Chapter 27

754 31 0
                                    

Chapter 27
Danger Resurrection

Hindi kami nagtagal ni Rage sa simenteryo, halos wala pa kaming dalawang oras na nagstay doon. Pauwi na kami ngayon sakay sa sasakyang gamit ni Aphrodite. Sya ang nagmamaneho, nasa passenger seat naman ako at nasa likod si Rage.

“May pupuntahan pa ba kayo?” basag ni Aphrodite sa katahimikan.

“Wala na”

“Kayo na ba ng boss ko?”

Umawang labi ko saka mabilis na napasulyap kay Rage, “Hindi. Hindi kami”

Bakit ako kinakabahan?

Tumango-tango sya at muling natahimik. Hindi ako komportableng kasama sya, para kasing hindi nya nagugustuhan ang presensya ko.

Nang makabalik kami sa bahay ni Hellion ay agad akong bumaba at kinuha ang wheelchair ni Rage, tinulungan naman ako ni Aphrodite na iupo sya dito, “Salamat”

Pumasok kami sa loob ng bahay, si Aphrodite ang nagbukas ng pinto para sa amin. Automatic na hinanap ng mga mata ko si Hellion pero wala sya, nangunot ang noo ko at bumaling sa hagdanan nang mapansin ko si Fire na bumababa.

“Nasan si Hellion?”

Nagkibit balikat sya, “May pupuntahan daw sya e”

“Rage, tara bake tayo ng cake” aya ni Fire sa kapatid ko na agad ngumiti ng malaki, “Sige kuya!”

Tinulak ni Fire ang wheelchair ni Rage at pumasok sila sa kusina, naiwan kami ni Aphrodite sa sala. Umupo sya sa sofa at ganoon din ako, magkatapat kaming nakaupo sa mahabang sofa.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone nya, agad nya 'yong kinuha at tinapat sa tenga nya matapos pindutin, “Kuya?—Andito na ko—Oo! Aish!”

Kunot noo nyang isinilid sa bulsa nya ang cellphone, napatingin sya sakin kaya lumihis ako ng tingin. She's beautiful, hindi ba talaga sya fiancè ni Hellion? O hindi naging sila?

Nagpasya akong umakyat sa kwarto para maghilamos at magpalit ng damit, agad din akong bumalik sa ibaba nang matapos ako. Nakaupo pa rin si Aphrodite pero may kasama na syang dalawang lalaki, napansin ko rin si Daemon na nakaupo sa sahig sa may gilid ng halaman malapit sa may hagdan, may sigarilyong nakaipit sa kanyang daliri, ang isa nyang paa ay nakahaba at ang isa ay nakatiklop kung saan nakapatong ang braso nyang may hawak na sigarilyo.

Mabilis akong bumaba at lumapit sa kanya, tumingala naman sya sakin at tinitigan ako sa mga mata. “Mag-usap tayo” agad na sabi ko.

Sinulyapan ko sina Aphrodite at ang dalawang lalaki na biglang tumayo at pumasok sa kusina. Muli ko namang tiningnan si Daemon.

“Daemon”

Tinapik nya ang sahig sa tabi nya saka humithit ng sigarilyo, “Maupo ka rito”

Hindi na ako nagdalawang-isip. Pa-squat akong naupo sa tabi nya saka humarap sa kanya, “Magpinsan ba talaga tayo?”

Lumingon sya sakin, “Sorry for not treating you well” sagot nya.

Umawang ang labi ko at hindi nakapagsalita, nagsosorry ba talaga sya? Napatitig ako sa mga mata nya, he looked sincere pero binastos nya ako ng sobra. “Hindi pa kita mapapatawad”

“I know” tumatangong sagot nya, “And yes, we're cousins”

“Paano nangyari 'yon? Nag-iisang anak ang mga magulang ko”

Humithit syang muli ng sigarilyo saka isinandal ang ulo sa wall, “I want to tell you everything pero tinatamad ako”

Napakurap-kurap ako at napanganga. Walangya! “Seryoso ka dyan?”

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon