Chapter 5: Abot Langit

82 14 11
                                    

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa sofa bed ko. Ang lungkot naman kapag gantong mag-isa lang sa unit. Ang tahimik, lalo't wala sila Phoebe at Calista. Binuksan ko muna ang cellphone ko saka inopen ang sandamakmak na messages sa group chat namin. Luh, anmeron.

Nagback read agad ako at nakitang nagsend ng mga power point ang apat sa mga prof namin. Basahin daw muna namin at sa susunod na meeting ay magkakaroon ng recitation bago simulan ang lesson. Leche, akala ko hayahay na ang buhay.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. Antok na antok pa man din ako, akala ko makakabawi na eh. Andaming sinend sa amin! Jusmiyo. Ang dami pang slides! Sisimulan ko talaga 'to, basta iidlip muna ako kahit isang oras, pwede na!

Sana at hanggang bukas malakas ang ulan para naman magkaroon pa kami ng oras sa pag-aaral ng mga sinend nila. Ayaw ko talaga ng mga recitation, eh! Kabado bente agad kapag gano'n!

Tulad ng plinano ko, umidlip muna ako ng isang oras hanggang sa tumunog na ang alarm ko. Ano ba naman 'yun, isang oras ba talaga 'yon? Parang 15 minutes lang, ah.

Wala na rin akong nagawa kaya sinet-up ko na ang laptop ko saka nagsimulang basahin ang mga lecture na isinend ng profs. Paminsan-minsan ay ninonotes ko pa ang mahahalagang information sa isang index card.

Magtatanghali pa lang at ang goal ko ay matapos ang lahat mamayang hapon para hindi na ako magpuyat pa. Bukas ay maaga rin ang pasok natuto na ako at kailangang matulog na ako ng maaga para 'di ako  antukin.

Inuna ko muna ang introductory lesson namin sa Managerial Economics. Madali lang namang aralin dahil ang iba ay naaral nanamin no'ng Grade 9, tulad na lang nung Law of Supply and Demand ni Alfred Marshall. Ang iba ay self explanatory naman at ang mga 'di ko maintindihang terms ay niresearch ko na lang.

Isang oras at natapos ko agad ang Managerial Economics uminom muna ako ng tubig saka nagproceed sa Readings in Philippine History. Napakaraming slides kaya naman inuna ko munang maghighlight ng mga importanteng infos saka ko ulit binasa. Tinalakay mula sa prehistoric era hanggang sa contemporary period kaya medyo mahaba-haba talaga kahit na medyo summarized na s'ya.

Mga dalawang oras din ang ginugol ko bago matapos basahin at intindihin ang lahat. Rereviewhin ko na lang siguro ulit mamaya lahat ng important infos para hindi mawala agad sa isip ko.

At shempre, hinuli ko ang Mathematics in the Modern World. Kinakabahan pa akong ng buksan ko ang file. Agad na bumungad sa akin ang linear and exponential growth, statistics, personal finance, geometry at iba pa. Agad akong napahilot sa ulo ko. Kaya ko 'to. Introductory pa lang naman, kakaunti pa lang ang sample problem at paniguradong madadali lang kung iintindihin ko.

Tama naman ako at hindi naman gano'n kahirap kung iintindihin mo. Maikli lang at kaunti ang slides kaya natapos ko kaagad. Nag-unat ako saka tumayo. Ang sakit sa likod, batok at pwet! 

Kumakalam na ang sikmura ko kaya agad kong hinagilap ang hoodie at ang payong ko. Shet! Wala nga pala yung payong ko at naiwan ko sa room! Napahilamos ako sa mukha ko. Paano ako makakalabas ngayong ang lakas ng ulan. Gustuhin ko man na mag-order na lang ng food, wala naman akong malaking cash ngayon at kawawa rin ang magdedeliver, maulan at baka madisgrasya pa.

Nilunok ko na lang ang hiya ko saka kumatok sa pintuan ng unit ni Kameron. Napapikit pa ako nang mariin habang hinihintay na buksan n'ya ang pinto.

Nang iminulat ko ang mata ko ay nakita ko s'ya na nakasweat shorts lang. Putek! Hindi ko na napigilang tumingin sa muscles n'ya. Gagi! Oo, 'di ko talaga inexpect na ganyan pala kaganda ang body built n'ya. May abs pa s'ya! And shet, kakaiba talaga ang dating ng mga moreno!!

Kundiman Where stories live. Discover now