Chapter 8: Anxious
Jolaizza
Kanina pa ako nagpapabalik balik ng lakad sa karinderya habang kinikiskis ang dalawang palad. I looked outside and saw how heavy the rain was. Eksaktong tatlong oras na ang nakakaraan ng makaalis ang bus na sinasakyan ni Zac at hanggang ngayon, hindi ako mapakali.
I should have stopped him. I should have! Dammit, Jolaizza! Una pa lang talaga dapat hindi mo na siya tinulungan, eh. What if something bad happens to him? Makakaya ba ng konsensya ko? Hindi! I'll be living my life in guilt if something bad happens to him!
Hindi rin nakatulong ang napag-alaman ko kanina sa balita. A typhoon was fast approaching the region! It was strong, according to the weather forecast. Nakatulong sa lakas neto ang mainit na panahon netong nakaraang mga araw. Kaya sobrang lakas na lang ng ulan ngayong malapit na ito mag-land fall. Darn! They should have cancelled that freakin' trip if that's the case!
"Jolaizza, okay ka lang ba? Kanina ka pa pabalik balik ng lakad--- nakakahilo ka na, te!" I halted my steps when I heard ate Mica's complain. I looked at her behind the counter with her eyebrows creased. I sighed and sat on the nearest monoblock. I feel like I drain myself from thinking too much.
"K-Kinakabahan ako, ate Mica eh." I told her the truth. I bit my lip then looked at her, "I hate to imagine morbid things but I just couldn't help it! Seeing a rainbow is a jinx for me and it happened that Zac is in a 12 hrs. bus trip. At may bagyo!" Halos mapasigaw na ako sa halo-halong emosyong nararamdaman.
Ate Mica looked at me in awe and now that I've realized what I said, wala nga pala siyang alam sa naging plano namin ni Zac. I cussed, now I have to explain everything to her.
"K-Kung ganun, dapat nga ay pinigilan mo siya!" She reacted after I told her everything. I heave a bothered sigh and stared at nothing. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib sa kabang nararamdaman. I really should have, ate Mica! But I think there was just no stopping him! I knew how desperate he is to go home hence, stopping him will not be a very good idea.
Pero may bagyo! Shit. Bakit ba kasi ngayon ko lang iyon nalaman? Ugh, Jolaizza! Minsan kasi manood ka rin naman ng balita!
"Wala ka bang number niya?" Ate Mica, asked.
"Wala." I answered, hopeless.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-isip. For a moment, she kept quiet before her face lit up and looked at me.
"Si Lola Mel! For sure may numero yun ni Zac dahil alaga niya ito, diba? Hingin mo na lang sakany---" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil napaungol ako. Sa panlulumo.
Isa pa si lola! Ano ang sasabihin ko sakanya?! For sure magagalit yun saakin ng sobra! Baka atakihin pa yun knowing na may bagyo at kasalukuyang nasa byahe ang alaga niya. Ipinagkatiwala pa naman niya saakin si Zac tapos gan'to lang ang mangyayari! And how can I ask her for Zac's number if I know na sa oras na malaman niya ang sitwasyon ay magagalit siya saakin!
Ano ba 'tong pinasok mo, Jolaizza?! I thought this would give me peace but all it gave me are throbbing headaches! Not to mention, anxiety!
"Lagot ka, Jolaizza." Ate Mica said, as if wala na siyang maisip na paraan na maaaring makatulong saakin. Mas nanlumo ako.
Lightning flashed followed by a very loud thunder that made me jump a bit. I looked outside and saw how the rain gets heavier every passing minute. Nanubig ang mga mata ko sa kaba.
Kamusta na kaya ang lalaking yun ngayon? I hope he's fine. God knows how I hope that he's doing good at the moment. He might be comfortable on his sit right now, watching how rain pours outside the window. He should be!
YOU ARE READING
When Love Was Found In Bicol (WLD)
Acak"It was in Bicol when they found love." ~ Señor Zacarias Started: February 21, 2020 Ended:
