Paris
May girlfriend si Ezzio. Girlfriend. I couldn't believe I was so all over him for over a week without having any clue that he's taken!
Matapos niyang sabihin sa akin 'yon ay natahimik ako dahil sa gulat. I didn't know what to say or how to react. Masyado kasing biglaan ang pagkasabi niya no'n. Mabuti na lang at eksaktong dumating si Venny! Kung hindi ay baka nagmukha na akong tanga roon sa harap niya. I don't know. I would be lying if I say I didn't see it coming. Alam ko naman na sa simula pa na posible 'yon. Kaya lang, mas pinaniwala ko ang sarili ko na hindi. I thought after what I did to him years ago, he'd completely shut other women out and relationships won't ever be his thing. I guess I was wrong.
Ang kapal ko rin talaga. Matapos nang nagawa ko, umasa pa rin akong may nararamdaman pa siya sa akin, kahit kaunti. I didn't think I was irreplaceable. I just... thought I had a slight chance of being with him.
Clearly, I didn't. At dahil nga may girlfriend na si Ezzio ay s'yempre, itinigil ko na ang paghahatid sa kanya ng pagkain. Tumigil na rin ako sa kakatext sa kanya tuwing gabi. I also stopped asking Venny about him. I stopped trying to make a way for us to meet. I'd been doing none of that for days. And it made Venny curious.
"Are you sure you're not coming with me to check Z's house again?"
I bit my lip. I wanted to. But from now on, I knew I should start keeping my distance. So, I shook my head.
"Busy ako."
Ibinalik ko ang atensyon sa pagre-review ng inventory. Pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa'kin. When I looked back at her, she had her brow up.
"You're not that busy. I could tell."
She was right. In fact, pangalawang beses ko na 'tong ginagawa. I needed to keep my mind occupied. But with Venny around, it's not working.
Bumuntong hininga ako.
"But I'm tired," I reasoned out. Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Halatang hindi niya ako pinaniniwalaan. At napatunayan ko lang 'yon nang inilapag niya ang phone sa table. Kakatapos lang ng meeting niya kasama ang isang kliyente pero imbes na umalis ay nagpaiwan muna siya rito.
"Seriously," paninimula niya. "Ano ba talagang nangyari noong iniwan ko kayong dalawa ni Kuya Z sa kitchen?"
I didn't answer. And so, Venny came up with her own conclusion. Pinaningkitan niya pa talaga ako ng mga mata.
"'Yung totoo. Nag MOMOL ba kayo ro'n?"
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Pansin ko pa ang pagbaling ng iilang staff sa direksyon namin dahil napalakas ang pagkasabi no'n ni Venny!
"Gaga, hindi!" inis at nahihiya kong sabi. Bago pa man siya makasagot ay narinig ko na ang paglalakad ni Marky papunta sa amin. He looked excited.
"Uy, nakarinig ako ng MOMOL. Sino? Saan?" sunod-sunod niyang tanong nang makaupo sa libreng upuan sa tabi ko. Venny just grinned while looking at me, making it obvious that I was the one she was pertaining to.
"Ay, talaga ba?" gulat na sabi ni Marky. He turned to me with his eyes wide. "Mission accomplished na, 'te?!"
He knew about the whole thing. Nakwento ko kasi sa kanya simula pa lang noong unang pagkikita namin ni Z. Ayaw ko sana. Kaso nahalata talaga ni Marky na may something. Lalo na dahil sa naging reaksyon ko nang makita ang lalaki. He asked me nonstop about what was going on. Marky could be so pushy sometimes so I ended up filling him in.
"Anong mission accomplished? E, hindi naman 'yon ang misyon ko!"
Ano bang akala nila? Na niligawan ko lang si Z para makipag MOMOL?!
![](https://img.wattpad.com/cover/187911648-288-k736631.jpg)
BINABASA MO ANG
Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] Paris Belle Villaverde, a known dean's lister in campus, accidentally screams out she likes Ezzio Martinez, the star player of the football team. From then on, things start to run out of control.