Chapter 30

791 25 0
                                    

Chapter 30
Danger Resurrection

Three days later. July 26 na ngayon. Nakauwi na kami sa bahay matapos maconfine ni Rage ng tatlong araw. Ang sabi ng doktor ay lumalala ang kalagayan nya, ang totoo ay ayaw syang pauwiin ng doktor pero nagpumilit sya. Naaawa ako sa kapatid ko, alam kong pilit syang lumalaban para sakin dahil alam nyang kailangan ko sya.

Tiningnan ko ang kapatid ko, mahimbing na syang natutulog ngayon dahil pasado alas siyete na ng gabi. Matapos kong ayusin ang pagkakakumot nya ay bumuntong-hininga ako at pumikit. Tumayo ako at pumasok sa banyo, naghilamos ako saka nagpalit ng damit.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina, nangunot ang noo ko nang wala akong makitang tao bukod sakin. Nasaan sina Hellion?

Lumabas ako ng kusina at natigilan nang makita si Fire na kabababa lang ng hagdan, luminga-linga sya at natuon ang paningin sakin. Pinagtaasan ko sya ng kilay.

“Sumama ka sakin. Si Hellion”

Binundol ng kaba ang dibdib ko, “Anong nangyari kay Hellion?”

Hindi nya ako sinagot. Sa halip ay hinawakan nya ang braso ko at akmang hihilahin ako nang pigilan ko sya, “Sandali, maiiwan si Rage mag-isa”

“Diyan lang tayo sa labas ng bahay” tuluyan nya akong hinila palabas at nang makalabas kami ay bumungad sakin ang maliwanag na paligid, may mga drones na nakalutang at doon nagmumula ang mga ilaw na may iba't-ibang kulay.

Ano 'to? Disco?

“Fire..” nabitin ang sasabihin ko nang wala na akong malingunang Fire sa tabi ko. Saan nagpunta 'yon?

Naiiling na tumingin ako sa gate nang mapansing bukas 'yon, naglakad ako palabas at bumungad sakin si Hellion na nakaupo sa hood ng kotse nya, 'yong Bentley. Napansin kong maayos na ang windshield noon.

Tinuon ko ang atensyon ko kay Hellion, nakatingin sya sakin, may nakapatong na bugkos ng bulaklak sa unahan ng kotse nya, may hawak syang gitara na agad nyang ipinwesto sa harapan nya saka nagsimulang tumugtog habang nakatingin sakin.

“~Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan~

Umawang ang labi ko at hindi nakapagsalita. Nakatitig lamang ako sa kanya habang tumutugtog sya at madamdaming kumakanta.

“~Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko~

“~Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama~

“~Walang iba
Walang iba~

Inilapag nya sa hood ng kotse ang gitara saka kinuha ang bulaklak, lumapit sya sakin saka ngumiti ng malaki, “Hi boss babe, pasensya na kung simple lang ang surpresa ko, wala na kasi tayong oras”

Iniabot nya sakin ang bulaklak. Tameme pa rin ako habang inaabot ko 'yon. Nang makuha ko ay bahagya ko syang tiningala at tiningnan sa mga mata.

Narinig ko muli ang pagtugtog ng gitara, itinuloy ang tinutugtog ni Hellion kanina pero walang boses na kumakanta. Nilingon ko ang nasa likuran ni Hellion, si Daemon na nakaupo sa hood habang nakatungo at tumutugtog. Hindi talaga sya kumakanta.

Wife Series #2: Life Of A Hired Killer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon