Chapter 42

680 23 0
                                    

Chapter 42
Danger Resurrection

"Happy birthday, Dane!"

Napatitig ako kay Hellion. Birthday? December 14 na? Birthday ko na?

Humalakhak sya, "H'wag mong sabihing nakalimutan mo"

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kanya saka unti-unting ibinaba ang tingin sa hawak nya. May hawak syang basket na may lamang bulaklak. Jasmine flower.

Napangiti ako at saka muling nag-angat ng tingin sa kanya, "Anong pakulo 'yan?"

Nagkamot sya ng batok, "Alam ko namang hindi ka mahilig sa bulaklak pero binilhan pa rin kita, malay natin, baka ito ang buwenas"

Napailing ako saka lumapit sa kanya. Kinuha ko ang basket na may bulaklak saka hinaplos ang mga petals. Nangunot naman ang noo ko nang may kuminang sa gitna ng puting bulaklak. Maingat kong hinawi ang bulaklak at kinuha 'yon. Umawang ang labi ko, "Singsing?"

Ngumiti sya, "Nawala ang wedding ring mo, babe, kaya papalitan ko ng kapareho non"

Kinuha nya sakin ang singsing saka maingat na isinuot sa palasingsingan ko. Tinitigan ko ang singsing. Hinaplos nya 'yon ng marahan saka tumingin sakin at hinalikan ang noo ko, "H'wag mo nang iwawala 'yan ha"

Tumango ako. Ibinaba ko ang basket na may bulaklak saka hinapit sya at ipinulupot ang mga braso ko sa bewang nya. Natawa naman sya at gumanti ng yakap, "Hmm! Nagiging malambing na ang boss babe ko"

Hindi ako nagsalita. Ngumiti lang ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Ewan ko. Pakiramdam ko ay kakaonti na ang oras na magagawa ko ito. Parang...parang may limitasyon ang panahon na magkakasama kaming dalawa. Parang...hindi magtatagal.

"May problema ba, Dane?" mukhang naramdaman nya na hindi ako mapakali.

Bahagya nya akong inilayo sa katawan nya saka hinawakan ang baba ko at pinatingala ako patingin sa kanya. Lumunok ako at tinitigan ang mga mata nya, para akong nilulunod sa titig nya pero hindi ko maipaliwanag ang lungkot na bumabalot ngayon sa puso ko. Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Masaya ako"

Nangunot ang noo nya, "Parang hindi naman. Korni ba ko masyado? Mabaho ba 'yong bulaklak? Masikip ang singsing?" sunod-sunod na tanong nya. Inamoy nya pa ang bulaklak saka hinawakan at pinaikot sa daliri ko ang singsing.

Napatawa ako, "Wala namang problema. Exaggerated ka lang"

Umismid sya, "Nag-aalala lang-oh! Oo nga pala! Pinangluto kita ng handa"

Nangunot ang noo ko, "Handa? Ang tanda ko na para dyan"

"Wala namang pinipiling edad ang pagcecelebrate ng birthday tulad natin, mas matanda ka sakin" saka sya tumawa at kinindatan ako.

Napailing nalang ako. Hinawakan ko ang braso nya, "Tara na sa kusina, titikman ko kung pasado ang luto mo"

"Babe, kung hindi papasa ako nalang ang kainin mo, masarap ako kahit hilaw"

PAK

"ARAY!" pasinghal na reklamo nya matapos ko syang hampasin sa tiyan. Tinawanan ko lang sya saka ako naunang lumapit sa dining table kung nasaan ang mga niluto nya na kanina ko pa naaamoy. Kaya pala ayaw nya akong palabasin ng kwarto at pinilit pa akong matulog. Tsk! Tsk!

**

Matulin ang naging paglipas ng mga araw. Mas naramdaman ko ang lamig ng hangin dito sa isla. Nandito ako ngayon sa sala, nanunuod ako ng tv-hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nagkaroon ng kuryente sa isla na 'to. Ang galing naman talaga ng magkakapatid na Montreal dahil naisip nila ang ganitong vacation house.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon