After the game, Pao invited them for merienda. Treat daw nito since he won the game. Mabilis namang pumayag ang dalawa niyang kaibigan. Libre nga naman.
"Oh, kumain ka na." Kuya Pao said while putting carbonara on her plate.
Hindi na niya ito nagawang pigilan. She looked at her friends. Nakangiti lang ang mga ito sa kanila.
"Here, kain na."
"Ahm, thanks kuya." ngumiti siya rito.
"Oh kayong dalawa, kain na." baling naman nito sa dalawa.
"Yeah, we'll eat na." natatawang wika ni Yna na sinuko si Sandra.
Umiiling na ibinaling niya ang pansin sa pagkain. Wala talagang pinipiling lugar ang dalawa sa panunukso sa kaniya. Lalo pa at asikasong-asikaso ni kuya Pao sa pagkain. She wanted to stop him pero hindi naman niya alam kung paano. Ayaw naman niyang mapahiya ito sa mga kaibigan kaya hinayaan na rin lang niya.
"By the way, may night camp kami this coming Friday. Gusto ko sana kayong yayain." naglalakad na sila pauwi nang muli itong magsalita.
"Oh, I would love that kuya. Kaya lang nakapagpromise na ako kay mommy na I'll go with her in San Marcelino." nanghihinayang ang boses na wika ni Yna.
"Me, too. May lakad ako with ate Leslie." mabilis na saad naman ni Sandra.
"Ganoon ba? Well, I think I dont need to ask Mitch. Alam ko namang hindi siya sasama kung wala rin lang kayo." malungkot na saad nito bago pilit na ngumiti sa kaniya.
Sasang-ayunan na sana niya ang sinabi nito pero inunahan siya ni Yna.
"Of course not kuya! Im sure, Mitch is free on Friday night. Right girl?" nakangiting baling nito sa kaniya.
"H-huh?" nilakihan niya ng mata ang kaibigan. "ah, ano kasi..."
"Oh come on Mitch. Sa ating tatlo, ikaw lang ang free pag Friday. Though you are not going out, alam naman naming libro na naman ang pagkakaabalahan mo." susog ni Sandra.
Pinanlakihan niya ng mata ang dalawa hoping to get her message pero hindi siya pinansin ng mga ito.
" Really? Kung ganoon, pwede mo ba akong samahan sa Friday? "
She looked at him para sana sabihng hindi siya pwede. Pero nang makita niyang nakangiti ito and the expectation he has on his face, parang umurong ang dila niya.
"Well, ahmmm...."
"If you want, ipagpapaalam kita." presenta pa nito.
"N-no need, kuya. Ako na lang ang magpapaalam."
"Okay, then! Thank you. Susunduin na lang kita sa Friday."
Napipilitang tumango siya. She has no choice. Naka-oo na siya rito. Sinamaan niya ng tingin ang mga kaibigan pero patay-malisya lang na nginitian siya ng mga ito.
Friday, 8:00am ng sunduin siya ni Pao sa kanila. Katakot-takot na bilin ang ibinigay ng kaniyang mommy bago sila pinayagang umalis. Inabot din ng tatlong oras ang biyahe nila bago narating ang lugar. Mataas na lugar ang Sayapa bagaman at unti-unti palang nagiging sibilisado ang lugar, bakas ang angking ganda nito. May ilang kabahayan silang nadaanan habang paakyat ng bundok kung saan naroroin ang kanilang tutuluyan. Sampu silang magkakasama. Panglabing-isa ang nagsisilbing guide nila sa pag-akyat. Akala niya ay sandali lang ang lakarin nila, pero magdadalawang oras na silang naglalakad ay hindi pa rin nararating ang eksakting lugar. Ramdam na niya ang pamimintig ng mga binti pati na rin ang pagod.
"Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni Pao.
Umiling siya. "Pagod na ako kuya. Pwede ba tayong magpahinga?"
BINABASA MO ANG
He Fell For Me 1
RomanceMinsan na siyang nasaktan. Minsan na siyang nabigo. Minsan na siyang nagmahal ng sobra na nauwi lang sa wala. Paano siya susubok na magbukas para sa iba kung minsan nang sinayang ang kaniyang tiwala? Can someone break the ice of her frozen heart? Su...