Samantala, nag-aalalang mukha ng dalawang kaibigan ang sumalubong sa kaniya ng mapansin ang namumula niyang pisngi.
"What happened to your face?" worried na tanong ni Sandra.
"Tinamaan ng bola." sagot niya dinama ang pisngi. Napangiwi pa siya ng kumirot iyon. "Sobrang pula ba?"
"Oo 'no?" sagot naman ni Yna na tiningnan ang mukha niya. "Sino ang may gawa nito?"
"Isang buwesit na lalaki." nang maalala ang lalaki, tila umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.
"Gosh, bakat na bakat ang tama. Im sure, mag-aalala si tita pag nakita iyan. Sandali at kukuha ako ng yelo o kaya ointment sa clinic." agad silang iniwan ni Sandra.
Mabilis namang nakahingi si Sandra ng yelo at ointment sa clinic. Nagpasalamat siya sa nurse at lumabas na. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ng may tumawag sa pangalan niya. Bumaling naman siya roon at nagulat ng makilala ang dating kaibigan at kabarkada noong high school.
"Toff!" kumaway pa siya rito.
"Hi! Kumusta?" nakangiting bati nito ng makalapit.
"Im fine. Ikaw? Dito ka pala nag-aaral." sagot niya.
Tumango ito. "Last year ako lumipat."
"Good for you." tumatangong komento niya. "Well, I have to go. Next time na lang ulit tayo magkuwentuhan." paalam niya ng maalala ang mga dala.
Napatingin naman ito sa mga dala niya. "Why do you have that?"
"Ah,need ng bestfriend ko. Namumula ang pisngi. Tinamaan ng bola ng isang buwesit na lalaki." paliwanag niya.
Napangiwi naman ito sa di niya alam na dahilan. "Ahmm, can I go with you? Kung okay lang?"
"Ahm, sure." saad niya.
Umagapay si Kristoff kay Sandra at ng marating nila ang kinarorounan ng sinasabi nitong kaibigan, lalo siyang napangiwi. It was the same girl. Tama nga siya ng hinala.
"Anong ginagawa mo rito!? " galit na bungad ng babae ng makilala siya. "Bakit magkasama kayo ng lalaking iyan?" baling nito kay Sandra.
"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Sandra halip na sagutin ang tanong ng kaibigan.
"No! I dont know him." mataray na saad ng babae bago masama ang tinging binalingan siya. "Pero siya lang naman ang buwesit na lalaking dahilan ng pamumula ng pisngi ko!"
"What!?" magkasabay na reaction ng 2 nitong kaibigan bago lumingon sa kaniya.
"W-wait, mag-e-explain ako." pahayag niya bago tumingin sa babaeng tigre. "Look, hindi ako ang naghagis ng bola. It was my friend pero hindi naman niya sinasadya. I was just the first one who approached you kaya siguro akala mo ako ang nakatama sayo." paliwanag niya.
"Oh,iyon naman pala Mitch eh. Wala naman palang kasalanan iyong tao." ani ni Yna.
Natigilan naman si Mitch sa narinig at parang napahiya sa mga inasal niya rito. Stupid of her naman kasi, kung bakit pinagbintangan niya kaagad ito.
"I'm sorry." hingi niya ng paumanhin.
Ngumuti naman ang lalaki na nagpalitaw sa pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Mas gwapo pala ito pag nakangiti. Ipinilig niya ang ulo para alisin ang tumatakbo sa isip. Eh ano naman kung gwapo ito. Marami naman siyang kilala sa campus na mas gwapo rito.
"Oh, ito na nga pala ang yelo. Dampian mo na iyan para mabawasan ang pamumula tapos punasan mo nitong ointment." ani Sandra.
"Thanks."
"Im really sorry, hindi naman sinasadya ni Reynard. Hindi na siya nakapag-apologize dahil umalis ka kaagad."
Tumango na lang siya bilang sagot dito.
BINABASA MO ANG
He Fell For Me 1
RomanceMinsan na siyang nasaktan. Minsan na siyang nabigo. Minsan na siyang nagmahal ng sobra na nauwi lang sa wala. Paano siya susubok na magbukas para sa iba kung minsan nang sinayang ang kaniyang tiwala? Can someone break the ice of her frozen heart? Su...