Chapter 25

9.4K 306 152
                                    

Paris

"Your client is Ezzio Martinez?" I asked Venny the moment her meeting with Ezzio ended. Itinukod ko pa ang dalawang kamay sa mesa habang nakatayo. Siya naman ay abala sa pagkulikot sa cellphone niya.

I stood in front of her as her brows furrowed without even giving me a single glance.

"Uhm... yeah?" she said, as if it was no big deal. Napasinghap ako. I know I was only stating the obvious but hearing it from her seemed to have taken me by surprise, still.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?!" Hindi ko na mapigilang itaas ang boses. Kasi naman! Halos hindi ako nakagalaw nang makita ko si Ezzio kanina! Kung hindi pa ako tinapik ni Marky ay baka tuluyan na akong naging estatwa ro'n.

"At dito mo pa talaga isinet ang meeting!" puna ko. This time, Venny lifted her head to meet my gaze.

"Sis, chill. First of all, hindi ko naman talaga sinasabi sa'yo kung sino ang mga kliyente ko."

I pursed my lips because she was right. Hindi naman kasi importante sa'kin kung sino ang kliyenteng dinadala niya rito kaya talagang hindi ako nang-uusisa.

Pero iba kasi 'to! Si Ezzio 'to! 

Ibabalik na sana niya ang atensyon sa cellphone nang mapansin niya ang nakasimangot kong mukha. Napakunot ang kanyang noo bago inilatag ang phone sa mesa.

"Teka, bakit ba? Naka-move on ka naman na, 'di ba?"

Her question didn't even make me blink. Sa halip ay ipinag-krus ko lang ang magkabilang braso at itinaas ang isang kilay.

"Sinong may sabi?"

Ni minsan naman wala akong sinabing naka-move on na 'ko. Sure, I didn't talk a lot about what happened. I kept quiet. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na naka-move on na ako. 'Move on'. Kahit hindi naman naging kami ni Ezzio. Parang tanga, Paris.

Venny's eyes slowly widened. Umupo siya ng maayos at talagang itinakip pa ang dalawang kamay sa bibig. Matapos no'n ay sumigaw siya.

"Seryoso ka?!" aniya. "Shit, halos 6 years na, stuck ka pa rin?!" 

"E, ano naman ngayon?"

Kung dati, todo deny ako sa nararamdaman ko, ngayon hindi na ako natatakot na sabihin 'to kahit sa ibang tao. If there's one thing I learned back then, it's that I shouldn't be afraid of voicing out my feelings. I shouldn't hold it back.

Venny stood up and took a step closer to me. Umayos ako ng tayo habang humawak naman siya sa magkabilang braso ko. She looked at me, eye to eye. May pag-aalala sa boses niya nang magsalita.

"Ate, I know I kept pushing you to Ezzio back in college, but don't you think you should just leave it all behind?"

Napaawang ang labi ko. Seryosong nakatingin sa akin si Venny. I understood what she meant. S'yempre, matagal na 'yon. Ezzio had probably forgotten about it now. Baka nga nakalimutan niya na ako.

The look on his face awhile ago flashed through my mind. Walang kahit anong ekspresyon ang nakita ko sa mukha niya kanina. Walang bahid ng sakit. Walang bahid ng galit, o kahit kaunting saya. 'Yung... wala lang. Tiningnan niya lang ako na para bang hindi niya 'ko kilala.

He also acted pretty casual, like what happened to us back then didn't happen at all. Napaisip tuloy ako. Burado na ba talaga ako sa isipan niya?

No. It's too impossible. He couldn't possibly forget everything about it. Sabihin na nating nakalimutan niya na nga. Pero sigurado akong hindi lahat. Sigurado akong... hindi pa rin niya ako nakakalimutan.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon