Chapter 49

797 21 1
                                    

Chapter 49
Danger Resurrection

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Nagbirthday si Hellion na kasama ako. Dinalaw nya ako kasama ang anak namin at sabay naming sinalubong ang pang dalawampu't dalawa nyang kaarawan. Nang sumapit naman ang birthday ko ay sinurpresa nya ako kasama si Greyson, papa, Percy at Rage na ngayon ay maayos na ang kalagayan. Nakakabawi na si Rage, kasabay ng pagpapagaling nya ang pag-eehersisyo para maibalik ang lakas ng naparalyzed nyang mga binti at ngayon ay maayos na sya.

Halos sampung buwan na ang mabilis na lumipas. Ilang buwan nalang ay mag-iisang taon na si Greyson. Napangiti ako. Masaya ako na kahit nandito ako sa loob ay hindi lumalayo ang loob ng pamilya ko sakin. Halos araw-araw nila akong pinupuntahan na minsan ay ikinaiinis ko na. Hindi naman kasi oras ng dalaw pero nagpupunta sila dito. Nag-aalala ako sa kalagayan ni Greyson pati na rin kay Hellion. Baby pa si Greyson, baka kung anong sakit pa ang makuha nya sa pagbalik-balik dito. Kay Hellion naman, alam kong pagod sya sa pag-aalaga sa anak namin kaya hindi ko maiwasang singhalan sya kapag pumunta sya dito na hikab ng hikab at halatang pagod ang katawan.

“Gaano ka katagal tutulala riyan, Danger?”

Napatingin ako kay Charm. Nandito kami sa malawak na espasyo sa loob ng kulungan. Tuwing umaga ay nandito kaming lahat.

“Iniisip mo nanaman ang pamilya mo?” muling tanong ni Charm.

Bumuntong-hininga ako, “Maiiwasan ko ba?”

Tumawa sya, “Noong isang araw lang inaway mo pa ang asawa mo ah”

Mariin kong hinilot ang sintido ko. Nananakit ang ulo ko sa kaiisip sa mag-ama ko. Totoong inaway ko si Hellion noong isang araw, dumalaw kasi sakin na sobrang laki ng eyebags at halos namamayat na. Alam kong pagod sya sa pag-aalaga sa anak namin, dagdag pa ang DV Empire na sya na ang nagpapatakbo pero bakit parang pinababayaan nya ang sarili nya? Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa nya. Ang sabi ko naman kasi sa kanya ay kumuha sya ng yaya para may katulong sya sa pag-aalaga kay Greyson pero ayaw nya. Ayoko lang naman na nahihirapan sya ng sobra.

Bumalik na kami ni Charm sa loob. Nang oras na ng dalaw ay si papa ang dumalaw sakin. Palinga-linga ako sa pag-asang makikita ko si Hellion pero wala sya. Galit yata talaga sya sakin. Nakaramdam ako ng lungkot at galit sa sarili.

“Pa”

“Kumusta ka dito, nak?”

Ngumiti ako ng tipid, “Okay naman ho. Kayo? Sina Rage?”

“Maganda na ang kalagayan ni Rage”

Luminga-linga ulit ako at natigilan nang hawakan ni papa ang braso ko, “Hindi ko kasama si Hellion, anak”

Umawang ang labi ko at napatango-tango. “Kumusta ho sya?”

“Kung si Hellion ay ayos naman pero si Greyson, may sakit sya. Ang taas ng lagnat kagabi kaya isinugod namin sa hospital”

Binundol ng kaba ang dibdib ko, “Ho? Ano hong lagay nya? Ayos na ba sya? May lagnat pa ba? Pa, baka magawan mo ng paraan na makapunta ako sa kanya. Gusto ko syang makita kahit isang oras lang—”

“Danger, anak!” natigilan ako.

“Pa, k-kumusta ang anak ko?” kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Dapat nandoon ako, dapat inaalagaan ko sya ngayon. Dapat kasama ko ang mag-ama ko ngayon.

“Maayos na si Greyson, anak. Hindi sya pinabayaan ni Hellion. Hindi natulog magdamag ang asawa mo, kung hindi ko pa pinaturukan ng pampatulog kanina ay hindi 'yon makakapahinga”

Natigilan ako. Hindi ko magawang ikalma ang sarili ko sa kabila ng sinabi ni papa na ayos na si Greyson. Gusto kong makita ang anak ko at nag-aalala din ako kay Hellion. Baka magkasakit din sya.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon