanya naming Harry Potter inspired sweaters.
Ang iba ay may mga wand pa, may coat at kung ano-anong burloloy. Nakakatuwa na lahat talaga ay pinaghandaan ang araw na 'to. Grabe, ang saya pala ng first week dito sa UST at puro events, orientations and such. 'Di ko lang alam kung masaya pa rin kapag nagstart na ang klase, jusme. Kung pwede lang sana na puro ganito na lang, eh. Sobrang chill at nakakahype yung crowd!
Maya maya lang ay nagsimula na rin kaming maglakad paikot ng University hanggang sa nakarating na kami sa tapat ng arch. Shet, eto na 'yun! Sa gilid ng lakaran ay masayang tumutugtog ang banda gamit ang iba't ibang instrumento.
Naghihiyawan naman kaming magkakaibigan habang naglalakad sa ilalim ng arko. Buti at hindi umulan at sadyang maulap at mahangin lang, which is a good thing. Sobrang hassle kung umulan at magpuputik talaga ang sapatos namin.
"WHOOOOOO! EY! EY! EY! EY!"
"UST A-M-V! COLLEGE OF ACCOUNTANCY!"
Puro sigawan at hiyawan ang lahat habang dumadaan sa arko. Pagkatapos ay dumiretso naman kami sa Q. Pav. para sa mass. Grabe ang dami namin at na-occupy talaga lahat ng seats. Sa kalagitnaan pa ng mass ay pinatay ang ilaw habang ang lahat ay may hawak-hawak ng sinindihang kandila.
Pagkatapos naman ng isang oras na mass ay nagpakitang gilas naman ang UST Salinggawi Dance Troupe. Sobrang galing nila! Makapigil hiningang performance ang pinakita nila sa amin kaya naman sobrang ingay ng crowd kakacheer at kakahiyaw sa tuwing magtotoss ang flyer.
Nakakatuwa lang at sobrang warm ng pagwelcome sa amin ng UST. Sobrang nag-enjoy talaga kami at sa wakas! Ganap na "thomasian" na kami!!!
Naaalala ko tuloy dati, lagi ko lang pinapanood sa vlog yung mga UST campus tour, USTET tips, A Day in The Life of a Thomasian at kung ano-ano pa. Tapos ngayon, thomasian na rin ako! Sobrang nakakataba lang ng puso!
***
Alas-singo na ng hapon nang makarating kami sa dorm. Grabe nakakapagod din pala! Pagkauwi ay agad akong humilata sa sofa bed. Dito kasi ako natutulog dahil yung double deck ay ipinaubaya ko na kila Calista at Phoebe.
"Alanise, dinner muna tayo, gumising ka na d'yan," marahan pa akong niyugyog ni Phoebe.
Nakaidlip na pala ako, hindi ko namalayan. "Anong oras na?" tanong ko habang kinukusot pa ng mga mata ko.
"Alas otso na bakla! Bumangon ka na at umorder na ako ng isang bucket ng chicken pangdinner natin," sigaw ni Calista mula sa balcony mukhang doon s'ya nagset-up ng dinner namin.
YOU ARE READING
Kundiman
Teen FictionEverything was fine at first. We're so happy because destiny is on our favor. Not until one day, everything seemed to have changed. And there, I learned that destiny's hard to trust. We will never know what destiny has in store for us. One day you'...