"Hey, Mitch! Tulala ka na naman?" nakakunot ang noong untag sa kaniya ni Sandra.
Nakasimangot na nilingon niya ang kaibigan. "You know what? You are so good in intervening someone's meditation."
"Hmp..pwede ba babae, nagkakataon lang na laging lutang ang isip mo ano?" nakataas ang kilay na sagot nito matapos umupo sa tabi niya.
"No, of course not! I'm just resting my mind, is that bad?" mataray na balik niya.
"Ooooppss..hands up! High blood agad-agad?" natatawang suko ng kaibigan.
"Sira ka talaga." naiiling na lang na sabi niya. "By the way, where's Yna? Himala 'ata at hindi kayo magkasama."
"She' s roaming around. Malay ko kung saan na naman nagsuot ang babaeng iyon."
"Sa ating tatlo, kayong dalawa lagi ang magkasama. How come na ngayon ay hindi kayo magkahagilapan?"
"Well, I just realized that Yna is not a good companion anymore." kunwari ay masungit na sagot nito.
"And Sandra either! Nakakasuya na siyang kasama." sabat ng nasa likuran nila na si Yna. Hindi nila namalayan ang paglapit nito.
"How dare you say that to me!" nakataas ang kilay na saad ni Sandra.
"At bakit? Sino ba ang nauna?" nakairap namang wika ni Yna.
Natatawa na lang si Mitch sa dalawang kaibigan. Sanay na siya sa pagbabangayan ng dalawa. Noong una, akala niya talaga totoo ang pag-aaway ng mga ito kaya ganoon na lang ang pagpapanic niya. She was ready to shout and cry that time para lang mapatigil ang dalawa, but to her surprise...bigla na lang bumunghalit ng tawa ang mga gaga.
Gigil na gigil siya noon and so ready to kick their asses nang magtakbuhan ang mga ito. Starting that day, nasanay na siya sa pagbabangayan ng dalawa.
"Oh well, totoo lang naman ang sinabi ko." nakataas pa rin ang kilay na hirit ni Sandra.
"Guys, guys, will you just stop? Pag-untugin ko kayong dalawa eh." pagitna niya sa mga ito.
"Ikaw kasi eh." nakasimangot pa ring saad ni Yna bago tumabi sa kanila.
"Pwede ba ikaw kaya--"
"Ahemm!"
Sabay-sabay na lumingon silang tatlo sa pinanggalingan ng tikhim na nagpatigil kay Sandra sa pagsasalita.
"Oh...muntik ko nang makalimutan." putol ni Yna sa katahimikan. "Kuya Pao, I'm so sorry." hingi nito ng dispensa sa lalaki.
"It's okay." nakangiting tugon nito.
"By the way guys," baling sa kanila ng kaibigan. "This is Paolo Gonzales, my cousin. He is a fourth year student here. Journalism din ang course niya. Kuya Pao, these are my friends. This is Sandra De Guzman and this is Mitch Mae Abrigo."
"Nice meeting you, girls."
"The pleasure is with us, kuya Pao!" nakangiting wika ni Sandra.
Samantalang siya ay tumango at ngumiti lang dito. She knew the guy. She has been seeing him before. Why? It's because he is so popular in their campus. Isa lang naman siya sa pinakamagaling na player nila sa badminton. At dahil sikat ito, she heard a lot of things about him. Di na nga lang niya alam if alin ang totoo at hindi sa mga iyon. Sabagay, hindi naman siya interesado. They didn't know each other personally, maliban na nga lang ngayon.
BINABASA MO ANG
He Fell For Me 1
RomansMinsan na siyang nasaktan. Minsan na siyang nabigo. Minsan na siyang nagmahal ng sobra na nauwi lang sa wala. Paano siya susubok na magbukas para sa iba kung minsan nang sinayang ang kaniyang tiwala? Can someone break the ice of her frozen heart? Su...