Chapter 13: Kasal
Jolaizza
"Kevin!" I said, surprised when I saw him standing infront of our house. He looked at me and smiled. His cheeky smile that always brightens out my day.
Kakatapos lang namin magigib ni Zac ng tawagin ako neto dahil may panauhin raw kami. And I didn't expect that it was him! This early in the morning!
"Ang aga mo, ah?" Gulat pa rin na ani ko. Marahan itong natawa bago lumapit saakin para guluhin ang buhok ko. Napangiti ako.
"May idinaan lang kay Maribel para sa final project namin. I thought it was the perfect time to visit Lola Mel yaring nandito na rin naman ako."
"Ganun ba? Sige pasok ka!"
Iminuwestra ko siya sa upuan at agad nagtungo sa kusina para ipagtimpla siya ng kape. Nakakahiya naman! I'm still in my pj's and stink dahil kagagaling lang sa pag-igib. Kakagulat naman kasi 'tong si Kevin!
"Oh, Kevin. Napadalaw ka, ijo." Bumaling ako sa sala at nakita si lola na mukhang kakagising pa lang.
"Magandang umaga po, lola Mel. Matagal ko na po kasi kayong gustong bisitahin ang kaso eh busy ako masyado sa paaralan. Ngayon lang po nakakuha ng pagkakataon." Saad neto. Bumaling ito saakin ng ilapag ko ang kape sa harapan niya. He has this look on his face that says, "sana hindi ka na lang nag-abala." pero nginitian ko na lamang siya at pinagkibit ng balikat.
"Ganun ba?" Nakangiting ani lola, "Nakakatuwa naman. Pero paano ba yan, ijo, wala akong pasalubong sayo. Biglaan kasi yung pag-uwi ko kaya hindi ako nakapaghanda ng pasalubong."
"Naku, lola Mel, ayos lang po yun. Masaya na po akong nakauwi kayo ng ligtas at malusog." Kevin chuckled. Natawa rin si lola bago bumaling kay Zac na tahimik lang sa tabi. Nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip. Kunot ang noo at hindi maipinta ang itsura.
"Nagkakilala na ba kayo?" Tanong ni lola dahilan para mapasinghap ako. Oh, I forgot about that!
"Hindi pa po/ No. Tsk." Sabay na ani nung dalawa. Tumingin ako kay Zac na medyo may pagkasuplado ang pagkakasabi. Bumaling rin ito saakin at binigyan ako ng masamang tingin. Natigilan ako. What did I do?
Sumulyap saakin si lola at marahang natawa.
"Kevin si Zac nga pala, ang alaga ko sa Manila. Nagbabakasyon dito." Si lola na ang nagpakilala sa dalawa. Bumaling si Kevin kay Zac at nginitian ito. He then held his hand out to offer Zac a hand. Tinitigan iyon ng huli, matalim pa rin ang mga mata.
"Zac, si Kevin. Manliligaw ni Gulzz? Tama ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni lola at napasinghap.
"Lola, hindi!" I blushed and immediately look at Kevin who's giggling. Bumaling ito saakin dahilan para mas pamulahan ako ng pisngi. Shucks! Nakakahiya!
"M-Magkaibigan lang po kami." Nautal pa ako ng sabihin yun. Tumawa si lola at iwinaksi ang kamay, sorry for her mistake. Muli akong tumitig kay Kevin at napaiwas rin naman ng makitang nakatingin pa rin ito. Ang puso ko! Lumulundag na naman!
"Pasensya na, akala ko ay may umaakyat na ng ligaw dito sa apo ko." Tumatawang ani lola. I blushed in embarrassment lalo na ng makitang mukhang tuwang tuwa si Kevin sa pagkakamali ni lola! Ano na lamang kaya ang iisipin niya ngayon? That I'm feeding my grandma lies?!
"Nice to meet you, pare." Ani Kevin at muling inilahad ang kamay sa nakahalukipkip na Zac. Tumingin ako dito, namumula pa rin ang pisngi, at kita ang nakabusangot netong mukha. He was clenching his jaw repeatedly like something pisses him off or something. Yet, he still took Kevin's hand for a shake.

YOU ARE READING
When Love Was Found In Bicol (WLD)
Losowe"It was in Bicol when they found love." ~ Señor Zacarias Started: February 21, 2020 Ended: