Chapter 7

222 4 0
                                    

"Hi, girls!"

"Oh, Sandra, where have you been? Kanina pa kami rito." bati ni Yna.

"May isinauli lang akong libro sa library." sagot nito pagkaupo sa tapat nila.

"So, saan naman tayo sa Saturday?" nakangiting tanong niya ni Mitch sa dalawang.

"Wala pa akong idea." umiiling na sagot ni Sandra. "Ikaw ba Yna?"

Umiling din ito.

"Okay, tsaka na iyon. By the way, I have something to tell you." kinikilig na wika ni Sandra na nagpakunot sa noo niya.

"Ano iyon? Parang kinikilig ka." puna ni Yna.

"Eh kasi, nagconfess sa akin si Toff!" pigil ang tili na saad nito.

Namilog ang mga mata ni Yna samantalang siya ay natahimik lang.

"Really!? Kailan?" interesadong tanong ni Yna.

"Kanina sa labas ng library." lumingon ito sa kaniya. "Hey, what's wrong? Natahimik ka bigla."

"H-huh? Wala. Ano ka ba." tanggi niya. Hindi rin niya alam kung bakit bigla siyang nanghina sa narinig dito.

"So, ano na? Anong sinabi sa iyo ni Kristoff?" pangungulit ni Yna.

"Ayon nga, nag-confesd siya ng nararamdaman kay Mitch."

"What!?" magkasabay na react nila ni Yna.

"Ano ba naman kayo! Ginugulat nyo ako." natatawang sabi nito.

"Kami pa ang naggugulat? Ikaw itong ang shocking ang revelations." naasar na wika ni Yna.

"Sandra, anong sinasabi monh feelings sa akin ni Kristoff?" kunot-noong tanong ni Mitch.

Huminga muna ito ng malalim bago ikinuwento ang buong ditalye ng usapan nito at ni Kristoff.

"So?" baling nito sa kaniya pagkatapos.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Hey, anong klaseng response yan?" inis na sabi ni Yna.

"Oo nga Mitch. Haler! Gusto ka kayang ligawan ni Kristoff."

Umiling siya.

"Girls, dont make that as a serious matter." sabi niya at isa-isang inimis ang mga gamit na nagkalat sa lamesa.

"Mitch, have you not heard what I said? Seryoso si Kristoff sa balak niya sa iyo."

Tiningnan niya si Sandra. "Hindi ako ang tipo na gugustuhin ni Kristoff, Sandra." seryosong wika niya.

"Paano ka naman nakasigurado sa bagay na iyan?"

"Dahil lahat ng naging girlfriend niya, magaganda at kilala sa campus. At hindi ako tulad nila."

"But you are beautiful."

"And he is a playboy." kontra niya.

"Mitch, people change. Why dont you try to give--"

"Stop it, Sandra." Putol niya sa kaibigan. "Hindi ako nagpapaligaw at sabihin mo iyan sa kaniya." final na sabi niya bago tinalikuran ang mga ito.

Naiwang tahimik si Sandra at Yna. Nagkatinginan na lang sila at napailing sa isa't isa.

Ilang araw na hindi pinansin ni Mitch ang dalawang kaibigan at nami-miss na niya ang kakulitan ng mga ito. Ewan ba niya, simula ng sabihin ni Sandra na gusto siyang ligawan ni Kristoff hindi niya naiwasang mainis sa kaibigan. Alam naman nitong kababasted lang niya kay Kuya Pao and that only means na ayaw niyang makipagrelasyon. 'Weh, ayaw nga ba?' buska ng isang bahagi ng isip niya. Oo na, aaminin niya na may part na natuwa diya sa nalaman na gusto siya ni Kristoff pero itinaboy niya agad iyon sa kaniyang isip. Hindi ang tulad ng lalaki ang magugustuhan siya. Masyadong lapitin ng babae. Isa pa, hindi pa siya handa ulit. Masyado pang masakit ang nakaraan.


Monday, katatapos lang ng klase at kasalukuyang nasa canteen si Mitch. She was eating her food nang maramdaman niyang tila may nakamasid sa kaniya. She looked around and met the gazes of her two friends. Siya ang unang nagbawi ng mga mata at yumuko ulit sa pagkain niya. Napapangiti siya dahil alam niyang miss na rin siya ng dalawa. Muli sana niyang lilingunin ang mga kaibigan pero nagulat siya ng makitang nasa harapan na niya ang mga ito bitbit ang kaniya-kaniyang tray..

"Girl," magkapanabay na tawag sa kaniya ng dalawa.

"Yes?" kunwari ay hindi interesadong tanong niya.

"C-can we sit here?" nag-aalangang tanong ni Yna.

"No." seryosong sagot niya but deep inside gusto na niyang yapusin ang dalawa.

Nagulat siya ng biglang ibagsak ni Sandra ang hawak na tray sa lamesa at umupo sa harapan niya. "Sa ayaw at sa gusto mo dito kami uupo."

"Yeah. Isa pa property pa rin ito ng school so anyone has the right to sit here." sabi naman ni Yna na tumabi kay Sandra.

Kokontra pa sana siya nang...

"Hep! Dont tell us di mo pa rin kami papansinin? My gosh! Ilang days mo na kaming iniiwasan!" Sandra said.

"Oo nga! Dont you know that we really, really, really, really, really miss you!" nagpa-puppy eyes sa kaniyang wika ni Yna.

Hindi na niya napigilan ang pag ngiti. "I miss you, too." maikling wika niya na nagpatili sa dalawa at mabilis na yumakap sa kaniya.

"My gosh! Akala ko titikisin mo pa rin kami." Yna.

She rolled her eyes. "Erase, erase na iyon. Sorry for acting that way."

"Apology accepted!" masayang saad ni Sandra.

"Pero bakit nga ba ganoon ang reaction mo? Bakit parang ayaw mong makipagrelasyon, tell us, man-hater ka ba? "

She was speechless. She didn't know how to answer Yna's question. Alam naman niyang hindi tama na may sekreto siya sa mga kaibigan but for her, it is not the right time yet to tell her reasons.

"It's okay kung hindi mo sagutin." nakauunawang wika ni Sandra.

Ngumiti naman siya sa mga ito.

He Fell For Me 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon