Chapter 2: Hinahanap-hanap Kita

121 19 13
                                    

Pagkatapos ng ilang buwan na paghihintay ng USTET result ay sa wakas! Mamayang 11am daw malalaman ang status ng application. Shet, kabado bente na rin ako. Kung kailan ngayon na ilalabas saka naman ako nag-overthink, jusme! Iba pala yung feeling, nakakaparanoid! 'Yung feeling na kinakabahan at naeexcite ka at the same time. Pero hindi eh, mas lamang talaga yung kaba! Parang natatae na ako na ewan!

Magkakasama kami ngayon nila Calista at Phoebe dahil wala naman kaming pasok ngayon at hindi na rin naman kami masyadong napasok dahil wala ring ginagawa. Nakapagclearance na rin kami kaya balewala kung papasok pa. "Huy, shet! 10:59 na! Nangangatog na 'ko for real!" sabi ni Calista habang todo pagrerefresh sa site ng USTe.

"Huy gagi! Eto na! Eto na! Lumabas na sa'kin! Saglit may ieenter pa pala," naprpressure na sabi ni Phoebe. Nanginginig na rin si gaga!

Nirefresh ko agad yung akin saka tinype ang Student Number ko. Nang magloading ay agad akong pumikit saka nilayo ang cellphone ko. Pucha, eto na 'yun.

"Huy, pag na-enter n'yo na 'wag n'yo muna tignan, sabay sabay tayo!" pag-aaya ko dahil kabado na rin talaga ako, sa totoo lang!

Pare-parehas naming nilapag sa lamesa yung phone namin saka nagkatitigan. "Mygad, parang ayaw kong tignan," sabi ni Phoebe na nakakagat pa sa kuko n'ya.

"Kaya natin 'to, dali na! Sabay sabay dali," sabi naman ni Calista saka pinagsalikop ang mga kamay namin. Buset! Pare-parehas na kaming natutuliro dito, amp!

Sabay sabay kaming yumuko at agad kong tinignan ang cellphone ko. Shet. Pa'no ba malalaman na nakapasa? Pucha. Binasa ko agad yung nasa baba ng result.

To finalize your reservation, please pay a non-refundable RESERVATION FEE of Php 5,000.00 at any Metrobank or BPI branch.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa result at isa-isang tinignan ang Mental Ability, English, Math at Science. Shet! Qualified nga ako!

Pagkatapos kong tignan ang result ay napatingin naman ako sa mga kaibigan ko. Parehas silang malungkot habang hawak-hawak ang cellphone nila. Hala, anong problema ng mga ' to? Luh, gago?

Agad kong kinuha ang cellphone nila mula sa kanila. "Huy gagi, patingin nga!"

Binatukan ko agad sila ng malakas nang makita ang result. "Bwiset talaga kayo! AAAAAA! Sabi ko naman sa inyo eh! Mga likas na overthinker lang talaga kayo! Tsk." singhal ko sa kanila saka ko sila niyakap. Natawa pa sila sa kaninang kabadong mukha ko saka nila ako niyakap pabalik at tumalon talon.

Oh my god, this is it, we passed the USTET.

***

Nang malaman na pare-parehas kaming pumasa ay agad kaming pumunta sa pinakamalapit na bangko para magbayad ng reservation fee at para na rin magwithdraw. Pagkatapos ay dumiretso na rin kami sa condo unit para ipareserve na agad at magamit na sa darating na pasukan. Sabi ko na nga ba at nung pumunta kami sa unit na 'yun, naramdaman ko na makakapasa kami at doon magsstay. Ang lakas talaga ng instinct ko!

"Miss magbabayad na po muna kami ng half at si Ms. Casanova na po ang magbabayad ng another half tomorrow morning," sambit ko saka inabot ang cheque. Half na muna ang babayaran namin dahil si Mom na ang nagprisintang magbayad ng another half. Bale ang binayad namin ngayon ay ang share nila Calista at Phoebe.

Medyo pricey kasi maganda naman yung mismong unit. Maayos din ang security at hindi na namin poproblemahing magpakabit ng wifi dahil meron na mismo sila. May bed frame at study table na rin kaya sa tingin ko, 'di na kami lugi pa dito.


May mga common areas pa tulad ng gym, pool, roof top at club kaya heto talaga ang pinili namin.


Pagkatapos magbayad ay agad kaming dumiretso sa SM San Lazaro para bumili ng mga kakailanganing appliances. Grabe sa sobrang saya namin, binili na namin kaagad lahat ng mga dorm essentials! Kaya heto at hindi kami magkaugagang ilagay sa compartment ang lahat. Nang hindi magkasya ang iba ay nilagay na lang namin sa backseat.

Kundiman Where stories live. Discover now