Three

47 3 3
                                        


Chapter 3: Ignorance

Jolaizza

"Nandito na tayo, Zac."

Nangunot ang noo ng lalaki sa sinabi ni lola. Inilibot neto ang mga mata habang mariing nakaigting ang panga. His eyes held anger and frustration that made him menacing. He looks like a ticking time bomb.

"Nasa Bicol na tayo."

Bumaling ang mga mata neto kay yaya na siyang may maliit na ngiti sa labi. I can almost see his eyes on fire. He's really angry! Ako ang kinakabahan para kay lola, eh. This man seems he would kill if he was given a chance!

"Take me home." Gritting his teeth, he utter. His voice was dripping venom that if you don't give him what he wants, you're dead. But lola remained calm and I find it so cool.

"Zac, ito ang utos ng ate mo. Ngayon, kung ayaw mong maulit ang ginawa nila sayo sa mansion, bababa ka jan ng tahimik at susunod saakin papasok ng bahay. Malalim na ang gabi at hindi magandang nagsisisigaw ka jan lalo na't hindi ka naman taga rito." Lola said, composed and all. Tumingin ako sa lalaki at nakita ang pagkunot ng noo neto, mas nagalit sa sinabi ni lola.

"That's exactly my point, yaya! Hindi ako taga-rito so why the fvckin' hell am I here?!" He screamed so loud, the veins on his neck showed up. Pansin kong may ilang kapit bahay na kaming nagsilabas sa kanilang mga bahay, nakadungaw at tila nabulabog sa napakaingay na sigaw ng lalaking 'to.

Napapikit ako sa kahihiyan. Can't this man just follow what lola said? Look what he've done.

"Zac--"

"I wanna go home, yaya! Take me home!" Nanggagalaiting sigaw neto. Napaatras ako ng magsimula itong magpumiglas, pilit tinatanggal ang mahigpit na tali sakanyang kamay. Napasinghap ako. They really tied him up!

Lola sighed before he motion the man, who approached her earlier, to get the man named Zac. Tumango ito kay yaya bago nilapitan ang lalaking pilit nagpupumiglas. He screamed and cursed the man when the latter got a hold of him. Mas pinagtibay neto ang pagpupumiglas hanggang sa bumaba na ang isa pang lalaki na nasa passenger seat para tulungan ang kasama sa nagpupumiglas na lalaki.

"Yaya!" Sigaw niya ng magtagumpay ang dalawang lalaki sa pagbaba sakanya sa van. Sinundan ng mga ito si lola na siyang pumasok na sa loob ng bahay. My jaw drop at the sudden commotion at my house. Bumaling ako kina tita at nakitang maging sila ay nakanganga sa mga nangyayari.

What the hell is happening?

"Isusumbong ko talaga kayo kina lola, yaya! I swear, hindi matatapos ang araw na 'to na hindi ito nalalaman nina lola!" Nakaupo na ito sa sofa't lahat lahat ay sumisigaw at nagpupumiglas pa rin ito. Sinusubukan netong tumayo pero mahigpig na nakahawak sakanyang magkabilang balikat ang dalawang lalaki.

"Gusto mo ba talagang makaabot ito sa lola mo, Zac?" Lola said then chuckled. Natigilan ang lalaki pero yung galit ay naroon pa rin. "Pasalamat ka nga at dito ka lang dinala ng ate mo at hindi ka niya tuluyang pinalipad sa ibang bansa. Alam kong mas nanaisin mong sumama saakin dito kaysa mamuhay kasama ang lolo at lola mo." Makahulugang ani lola.

Muli akong bumaling sa lalaki at nakita ang mariing pag-igting ng panga neto. Umiwas ito ng tingin kay lola at hindi sinasadyang lumipat saakin dahilan para matigilan ako. He stared at me for a second or two before he rolled his eyes at me and sighed. Bahagyang tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. Attitude?

Sumandal ito sa kinauupuan at tuluyan ng sumuko sa pagmamatigas. Umiigting ang panga neto na parang galit na galit pa pero wala ng magagawa. Tuluyan siyang binitawan ng dalawang lalaki na napabuntong hininga.

When Love Was Found In Bicol (WLD)Stories to obsess over. Discover now