Chapter 8: Balisong

70 9 0
                                    

Patapos na ang first sem at tapos na rin ang preliminary exams namin noong October. December na ngayon at finals naman ang nag-aabang sa amin.

Ngayon ay break namin  kaya naman papunta kami nila Phoebe at Calista sa P.Noval. Panay kasi sila kain sa fast food, eh mas marami namang masasarap na kainan sa labas.

Nakakaumay na rin ang mga pagkain sa Carpark kaya pinilit ko silang sa labas naman kami kumain dahil mahaba naman ang vacant namin ngayon.

"Sa'n mo naman 'to nadiskubre, Alanise?" tanong ni Phoebe habang tumitingin sa menu.

Halatang manghang mangha sila dahil mura at masasarap ang pagkain. Sulit talaga ang isang daan mo dito!

Nagdalawang isip pa ako bago ako sumagot. "Kay Kameron,"

Ma-issue kasi 'tong mga 'to! Baka mamaya bigla na lang akong tuksuhin at kung ano ano pa ang itatanong nila sa akin.

At gaya ng sabi ko, nanlaki ang mata ng dalawa sa akin. 

"Weh? Kailan pa kayo nagsimulang magdate?"

"Close na kayo?!"

"Kaya pala umalis ka no'ng isang gabi at nagtataka kami saan ka pumunta!"

"S'ya yung kasama mo no'n?"

"So anong nangyari?"

Sunod-sunod na tanong nila sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko at kung ano ano agad ang iisipin ng dalawang lukaret na 'to. Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Kalma, pumunta lang kami sa gig nung time na 'yun, kung ano ano na kaagad iniisip n'yo, mygad!" 

Nagtataka pa rin silang nakatingin sa akin. "So, paano kayo naging close?" pag-uusisa pa rin ni Phoebe.

"Well, tambay ako palagi sa balcony at lagi ko s'yang nakikita so paminsan-minsan nag-uusap kami," pagkwkwento ko pa saka umupo.

Umupo na rin ang dalawa saka sinabi sa nagtitinda ang oorderin namin. "'Yun lang? Ta's naging close na kayo? Feeling ko compatible kayo kaya ang bilis n'yong nagkapalagayan ng loob!" kinikilig pang sabi ni Calista.

"Buti ka pa may magiging paskuhan date na! Kami eto at naghahanap pa rin!" inis na sabi ni Phoebe at pumangalumbaba sa lamesa.


"Ikaw lang! May nahanap na kaya ako sa Omegle! Si... AZIEL! From college of Engineeringgg! AAAAAA!" kinikilig na kwento ni Calista at tumili tili pa ang loka. Hinagilap n'ya pa ang cellphone n'ya na nasa bulsa saka ipinakita sa'min yung convo nila ni Aziel.

Parehas na nasa interest nila ang paskuhan date kaya raw nila nahanap ang isa't isa. Nakakatawa pero nakakailig. Hahaha! Gwapo si Aziel kaya etong si Calista ay tuwang tuwa.  


Napahalukipkip na lang tuloy si Phoebe. "Andaya, sige iwan n'yo na ako sa kangkungan!"

"Kangkong malunggayyy, ang pag-ibig ko ay tunaay," natatawang kinantahan ko pa si Phoebe saka niyakap.


Hindi rin naman ako sure kung aayain ba ako ni Kameron sa Paskuhan, eh. Anong malay ko kung may girlfriend na pala yung tao, diba? O kaya ka-M.U. ayaw ko namang umasa!

Kunwaring nagpunas pa s'ya ng luha. "Tanong n'yo na nga lang kay Kameron at Aziel kung may kaibigan silang wala pang date! Free na free kamo ako!" sabi pa ni Phoebe.

Maya maya ay dumating na rin ang Chicken Kebab na inorder namin. Tuwang tuwa ang dalawa at sobrang sulit daw. Masarap kasi at marami pa ang serving. 

"Ang sarap neto mars, the best! Bukas ulit ha, may alam ka pa bang kainan?" tanong sa akin ni Calista habang sinisimot n'ya ang pagkain n'ya sa plato.


Kundiman Where stories live. Discover now