Chapter 8

9 0 0
                                    

Shanaia's POV

Hindi ako masyadong nakatulog nang dahil sa halik na ibinigay sa akin ni lucas kagabi. Ngayon ang itim na ng eyebags ko hindi ako mapakali kasi first kiss ko yon eh! Hindi ko ineexpect na hahalikan niya ako pagkatapos niya tawagin ang pangalan ng babae na Angela. Ilang seconds din yun noh! Tapos niya ako halikan na patigil ito bigla at natulala habang nakatingin sa akin pero bumalik na din ito sa pagtulog.

Wala naman akong pakialam kung ex girlfriend niya yun o hindi yung kiss lang. Pero nong hinalikan niya ako bigla ako nakaramdam na parang kuryente na dumaloy sa sistema ko. His kisses was so soft and passionate. Ewan ko ba bakit ko iyon na raramdaman.

Umaga ako ngayon nagising ilang oras lang ata ang tulog ko 2 or 3 oras. Hindi ko alam kug ano magiging reaction ko kapag nakaharap ko siya. Alam niya ba yun kagabi na ako yung hinalikan niya?

Kamusta na kaya yun? Mabuti na ba yung pakiramdam ngmasungit na yun?

Dali-dali akong gumawa ng almusal kasi may klase pa ako mamaya. Nilutuan ko na din ng lugaw si Lucas para makabawas sa lagnat niya. Nang makatapos ako sa kusina ay nag dadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa pintuan niya para dalhan diya ng lugaw mas masarap kasi kainin ito kapag mainit init pa o ipaghahain ko na lang dito sa lamesa at lagyan ng note katabi ng gamot at tubig nito.

I shook my head. Bakit ba ako nag aalala sa lalaking yun. At sa huli napagisipan ko na katokin na lang siya para ma check ko na rin ang tempeature niya.

"L-lucas.." tawag ko at abay na katok.

Wala akong na rinig na response man lang galing sa kanya. Masanay ka na talaga diyan gail. Kaya pinihit ko na lang ang doorknob mabuti naman hindi ito naka lock.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay dali-dali kong pumasok at nilagay ang dala kong tray sa bedside table. Kinacareer mo na talaga ang pagiging asawa gail ha! Wala na akong choice baka isipin pa nina Mom at Dad at syempre parents ni Lucas na pinapabayaan namin ang isa't-isa at baka ma disappoint pa yung parents ni Lucas sa akin lalo na sa parents ko. Nako baka ma cancel pa yung investment nila dahil dito. Iyon lang yun diba gail?  Napa buntong hininga na lang ako.

Tumabi ako sa kama ni Lucas at umupo doon. Hinawakan ko yung noo niya medyo mainit pa din siya. No choice ako na gisingin siya para mapakain at para mapainom na ng gamot.

"Lucas." Yinogyog ko siya ng mahina.

"Mmmm.."

"Gising muna. Kainin mo muna ang lugaw habang mainit pa para makainom ka na ng gamot at para maging magaling kana."

Hindi pa din ito gumising. Hindi ko na lang siya ginising baka magalit pa lalo sa akin. Kaya naglagay na alng ako ng sticky notes. Baka sakaling magising man ito ay initin na lang niya yung lugaw. Nandoon na din yung gamot para sa lagnat niya.

Pumasok na ako sa cr at naligo. Mabilis akong nagbihis at naglagay lang ako ng concealer para matakpan yung maitim ko na eyebags. At nagmadali ng papuntang school nag commute na lang ako kasi di ako mahahatidni lucas ngayon.

Papasok na ako sa may gate ng may tumawag sa akin.

"Ate Shanaia!" Ethan.

Nang makalapit siya sa akin ay hinila ko siya sa lugar na wala masyadong tao.

"Ang ingay mo! Huwga mo nga akong tawagin kapag maraming tao." Saway ko dito.

"Sorry naman. Ang aga-aga ang sungit mo." Reklamo nito.

"Huwag ka ngang pasaway diyan wala akong tamang tulog ngayon kaya huwag mo akong inisin!" Tiningnan ko siya ng masama.

Biglan naman itong tumawa ng nakakaloko.

Marrying Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon