Eleven

45 2 0
                                        


Chapter 11: Probinsyano

Jolaizza

"Salamat." I smiled at the seller and took the plastic bag. Sinilip ko ang dalawang pilinut na binili bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Since Zac is a sweet dude, he deserves the sweetest delicacy of Bicol. Pagpapasalamat ko na rin sa ginawa niya kagabi. That still amuse me, even now. And I didn't know that I'll have an attack when I'm already in the verge of sleeping. Wala talagang pinipiling sitwasyon at oras ang Asthma ko. Once triggered, it'll happen.

Naabutan ko si Zac at Lola na nag-uusap sa sala pagkauwi ko. Nangunot pa ang noo ko dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. They turn their head at me when I entered and Zac's grim lips immediately stretch for a smile. I smiled at him also.

"Mukhang ang seryoso ng pinag-uusapan niyo ah." I said.

"Just some stuffs that I'm curious about, babe." Zac answered. Natawa naman si lola.

"Nagtatanong kasi si Zac tungkol dito." Lola raised something in her hand. My forehead creased when I saw an old CD in it's case. Inside it was a note that I can't read because of our distance. "Sinagot ko lang."

"Ano naman jan?"

Nilapag ko ang hawak na supot sa center table at naupo sa maliit na sofa, across them. Kinuha ni Zac yung supot at parang batang tiningnan. His smile widen when he saw what's inside. Napangiti ako bago muling tinuon ang mga mata kay lola.

"Ito ang huling bagay na binigay ng daddy ni Zac sa mama mo bago sila naghiwalay." Anito. Nanlaki ang mata ko at napasinghap sa narinig.

"Teka, ano?"

"I also got shocked when I heard about it." Ani Zac. Saglit akong bumaling sakanya bago muling tumingin kay lola.

Lola chuckled, "Hindi ko na dapat pa kinekwento ito sainyo dahil nakaraan na pero, mukhang interesadong interesado kayo."

"Nacurious lang ako, yah. I know that dad was a heart-throb before, like me, pero hindi ko naman alam na maging dito ay may mabibiktima siya." Ngumunguyang ani Zac. "How did they even meet?"

"Bata pa lamang si Asher ay ako na ang nag-aalaga sakanya. Masyadong busy ang lolo at lola mo noon sa negosyo kaya hindi na nila pa naaalagaan ang mga anak. Madalas kong dalhin dito ang daddy mo kapag bakasyon. Naging malapit siya sa mga anak ko, lalong lalo na sa mama ni Gulzz. Hindi nagtagal ay nalaman ko na lamang na sila na. Mahabang istorya, pero sa huli, walang nagawa ang anak ko kung hindi hiwalayan ang pinakamamahal niya sa utos na rin ng ina ni Asher. Hindi naman lingid sa kaalam mo kung gaano kamatapobre ang lola mo diba?" Lola smiled at Zac after her explanation. Napatingin naman ako sa huli na natigil sa pagkain. Bahagyang nakaawang ang labi at hindi makapaniwala.

Maging ako ay hindi makapaniwala. May nangyari palang ganun dati? Paano ko naman malalaman, eh hindi naman nagkekwento si mama saakin. This is the first time that I've heard about a thing of her past. At kay lola pa nanggaling.

"Did they really love each other?" Tanong ni Zac ng makabawi sa pagkagulat. I look at Lola when she smiled. A smile that didn't even reach her cheeks.

"Sobra. Si Linda ang unang pag-ibig ng iyong ama, Zac. Ganun rin naman si Linda." Natahimik si Zac at hindi agad nakapagsalita.

"Ang saklap naman." I whispered to myself but I guess Zac heard it. He looked at me the same time I look at him so our eyes lock. I smiled at him before I look away.

Pagkatapos ng kwento ni lola ay nagsitayo na kami. Pumasok si Zac sa kwarto niya habang si lola naman ay pumunta sa kabilang bahay, kila tita. Nagtungo naman ako sa kusina para mag-saing at pagkatapos ay nagtungo sa kwarto para magbihis. Naabutan ko si Zac na nakaupo na muli sa sala, hawak ang ukelele at marahang nagsstrum. Tumingin siya saakin pero agad na akong nag-iwas ng tingin at pumasok sa kwarto. For some reason, my heart jolted.

When Love Was Found In Bicol (WLD)Stories to obsess over. Discover now