Chapter 22

811 27 1
                                    

Chapter 22
Danger Resurrection

"ACHOO!!" nasa kalagitnaan ako ng hagdanan nang mabahing ako. Gamit ang daliri ay kinuskos ko ang ilalim ng ilong ko saka napailing-iling. Alas singko ng hapon, katatapos ko lang maligo dahil nanlalagkit ako sa init. Plano ko rin lumabas para maghanap ng trabaho-'yong disenteng trabaho.

"Grabe naman, hindi pa nga ako nakakalapit bumahing ka na kaagad"

Napatingin ako sa nagsalita. Nasa puno ng hagdan si Hellion, nakangiting nakatingala sakin habang may bitbit na paper bag. Gumanti ako ng ngiti, "Bilis mo naman"

"Baka mamiss mo ko e"

Ngumiwi ako at umiling-iling saka nagpatuloy sa pagbaba. Mukhang napansin naman nyang bihis na bihis ako dahil pinagmasdan nya ang suot ko, "San lakad mo?"

"Maghahanap ng trabaho"

"Trabaho? Hindi mo na kailangan 'yon, akong bahala sayo"

Bahagya ko syang tiningala at tinitigan, "Hellion hindi pwedeng habang buhay ako ay pakakainin at patitirahin mo ko dito ng libre"

"Edi kiss mo nalang ako, bayad ka na non"

Kunot-noong umiling ako, "Hellion, seryosohin mo ko"

"Seryoso ako sayo"

Bakit ang hirap kausap ng lalaking to? Minsan nagsisisi na rin akong nagbabago ako e.

"Hellion, kailangan kong buhayin si Rage. Baka nakakalimutan mong may sakit sya"

Tumango sya at iniangat ang dala nyang paper bag, "I know. Heto nga't bumili na ko ng gamot nya" inilabas nya ang isang maliit na bote mula sa paper bag, transparent 'yon at may lamang tabletas sa loob.

Nanlulumo ko syang tiningnan, "Hellion, inaalisan mo ko ng karapatan at obligasyon sa kapatid ko"

"No! Hindi ganon ang gusto ko, Dane. Ginagawa ko 'to dahil alam kong ito ang gusto kong gawin. The moment you let me hold your hands, you gave me the permission and privilege to own everything that's yours, even your responsibilities and safety. Hindi ko 'to ginagawa para mainsulto ka, malinis ang intensyon ko sayo, gusto kita at handa ako sa paglalim ng nararamdaman ko hanggang sa mahalin na kita. Naiintindihan mo ba ang punto ko, Dane? Naiintindihan mo naman diba?"

"Hellion.."

"Seryoso, Dane, ilang beses mo pang babanggitan ang pangalan ko?" natatawang tanong nya saka hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng magkabilang palad ko.

Hindi ako nakapagsalita. Ganito pala kasarap sa pakiramdam na may taong nagmamahal at handang mag-alaga sayo. Ganito pala kasarap magkaroon ng espesyal na tao. Ganito pala magkagusto ang isang Hellion Morfell. Masarap at magaan sa pakiramdam. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalaga nya, ang pagpapahalaga.

Hindi ko napaghandaan ang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanan kong mata dahil sa kasiyahang nararamdaman. Totoo naman ang sinabi nya diba? Hindi nya ko pinaglalaruan diba?

"Woy! Wag ka namang umiyak. Baka mamaya magalit sakin si bayaw e. Halika nga dito"

Napangiti ako nang hilahin nya ako at kinulong sa mga bisig nya. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi nya sa buhok ko. Isinubsob ko sa mukha ko dibdib nya at naamoy ko ang mabango nyang amoy kahit na may pawis sya. Bakit ganito ang taong to? Pawisan pero ang gwapo ng amoy?

"Wag kang mag-iisip ng negatibo, Dane"

Tumango lang ako saka dahan-dahang ipinulupot ang braso ko sa bewang nya. Sana, ganito nalang kami palagi. Masaya, maluwag ang kalooban, magkayap at magaan ang pakiramdam pero hindi e. Ilang araw na lang kailangan ko nang magpaalam sa mundo. Si Mr. X ang mismong nagbigay ng misyon ko kaya siguradong hindi sya papayag na hindi ako patayin dahil sa ginagawa ko.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon