Shanaia's POV
Maaga akong nagising kahit sabado naman ngayon. Mag iisang buwan na ata akong sa sofa natutulog kaya medyo nasasanay na din ako at hindi na sumasakit ang likod ko.
Agad akong bumangon papuntang cr para maligo at para makapaghanda na ng pagkain. Pagkatapos ko mag ayos napatingin naman ako sa phone kong nagvibrate. May message from Ashley binuksan ko naman agad ito.
From: Ashley
See you later giz! :*
Oo nga pala muntik ko ng malimutan na magkikita pala kami ngayon!
To: Ashley
I almost forgot! Thankyou for reminding me giz! See yaaaa!
Maaga pa naman 11am pa naman ang aming meet up. 7:30 am pa lang naman kaya marami pa akong oras. Nagluto muna ako ng chicken cury at nag saing.
Nagising na din naman si Lucas at pumunta ito sa ref para kumuha ng tubig.
"Goodmorning" bati ko sa kanya.
Expected naman na hindi mag reresponse to.
"10 minutes na lang maluluto na din tong ulam. Gutom ka na ba?"
Hindi parin ako nito pinapansin galit pa rin ba ito? Eh gail kahit hindi galit yan sayo hindi ka naman pinapansin niyan! Ano ba problema ng lalaking to.
Tinalikuran lang ako at bumalik sa kwarto niya at lumabas din naman agad dala dala ang laptop nito at pumwesto sa sofa.
Bakit kaya ang cold cold ng lalaking to parang hindi marunong ngumiti at di rin marunong magsalita o baka sayo lang siya ganyan gail?
Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Nang maluto na ang ulam ay kumuha agad ako ng dalawang pinggan at pinatong sa mesa.
Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko ito o hindi baka masigawan nanaman ako nito. Hayst. Ang ending tinawag ko pa din ito.
"Lucas. Luto na pwede kana makakain."
Tumingala naman ito sa akin at tumayo para pumunta sa hapagkainan sumandok naman ito agad.
Nagulat ako! Shet first time to ah? Napatulala lang ako at tumingin lang sa kanya habang nag sasandok ito.
Hindi pa rin ako makagetover kasi pinansin din ako ng masungit na ito. First time na hindi nabingi ang isang to ah.
Napatigil naman ito sa pagsubo ng tiningnan ako ng naka kunot ang noo.
"Aren't you hungry? And will you please stop staring at me. Creepy tsk." Sabi nito at nagpatuloy sa pagkain.
Napalunok naman agad ako at nqgsandok na ng kanin. First time din na magsama kaming kumain ng breakfast,
"Ah.. im sorry., it was just the first time that--"
"First time? What?" Hindi padin nawawala ang pagkunot ng noo nito.
"Ah just neve--"
"Just shut up and eat. Let me eat in peace. Ok?"
Bakit ba ang sungit sungit ng lalaking to! Nakakaubos ng pasensiya to!
Nang makatapos ito ng pagkain ay kinuha niya na ang plato niya at hinugasan. Bumalik din ito agad sa sofa at may tinatype na sa laptop niya.
Niligpit ko din ang pinagkainan ko ng makatapos ako kumain. Umaga na lang siguro akong umalis dito ayaw kong makita ang mukha ng lalaking ito buong araw. Kaya nag ayos na ako at nagbihis at naglagay lang ng lightmake up. Simple lang sinuot ko. Just a blue jeans na highwaist at sleeveless na tinuckin ko. Nakalugay din ang mahaba kung brown na buhok. Lumabas na din ako sa cr pagkatapos ko para makapagpaalam kay Lucas.

BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Sungit
RomanceShanaia Gail Dela Fuente only wants a simple life no media involve. She did everything para hindi ma involve at makilala ng mga tao since her father is a well-known businessman in the industries plus pa sikat din ang pamilya niya sa media lalo na an...