Lumipas din ang isang linggo na puro lecture kami. Hindi na rin kasi nasundan pa ng class suspension kahit na maulan pa rin. Siguro dapat na nga kami masanay na kapag college ka, waterproof ka.
Umulan man o bumagyo 'wag na mag-expect ng suspension, swerte na lang kung meron. 'Yan ang narealize ko sa isang linggo na dinanas ko. Sa isang linggo na 'yun ay gamit namin ang kotse ni Calista. Ayaw naman naming magpakabayani at lumusob sa baha ng Espanya. Kaya ayun, kahit na ilang metro lang ang layo, araw-araw naming ginamit ang kotse ni Calista. Sa aming tatlo kasi, s'ya pa lang ang may lisensya. Although marunong naman na kaming magmaneho ni Phoebe, hinihintay pa rin namin ang legal age namin saka kami kukuha ng driver's license.
Sa isang linggo na 'yun ay medyo nakapag-adjust na rin ako sa environment ng USTe. Sa mga ka-block ko, sa mga terror profs at sa iba pa.
Sa una ay nahirapan akong intindihin ang lessons since puro terms in accounting ang nababanggit pero sa huli ay nasanay na rin ako. Magaling naman ang mga prof namin at ineexplain nila ang lahat in layman's term.
Ngayon ay medyo umaambon na lang kaya naglakad na lang kami nila Calista at Phoebe. Isang linggo na puro kotse ang gamit namin, paubos na rin ang gas ni Calista kaya kahit humirit pa kami na magkotse ngayon ay wala kaming magagawa kundi maglakad.
Pagkarating sa Carpark ay umakyat agad kami sa 4th floor saka dumiretso sa room namin. On time lang naman kami. Kahit na late kami ng 7 minutes, wala pa rin ang prof namin. Physical Ed lang naman namin ngayon at binilinan kami na kunsakaling malelate raw si Sir Paraiso ay magbihis na raw kami ng PE uniform namin saka kami dumiretso sa grandstand.
Kaya naman pagkalapag na pagkalapag namin ng bag namin ay dumiretso na kami sa locker saka kinuha ang pam-PE namin para makapagpalit na sa CR.
"Uy ang bobo naten! Dapat pala nag-PE na agad tayo pagpasok pa lang," inis na sabi ni Phoebe.
Binuksan ko ang last cubicle ng CR saka pumasok na para magpalit. "Gaga kita mong iniwan natin sa locker 'tong PE unif eh! 'Di pa nga 'to nalalabhan!" giit ko.
"Luh shet, oo nga!" sabi naman ni Calista na nasa katabing cubicle ko lang.
Pa'no ba naman kasi, kabibili lang din namin nito at 'di naman namin akalain na first meeting ay may activity na. Akala namin ay lecture lang or intoductory lesson! Amoy bago pa tuloy 'yung PE Uniform namin.
Pagkalabas ng cubicle ay nagtali na muna kami ng buhok saka nagsuot ng rubber shoes. Umagang-umaga at pagpapapawis agad ang subject namin!
Pagkarating namin sa grandstand ay tirik na tirik pa ang araw. Putek, eto na nga ba ang sinasabi ko, ang jinet! Galit na galit ang araw, masyadong mainit!
Inis na napasinghal si Phoebe. "Mare! Ba't naman gan'to! Mamamatay tayo sa init, amp!"
Ang mga ka-block ko ay mga napapakamot na lang din sa ulo. Ang iba namang mga lalaki ay tuwang tuwa pa, gusto pang magbasketball habang naghihintay kay Sir Paraiso. Seriously, ganito kainit tapos magpapapawis pa sila? Anong klaseng trip 'yun, mygad.
YOU ARE READING
Kundiman
Teen FictionEverything was fine at first. We're so happy because destiny is on our favor. Not until one day, everything seemed to have changed. And there, I learned that destiny's hard to trust. We will never know what destiny has in store for us. One day you'...