Chapter 12

848 28 0
                                    

Chapter 12
Danger Resurrection

“Ate!”

Masayang boses ni Rage ang sumalubong sakin pagkapasok ko sa bahay ni Hellion, nasa likuran ko si Hellion na agad akong nilampasan. Hinabol ko sya ng tingin habang umaakyat sya sa hagdanan hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Malinaw pa sa pandinig ko ang mga sinabi nya kanina na nagpapaulit-ulit sa utak ko. Lumunok ako nang maramdaman ang pamilyar na kaba na bumalot sa buo kong pagkatao kanina nang titigan nya ako gamit ang malamig at mapanganib na mga mata.

“Ate!”

Natauhan ako at napatingin kay Rage. Nakaupo sya sa wheelchair nya, kaharap si Fire na nakaupo sa couch, nasa pagitan nilang dalawa ang isang maliit na lamesa. Nasa gitna sila ng daan at sa mahabang sofa naman ay nakahilata si Daemon na mukhang tulog.

Lumunok ako at dahan-dahang lumapit kay Rage, bitbit ko sa kanang kamay ko ang isang supot na may lamang gamot nya.

Tiningnan ko ang laman ng table na nasa pagitan nilang dalawa, naglalaro sila ng chess at mukhang talo si Fire.

“I won over him, ate, pang limang beses na”

Ngumiti ako saka ginulo ang buhok nya. Bumaba ang tingin ko sa mga binti nya. Hindi sya lumpo at mas lalong hindi sya pilay. Mahina ang binti nya dahil sa heart failure. He can walk, pero madali syang napapagod.

“That’s nice” nakangiting komento ko.

Ibinalik nya ang atensyon nya sa nilalaro nila. Tiningnan naman ako ni Fire, “You already wasted one and a half month, i’m still waiting and watching, Danger”

Nagtiim bagang ako saka sya tinalikuran, dumiretso ako sa kusina, inilapag ko ang dala kong supot at kumuha ng malinis na baso, nagsalin ako ng tubig mula sa pitchel sa lamesa at agad na uminom.

Pakiramdam ko ay muli nanaman akong hiningal dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing naiisip at iniisip ko ang misyon ko?

Pagkatapos kong uminom ay dumiretso ako sa sink saka inilagay sa lababo ang baso, hindi na ko nag-abalang hugasan yon. Nanatili akong nakatayo sa harapan ng sink habang nakahawak ang mga kamay bilang suporta. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Bakit pinanghihinaan ako ng loob?

Ipinilig ko ang ulo ko saka lumabas ng kusina, bitbit ang supot ng gamot ni Rage ay umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwartong inookupa namin ni Rage. Naupo ako sa kama matapos ilapag sa bedside table ang supot.

Pagod na ibinagsak ko sa kama ang katawan ko. Nakalaylay lamang ang paa ko habang nakatulala sa kisame.

“You’re being too comfortable”

Mabilis akong napabangon. Nakatayo sa labas ng nakabukas na pintuan si Daemon, diretso ang mata sakin habang malamig ang mga tingin. Fuck! Nawala ba ko sa sarili kaya hindi ko namalayan ang pagbukas nya sa pinto o talagang maingat lang sya sa mga galaw nya.

Tumalim ang tingin ko sa kanya nang pumasok sya, ni hindi na rin sya nag-abalang isarado ang pinto.

“What do you want?” mariing tanong ko.

Tumigil sya tatlong hakbang ang pagitan mula sakin, nanatili naman akong nakaupo sa kama.

“I want the truth, Resurrection” tiim-bagang na sagot nya.

Sarkastiko akong ngumisi, “You already know the truth, i was sent to kill Hellion”

“Not that, you see, you never gave me peace of mind, i want you to tell me everything. Who are you really?” diretso at walang pag-aalinlangan na saad nya.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon