Chapter 48

769 26 0
                                    

Chapted 48
Danger Resurrection

Nagising ako sa sunod-sunod na pagdampi ng malambot at mamasa-masang bagay sa labi ko. Bahagya akong ngumuso ng hindi namamalayan at nasundan 'yon ng mahinang tawa ng kung sino.

Nangunot ang noo ko. Ano ba 'yan? Kitang pagod na pagod 'yong tao e. Nanganak ako hindi napuyat lang. Kingina! Sino ba ito?

“Hmm”

Naramdaman ko ang hininga ng kung sino sa may tainga ko. “Gising na, boss babe, padating na ang baby natin”

Baby? Agad akong napamulat ng mata, bumungad naman sakin ang mukha ni Hellion at malaking ngiti. Pinatakan nya ng mabilis na halik ang labi ko, “Magandang gabi, beautiful babe”

Napangiwi ako, “Gusto mong sipain kita palabas ng kwartong 'to?” walang buhay na ganti ko.

Sumimangot sya at umirap naman ako. Pagod pa ako at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ano ko. Tadyakan ko kaya sya nang matigil sya sa pag-aasar?

“Ang sungit mo na agad”

Sinamaan ko sya ng tingin, “Hayop ka! Ang sakit sakit ng ginawa mo sakin. Binigla pa ako ng anak mo, mag-ama nga kayo!”

“What? Kailan kita binigla?”

Tamad na iniangat ko ang nakakuyom kong kamao, “Bakit? Nagpasabi ka bang tataniman mo ko ha? Gusto mong suntukin kita?!”

Mula sa nakasimangot na mukha ay unti-unti syang ngumisi na nauwi sa halalhak. Nangunot ang noo ko.

“HAHAHAHAHAHA”

Pinaningkitan ko sya ng mata at nang mapansin nya ang tingin ko ay kinagat nya ang pang-ibaba nyang labi para pigilan ang kanyang halakhak. Umupo sya sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko, “Kumusta na ang pakiramdam mo?”

“Nasaan si baby?”

Ngumiti sya ng malaki, “Dadalhin sya dito maya-maya lang. Teka, may naisip ka na bang pangalan?”

Pangalan? Napangiti ako. “Akala ko ba Hellion the third?” natatawang tanong ko.

“Boss babe, ikaw ang nagdala at nagluwal sa kanya syempre ikaw ang magbibigay ng pangalan. Kagwapuhan lang ang ambag ko saka syempre sperm” saka nya ako kinindatan.

Nalukot ang mukha ko at tumawa naman sya. Gago talaga!

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Para akong naenergized nang makita ang sanggol na buhat buhat ng nurse.

“Good evening Mr. & Mrs. Morfell, nandito na po ang baby nyo”

Mabilis akong bumangon, inalalayan naman ako ni Hellion, “Dahan-dahan, Dane”

Hindi ko pinansin si Hellion, nakatutok ang buong atensyon ko sa baby lalo na nang dahan-dahan syang iabot sakin ng nurse. Naiiyak ako. Sobrang saya ko. Ang cute cute ng anak namin. Kamukha sya ni Hellion.

Napahikbi ako, “Baby..”

Naramdaman kong lumapit sa akin si Hellion at sinilip nya ang baby namin. Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko at bahagya ko syang nilingon, “Kamukha mo sya, Hellion”

“Hmm pero pareho kayo ng ngiti”

Natigilan ako, “Talaga?”

“Opo. Nagsmile sya sakin kanina nang bisitahin ko sya”

Muli kong tiningnan ang baby namin. Gamit ang hintuturo ay dinutdot ko ng magaan ang ilong nya. Grabe! Ang tangos ng ilong at ang taba ng pisngi. Nakakamangha!

“Sir, ikaw na po ang magfill up nito para maasikaso na ang birth certificate nya”

Kinuha ni Hellion ang papel na iniabot ng nurse. Tumayo sya at lumapit sa lamesa, “Babe, anong pangalan nya?”

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon