Fourteen

55 2 3
                                        

Chapter 14: The Charmer

Jolaizza

"Ayun nga po, naghahanap kami ng pamalit ni ate Mica."

Kumakain na kami ng hapunan ng ikwento ko kay lola ang tungkol kay ate Mica. Mula sa pagtulong sakanya ni mama hanggang sa problema niya kay Ms. B. Lola was attentive lalo ng malamang may kinalaman si mama sa pag-alis ni ate Mica. She asked me if my mom ever reached out to me for the past days and she got disappointed at my answer. Maging si lola ay hindi rin maintindihan kung bakit bibihira lang tumawag si mama.

"Pinag-iisipan kong tanungin si ate Maribel kung willing sana siya ang kaso..." I trailed off and lola chuckled.

"Naku. Alam mo naman kung gaano katamad at kaarte ang ate Maribel mo, apo. 'Tsaka hindi naman marunong magluto ang isang yun. Masyadong ni-spoil ng tita at tito mo." Tumawa ako sa sinabi ni lola at napakibit balikat.

"'Tsaka may pasok rin siya lola kaya malabo talaga."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at sumulyap kay Zac ng muli itong kumuha ng kanin. Naramdaman niya ang paninitig ko kaya napatingin siya saakin. He arched a brow at me and smirked. Napabusangot naman ako bago muling tumingin kay lola.

I was thinking of asking Zac if he's willing to replace ate Mica but... nah. Knowing how lazy he is!

"Half day lang naman ang pasok ni Maribel, eh. 'Tsaka tapos naman na ang finals nila." Ani lola.

"Kahit na lola. Alam mo naman na gusto ni tita na focus si ate Maribel sa pag-aaral niya, diba? Ayaw na ayaw nun na iniistorbo ang anak niya sa pag-aaral." I giggled. Nagkibit balikat naman si lola at marahan ring natawa.

"Eh, bakit hindi mo subukan si Kevin kung ganun?"

Sabay kaming napabaling ni Zac kay lola sa sinabi neto. Nagpapalit palit ang mga mata ni lola saamin, nagtatanong ang mga mata. I looked at Zac and saw his furrowed brow with his mouth full. Marahas siyang tumingin saakin dahilan para tumaas ang mga kilay ko.

"Pinag-iisipan ko rin yan, lola. Baka tanungin ko siya bukas." Bumaling na ako kay lola pagkatapos ng sinabi. Pansin kong nangunot ang noo ni Zac.

"Sige subukan mo siya. Wala naman atang problema sakanya na magtrabaho dahil masipag rin naman ang batang yun."

"Wala nga po. Siya kasi yung nagdedeliver ng mga inoorder ni Ms. B sa papa niya sa karinderya."

Napatango si lola sa sinabi ko at ngumiti, "Nakakabilib rin ang batang yun, Gulzz. Gwapo, matalino, masipag, madiskarte. May mahihiling ka pa ba sakanya?" Lola smirked at me. Nangunot ang noo ko kasabay ng pamumula ng pisngi. Not this again!

"Lola," I said warningly.

"Ano? Wala naman akong sinasabi." Painosenteng anito. Napanguso ako dahilan para matawa siya. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain habang nailing. Minsan na nga lang magbiro ang lola, hindi pa nakakatuwa. Psh.

We ate dinner silently after that. I was already half empty with my plate when Zac filled his plate again with rice. Muli akong napatingin sakanya at natagpuan ang matatalim netong mata. Kumuha siya ng tatlong hotdog at pinagpatuloy ang pagkain. Gutom na gutom, ah? Pangatlong plato niya na kasi iyon.

Malakas siyang dumighay matapos kumain na may pahimas himas pa sa tiyan. I looked at him behind the rim of the glass I'm holding and arched a brow. He smirked at me while cleaning his teeth with a tooth pic, looking so sated.

"Ang sarap talaga ng luto mo, babe." He complimented out of the blue. Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagbaling sakanya ni lola na siyang katulad ko ay kumakain pa rin.

When Love Was Found In Bicol (WLD)Stories to obsess over. Discover now