Chapter 9

190 3 0
                                    

"Ahm, Mitch..." nag-aalangang tawag sa kaniya ni Kristoff.

Nilingon naman niya ito. "Bakit?"

"I just want to say, thank you." nakangiting wika nito.

"Fo what?" nagtatakang tanong niya.

"Sa pagpayag na sumama ngayon."

Napatango siya. "Wala iyon."

Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Hindi niya alam bakit kumakabog na naman ang dibdib niya. Patay talaga sa kaniya ang dalawang kaibigan. Isinama na nga siya ng walang kalaban-laban, iniwan pa siyang mag-isa sa lalaking ito. Alam ba nila kung anong pahirap ang ginagawa sa kaniya dahil sa pagiging malapit kay Kristoff? Haysss... Buti sana kung.

"Ahem!"

Napakurap siya sa pagtikhim ni Kristoff. Dahan-dahan niya itong nilingon. "Ahmmm, m-may sinasabi ka ba?"

Ngumiti ito. "Wala naman. But, may gusto talaga akong sabihin."

Napatigil siya sa paglalakad. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang na-excite na marinig kung ano ang sasabihin nito. 'Would he asked personally kung pwede siyang manligaw?' What if, ganoon nga? Ano ang sasabihin niya? Papayagan ba niya?.. Naipilig niya ang ulo. Kung ano-ano na naman ang natakbo sa isip niya.

Hinarap niya si Kristoff. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Ah, ano ba iyon?" pigil-hiningang tanong niya.

"Sandra told me already na ayaw mong magpaligaw." nakayukong simula nito. "And I respect that, but can you please allow me to be part of your life? Kahit kaibigan lang?"

Ang kaba sa dibdib niya ay unti-unting naglaho. She was disappointed of what she heard from him. She did not expect that. 'Oh eh bakit? Di ba ito naman ang gusto niya?' Napabunting-hininga siya. Right, this is what she wants.

Ngumiti siya kay Kristoff. "Oo naman."

"Oh, thank you." masayang wika nito.

Ilang linggo na rin nilang nakakasama si Kristoff mula ng tanggapin niya ang pakikipagkaibigan nito. And she can say na he is nice to be with. Maraming kalokohang alam, makilulit, at sweet. Lapitin pa rin ng babae pero wala naman silang nababalitaang bagong biktima nito. And to be honest? Masaya siya na part na ito ng buhay niya. Though sometimes, parang gusto niyang maranasan kung paano mahalin ng tulad nito. Pero siya na rin ang sumusuway sa sarili. She chose this. Ang ano mang nararamdaman niya para rito ay nagawa naman niyang supilin lalo na't tila wala na talaga itong balak manligaw.

Naputol ang pagmumuni-muni niya ng makaramdam bigla ng pagod. Kasalukuyan silang umaakyat ng bundok dahil naisipan nilang magcamping. Kasama nila ang ilang kaklase. Si Kristoff ay sumama rin kaya hindi boring ang pag-akyat nila. Ito kasi ang tumayong entertainer nila. Tumigil siya sa paglalakad sandali para magpahinga ng ilang minuto.

"Hey, tired?"

Nilingon niya si Kristoff at ngumiti rito. "Medyo."

"Come, I'll give you a piggy back ride." offer nito.

"Are you sure?" natatawang tanong niya pero lumapit na rin. "Mabigat ako."

"Dont worry, kaya kita." kumindat pa ito sa kaniya.

Natatawang sumampa na lang siya sa likod nito. "Okay! Come on.. Bagal mo." biro niya ng makasakay dito.

Dahan-dahan itong humakbang at ng masiguradong okay na siya ay bigla itong bumilis na ikinasigaw niya.

"Kristoff!!!"

Nagulat namang naglingunan sa kanila ang mga kasama at natawa ng makita sila.

"Hoy lalaki! Ingatan mo iyang kaibigan namin huh!" sigaw ni Sandra.

"Pag nahulog iyan hindi ka na makakababa ng buhay sa bundok na ito!" natatawang pananakot naman ni Yna.

"Dont worry girls, I wont allow na masaktan ito." ganting sigaw ni Kristoff sa mga kaibigan niya na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

"Uuuyyyy!!! Iba na iyan Kristoff ah!" sigaw ng mga kaklase nila.

"Mind your own business!" natatawang sigaw nito.

"H-hey, stop laughing! Baka mahulog ako!" kinakabahang saway niya.

Bumagal naman ang lakad nito. "Im sorry. Sila kasi eh. Kinikilig na nga ako, nang-uukit pa." mahinang bulong nito.

"Ano iyon?" tanong niya.

"H-huh? Wala! May sinasabi ba ako?"

"Come on! I heard you."

"Ows? Sige nga, anong sinabi ko?" hamon nito.

"Di malinaw eh."

"Wala nga kasi akong sinabi."

"Meron kaya."

"Wala."

"Meron."

"Wala nga."

"Meron. Bakit ba--aaahhh!!!" sigaw niya ng biglang lumuwag ang kapit nito sa kaniya. Napahigpit tuloy ang hawak niya rito sa takot na mahulog.

Naramdaman na lang niyang umuuga ang katawan nito sa pagtawa. Inis na pinaghahampas niya ito.

"Aray! Stop it, Mitch! Maihuhulog kita." natatawang saway nito.

Tumigil naman siya. "Ikaw kasi! Pinaglalaruan mo ako." nakangusong reklamo niya. "Ibaba mo na nga ako."

"Ayaw! Sige na, di ko na uulitin. Mapapagod ka lang ulit sa paglakad kapag ibinaba kita." tutol nito.

"Pero kanina mo pa ako karga. Hindi ka ba nabibigatan sa akin? Baka pagod ka na"

"Nope." umiling pa ito. "Kahit kailan, hindi ako mapapagod sayo."

Natigilan si Mitch sa sinabi nito. Why did she feel something in her heart dahil sa sinabi nito?

"Uy, natahimik ka na riyan?" untag nito sa kaniya. "Nakatulog ka na ba?"

"Ahmm, medyo antok na nga ako."

"Sige, matulog ka muna."

"Ahmm, okay lang ba sa iyo? Baka mas mahirapan ka pa eh."

"I'm not. Sige na, tulog ka muna."

"Okay."

Idinantay niya ang ulo sa likod nito kahit hindi naman talaga siya inaantok. Ewan niya pero ang sarap sa pakiramdam na malapit siya rito. Hindi nagtagal, unti-unti na siyang hinila ng antok.

He Fell For Me 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon