"Girls, tara sa gym!" yaya ni Sandra.
"Bakit, anong meron?" tanong ni Yna na kasalukuyang nagpapasok ng mga gamit niya sa bag nito.
Kadi-dismiss lang ng unang subject nila ng hapong iyon. Ina-nounce na rin ni Prof. Mendoza na wala ng susunod na klase kaya masayang naghiyawan ang mga kaklase nila. Siya naman ay nag-isip na agad ng pwedeng gawin pagdating sa kanila.
"Kayo na lang siguro, I want to go home na eh."
"Ah ah ah too bad to say but you cant go home yet." umiiling na saad ni Sandra. "
Kumunot ang noo niya." And why? "
" It's because the gate is close and may utos ang admin na hindi pa pwedeng magpalabas ng students. "
" Fo what? Eh di ba wala na ngang klase. What is the point of staying here in school? "kunot-noong tanong ni Yna.
" Well girls, kasasabi lang kanina ni Prof. na we are required to watch the basketball practice in the gymnasium. Hindi kayo nakikinig ha. "
" Bakit naman? ".. Badtrip na saad niya.
"Oo nga, Im sure naman puno na ang gym. Wala na rin tayong pupuwestuhan doon." inis na wika naman ni Yna.
"I dont know." nailing na ani ni Sandra. "But still, we need to go. May magche-check ng attendance."
Wala na silang nagawa ni Yna ng mabilis silang hilahin ni Sandra. When they reached the gymnasium, marami ng estudiyante. And obviously, wala na silang mapupuwestuhan.
"Ayan, nakakainis wala na tayong puwesto!" nakangusong reklamo ni Sandra. "Kayo kasi, ang daming tanong sasama rin naman pala!"
"Eh kasi, dapat hinila mo agad kami while explaining di ba?" mataray na balik ni Yna.
"Ano ba, wag na nga kayong mag-away." saway niya sa dalawa. "Let's try sa kabila at baka may masingitan pa tayo."
Sumunod naman sa kaniya ang dalawa.
"Oh, there!" nguso ni Yna sa likod ng bleachers. "May space pa."
"Tara." aya niya
Nakiraan sila sa mga estudiyante na obviously ay nagsisiksikan. Kahit pawis na pawis na ay nakisingit pa rin si Mitch. 'Gosh, for the sake of attendance.' naiiling na bulong niya. Nakita niyang naroon na ang dalawang kaibigan. Malapit na sana siya ng matigilan sa narinig mula sa dalawang babaeng nasa unahan niya.
"Ang gwapo talaga ni Kristoff Rodriguez!" kinikilig na wika ng babaeng maiksi ang buhok.
"Kahit pawisan, he is so yummy pa rin!" tili naman nung katabi nito.
Napailing na lang siya at tutuloy na sana sa pagsingit ng maramdamang may humila ng anit niya. Napasigaw at napapikit siya sa sakit lalo at natapakan din ang isang paa niya.
"Mitch!" sigaw ng dalawang kaibigan at mabilis siyang dinaluhan. Agad siyang hinila ng dalawa.
"What happened?" nag-aalalang tanong ng isang baritonong boses.
Bigla namang natigil siya sa paghinga ng masilayan ang pawisang mukha ni Kristoff na nakatunghay sa kaniya.
"Okay ka lang ba, girl?" tanong ni Sandra at Yna.
Bumaling siya sa mga ito at tumango habang hinihilot ang sintido.
"Ano bang nangyari?" tanong ulit ni Kristoff
Naiilang siya dahil ramdam niya ang pares ng mga matang nakatingin sa kanila. Pinilit niyang ignorahin ang mga iyon. "May nakahila lang ng anit ko at nakaapak ng paa ko. But Im fine."
"Sure?" paninigurado pa nito.
Tumango siya.
"Come here." hinawakan siya nito sa kamay na ikinabigla niya pero wala siyang ginawa hanggang makarating sa bleachers ng mga ito.
"Dito na kayo umupo."
And then, he let go of her hand. Tumingin siya rito at nagtama ang kanilang mga mata. He was smiling at her. Bigla na lang niyang naramdaman ang pagkabog ng dibdib kaya binawi niya agad ang tingin mula rito.
"Thank you." mahinang usal niya.
"Hayyy sa wakas at may upuan." ani Sandra ng makaupo. "Thank you, Toff huh."
Tumango naman ang lalaki bago nakangiting nagpaalam sa kanila para bumalik sa practice.
"Hmmm, naiisip mo ba ang naiisip ko Sandra?" nang-aasar anh ngiti na tanong ni Yna.
"Yeah, duma-the moves eh." natatawang sagot ni Sandra.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawa but they just ignored her.
"Did you see it? The hands?" kindat ni Yna kay Sandra.
"Naman! Kinilig nga ako eh."
"Pwede ba, kayong dalawa tumigil na?" asik niya.
Natatawang nag-"Zip the mouth" sign ang dalawa. Mababasa ang kakaibang kislap sa mga mata ng mga ito. Napailing na lang siya at piniling manood ng practice.
Hindi niya napigilang panoorin si Kristoff lalo't pangalan nito ang isinisigaw ng mga babaeng estudiyante mapa-junior o senior man. Well, hindi naman niya masisisi ang mga ito. Kristoff is really an eye catching man. Kahit saang anggulo ay gwapo ito. At tama ang sinabi ng isang estudiyante kanina, kahit pawisan guwapo pa rin ang binata. Kaninang hawak nito ang kamay niya, ramdam niya ang pagpitlag ng puso. Masarap sigurong mahalin ng isang tulad niya. Napailing siya sa naisip. 'Imposible' bulong niya sa isip. Paano naman kasi, gustong manligaw noong tao ayaw mo naman! ' kastigo ng isang bahagi ng isip niya.
Napabuntong-hininga siya. Alam niyang nasabi na dito ni Sandra na ayaw niyang magpaligaw at hindi naman ito nangulit dahil wala nang binabanggit ang kaibigan tungkol doon. Hindi niya alam kung ayaw lang nitong magalit ulit siya or talagang nagbago na ang isip ni Kristoff kaya di na binubuksan ng kaibigan ang tungkol doon. Well, iyon naman ang gusto niyang mangyari. 'Hmmp! Gusto nga ba?' ah ewan! Oo na, may part sa kaniya ang nalungkot pero itinaboy niya agad iyon. Hindi pa siya handa. Napabuntong-hininga na naman siya.
"Girl, okay ka lang ba?" untag sa kaniya ni Sandra na ikinalingon niya.
"Huh?"
"Kung okay ka lang?" ulit nito.
Kunot-noong tumango siya. "Oo naman, why?"
"Panay kasi ang buntong-hininga mo." sagot naman ni Yna.
"Ahmm, wala. May naalala lang ako." pagdadahilan niya.
"Oo nga eh. Ang lalim nga para ng iniisip mo." palatak ni Yna.
"Yeah right. Hindi mo man lamang namalayan na naubos ang tao dito sa loob ng gym." ani Sandra.
Bigla niyang inilibot ang mga mata. Sila na nga lang ang naroroon kasama ang ibang players. Napakamot na lang sa noong hinarap niya ang mga kaibigan. "Ahm, so uwi na tayo?" tumayo na siya at nagpatiuna.
"May problema ka ba?" tanong ni Yna na ikinatigil niya sa paglalakad.
Humarap siya sa mga kaibigan. "Wala. Bakit niyo naman naitanong iyan?"
"Mukhang lutang ka eh."
"Girl, Kristoff invited us na magmeryenda and we asked you about that. Um-oo ka." ani Sandra.
Natigilan naman siya. Si Kristoff, lumapit sa kanila? Bakit parang hindi niya tanda?
"Haysss...lutang nga." naiiling na komento ni Yna.
"Tara na nga. Hilahin na lang iyan."
BINABASA MO ANG
He Fell For Me 1
RomanceMinsan na siyang nasaktan. Minsan na siyang nabigo. Minsan na siyang nagmahal ng sobra na nauwi lang sa wala. Paano siya susubok na magbukas para sa iba kung minsan nang sinayang ang kaniyang tiwala? Can someone break the ice of her frozen heart? Su...