Chapter 45

740 23 0
                                    

Chapter 45
Danger Resurrection

Palipat-lipat ang titig ko kina papa at Hellion. Magkatabi silang nakaupo sa sofa, kapuwa tahimik at nagmamasid sa akin. Hindi ako mapalagay, sobrang tinakot ako ng panaginip ko. Akala ko..akala ko talaga totoo 'yon. Akala ko katapusan ko na.

Muli kong naramdaman ang takot na naramdaman ko kahapon. Masakit din ang ulo ko dahil sa bukol na dulot ng pagkakahampas sa ulo ko pero nangingibabaw ang takot ko sa katotohanan. Parang nitong mga nakaraang araw lang ay sobrang lakas ng loob ko na pagbayaran ang kasalanan ko pero ngayon...parang gusto ko nang tumakbo palayo.

“Wala pa ba ang kaibigan mo, Hellion?” tanong ni papa matapos sumulyap sa suot na relong pambisig.

“Nasa parking na daw sila, Mr. Enrile”

Humugot ako ng malalim na hangin saka tiningnan ang isang braso ko. Nakaposas ito sa kama, katunayan na malaki ang posibilidad na mangyari ang napanaginipan ko. Mariing ibinaon ko sa unan ang ulo ko. Napapikit ako nang kumirot ang ulo ko. Pinuntahan ako ni doc Elise kahapon at kanina, mabuti nalang daw at hindi ganoon kalala ang naging pinsala ng hampas. Kinasuhan din ni papa ang lalakiing humampas sa akin.

“Andiyan na yata sila” dinig kong sabi ni Hellion

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa bumukas na pinto. Pumasok ang dalawang lalaki. Isang pamilyar na lalaking ilang buwan ko ring hindi nakita. Ngumiti ang pamilyar na lalaki sa akin, “Miss Danger, kumusta?”

Tipid ako ngumiti, “Okay lang. Kumusta rin, Mr. Morgan”

“Heto, gwapo pa rin”

Matamlay akong tumawa saka napatingin kay papa at Hellion, kausap nila ang matandang kasama ni Felix.

“Sana ay matulungan ninyo kami, Mr. Morgan”

Naupo ang dalawang matanda habang tumayo naman sa gilid ko si Hellion at humalukipkip. Si Felix ay naupo sa monoblock na malapit kay Hellion.

“Tatapatin na kita, Mr. Enrile, hindi ko alam kung anong magagawa ko lalo na't napagdesisyonan na ang sintensya ng anak mo” lumingon sakin ang matanda,  “Kung napaaga sana ang pagsuko nya, baka nagawan natin ng paraan”

Yumuko ako. Napatingin naman ako kay Hellion nang hawakan nya ang kamay ko, “Don't worry, Dane”

“Oo tama, wag kang mag-alaala, miss Danger, magaling 'yang tatang ko” nginitian ko lang si Felix saka muling tumingin kay papa at sa kausap nya. Tatay pala sya ni Felix. Sya pala 'yong abogado.

“Kapag okay na ang anak mo, kakausapin ko sya tungkol sa kaso. Don't worry, Mr. Enrile, gagawin ko ang lahat lalo pa't kaibigan sya nitong anak ko”

Nabuo sa akin ang pag-asa. Sana nga matulungan nya ako. Sana..

Tumango at nakipagkamay si papa kay Mr. Mogan, “Salamat, Mr. Morgan”

“Walang problema. Dito mo na nga pala ako kontakin—teka, Junjun, wala pala akong dalang calling—”

*cough cough* What the fuck, tang!“

Hindi ko napigilang mapatawa ng mahina matapos masamid ni Felix nang tawagin sya ng tatay nya na Junjun. Tamang-tama kasi na umiinom sya ng tubig nang tawagin sya ni Mr. Morgan.

“Junjun! Wag mo kong sinasagot ng ganyan!”

“Tang, Felix kasi! Anong Junjun? Bigyan mo naman ako ng kahihiyan!”

“Anong kahihiyan ang pinagsasabi mo? Hay! Di bale na lang” muling bumaling si Mr. Morgan kay papa, “I-add mo nalang sa contacts mo ang numero ko, Mr. Enrile”

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon