Chapter 12

12 0 0
                                    

Shanaia's POV

Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng magkausap kami ng maayos ni lucas. Masaya lang ako kasi medyo nag kaayos na kami. Hindi ko inakala na magkakasundo kami ng ganon ganon na lang. Na guilty ata sa mga pinagagawa niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya at naalala ko naman ang niluto niyang hotdog na sunog.

"What's with the smile?" Tanong nito pero nakatutok parin sa daan.

Papunta pala kami ngayon sa school. Sabi niya pa na lagi na ulit daw niya ako ihahatid para makabawi daw siya sa ginagawa niya sa akin. Ang weird na talaga ng pinapakita ni lucas minsan. Nagbabago din naman siguro talaga ang tao at pwede din naman bumait paminsan minsan.

"Ha? Smile?" Wala sa sariling sagot ko dito.

"Kanina kapa nakangiti diyan. Para kang baliw."

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Tumawa lang ito. Hindi ko alam bakit ang sexy pakinggan ng tawa niya. Hoy gail! Anong pinag iisip mo diyan! Anong sexy sexy! Kinurot ko naman ng palihim ang sarili ko. Pero frist time ko lang marinig ang tawa niya ulit hindi noong una na tawa niya sa akin doon sa DFU 3 yrs ago. I bet hindi ma niya ako maalala.

Pagkadating namin sa school ay agad naman ako nagpaalam sa kanya dahil baka mahuli pa ako sa klase.

Nag quiz lang naman kami tapos dinismiss din naman kami ng prof ng 2nd subject ko. Tiningnan ko naman yung relo ko 12:30 medyo mahaba haba pa ang vacant ko kaya niligpit ko na ang gamit ko para makapglunch na medyo gutom na din ako.

Parang nagkakagulo sa labas ah. Mga babaeng nagtitili. Naramdaman ko naman ang phone ko na nag vibrate.

From: Sungit

Nasa labas ako ng room mo. Sabay tayo mag lunch :)

Huh? Kaya pala nagkakagulo kasi andito siya sa labas ng room ko. Nakakagulat talaga ang lalaking to malayo ang building ng civil sa bus. Ad. Nag effort pa talaga siya magpunta dito. Hindi ko alam pero kinilig ako! Hoy gail huwag kang mag inlove mag aannul din kayo baka masaktan ka lang nako. Okay na nga crush lang naman siguro. Tinampal ko naman ang noo ko.

Palabas pa lang ako ng may narinig akong mga usap usapan. Wala naman sigurong masama makinig sa usapan ng iba? Syempre masama gail! Chismosaaaaa! Hindi ko napigilan at sinandal ko ang likod ko sa kilid ng pintuan at nakikinig sa usapan.

"Shocks! Si Lucas! Ano kaya ginagawa niya sa Bus, Ad na building?"

"Diba civil eng yan?"

"Last na punta niya dito ng sila pa----

Hindi natpos ng isang kasama ng babae na nabubulungan ang sasabihin kasi tinakpan na nito ang kanyang bibig.

"Tumahimik ka nga baka marinig ka ni lucas my loves!"

Nagulat ako ng may pumasok sa loob ng room.

"Shanaia what are you doing? Kanina pa ako naghihintay sa labas." Inis na sabi nito. Hindi ako makatingin sa kanya.

Hindi ako nakaligtas sa tingin ng ibang mga babae. Kapag nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nilalamayan.

Hindi ko alam pero tumakbo ako paalis kay Lucas. Ayaw kong mapag usap usapan dito hindi ako komportable baka araw araw na ako aabangan ng mga fangirls nito mamaya ko na siya kakausapin. Pero hindi ako nakaligtas kay Lucas kasi sinundan niya ako.

"Hey! What's wrong?" Hapong habol nito sa kin at hinawakan ang braso ko.

"Im sorry. Ayaw ko lang ng gulo." Iwas na tingin ko dito.

Marrying Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon