Chapter 19

769 31 0
                                    

Chapter 19
Danger Resurrection

Napaigik ako nang makaramdam ng bigat sa bandang tiyan ko. Kumilos ako pero parang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at napatitig sa salamin. Kumurap-kurap ako at tiningnan ang tiyan ko. Napasinghap ako at binalot ng kaba nang makita ang brasong nakapatong dito. Muli akong napapikit. Mariin at hindi ko alam ang gagawin.

Narinig ko ang malalakas na tibok ng puso ko habang iniisip at inaalala ang mga nangyari. Sinong kasama ko? Kaninong braso ang nakapatong sa tiyan ko?

“Hmmm”

Mabilis akong nagmulat ng mata at marahas na suminghap. Sumiksik pa kasi sakin ang kung sino mang katabi ko at isinubsob ang mukha nya sa leeg ko.

Dahan-dahan akong tumungo para tingnan kung sino ang katabi ko. Ang magulong buhok nya lang ang nakikita ko at ang may kalaparang balikat. Nasa kaliwa ko sya at hindi ko talaga makita ang mukha nya pero pamilyar sakin ang buhok nya.

Lumunok ako at sinundot ang balikat nya, “Ehem! H-Hellion”

“Hmmmm” umungol lang sya.

Napangiwi ako saka dahan-dahang umatras pagilid. Napamura ako nang lumapit sya habang umaatras ako kaya mas umatras pa ako hanggang sa hindi ko namalayang nasa gilid na ako ng kama.

“AAAHH! ARAY! ARAY KO!”

Hinawakan ko ang pigi ko habang nakangiwi pero agad akong natigilan nang mapagtantong nadadampian ng palad ko ang mismong balat ko. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin at napanganga nang makitang nakaunderwear lang ako.

“D-Dane..”

Gulat na napalingon ako kay Hellion na biglang sumilip sakin mula sa kama. Sa sobrang pagkataranta na baka makita nya ang katawan ko ay sinuntok ko sya bago pa man sya makapaghanda sa atake ko.

“GAGO KA HELLION!”

Isang suntok at napabalik sya sa ibabaw ng kama habang sumisigaw,  “AHHHHH”

Marahas akong tumayo at akmang susugurin sya nang matigilan ako at napatitig sa puting kumot. M-May dugo!

Unti-unting nanginig ang labi ko at pinakiramdaman ang sarili ko. W-Wala namang masakit sakin maliban sa pigi ko dahil sa pagkakahulog sa kama pero b-bakit..bakit may dugo sa kumot?

Tiningnan ko ng masama si Hellion na namimilipit sa kama, “Anong g-ginawa mo sakin, Hellion?”

“Argh! B-Bakit sa b-balikat mo pa ako sinuntok?” balik na tanong nya sa halip na sagutin ang tanong ko.

Akmang magsasalita ako nang may nauna sakin na magsalita, “Hellion—OH MY GOSH!”

Tumakbo ako pabalik sa kama saka sumiksik sa headboard at binalot ng kumot ang sarili ko. Hindi ko pinansin si Hellion na muling umungol at malutong na nagmura nang masipa ko ang balikat nya.

“Argh! Fuck! Magdahan-dahan ka naman, Dane!”

“Hellion, anong nangyari?”

Napatitig ako sa babaeng dali-daling lumapit sa kanya. Nakaramdam ako ng kung anong kurot sa puso ko nang makitang dumikit ang kamay ng babae sa braso at pisngi ni Hellion. Inalalayan nyang makaupo ang namimilipit na lalaki at doon ko lang napansin ang balikat nyang may gauze at tape. Mapula 'yon at halatang dugo ang pulang mantsa.

Natigilan ako at nag-isip. Ano bang nangyari—

Marahas akong lumingon muli kay Hellion. Panay ang ngiwi nya habang inaalis ng babae ang gauze sa balikat nya.

N-Nabaril ba sya? Nasaksak? Kasalanan ko. Sigurado akong iniligtas nya ako mula kay Brenan Martinez. Medyo may malay pa ako nang punitin ng hayop na 'yon ang damit ko pagkatapos n'on ay tuluyan na kong nawala sa ulirat.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon