One

91 5 2
                                    

Chapter 1: The Bicolana

Jolaizza

"Hoy, Salie!"

Bumaling ako sa katrabaho ng marinig ang matinis na sigaw ng amo namin. Mula sa hamba ng pintuan ng opisina neto ay lumabas ito at nakapamewang na nagmartsa kay Salie, ang katrabaho kong nakapangalumbaba sa counter na para bang ang lalim ng iniisip. Natawa ako.

"P-Po?"

"Anong tinutulala tulala mo jan? Aba! Kung alam ko lang na ganyan ka katamad hindi na sana kita kinuha pa sa syudad para magtrabaho dito! Wala na nga tayong costumer, nangangalumbaba ka pa jang ingrata ka! Kaya tayo minamalas eh! Dahil sa katamadan mo!" Binatukan neto si Salie dahilan para mapangiwi ako. Mataba ang amo namin kaya for sure masakit iyon.

"Aray ko naman tita! Makabatok ka akala mo naman hindi ka--" Salie stop her words when our employer narrowed her eyes at her.

"Ano? Hindi ako ano?!"

Nag-iwas na lang ng mga mata si Salie at napabuntong hininga. Hindi nakatakas saakin ang pasimple netong pagirap bago tumayo ng tuwid.

"Wala po. Heto na nga po oh, magtatrabaho na po." Sarkastikong anito. Muli ay nakatanggap siya ng batok sa amo namin pero this time, hindi niya na tinago pa ang pagdaing niya.

"Tita!"

"Tigilan mo ako sa kaartehan mo, Rosalie! Kinuha kita sa nanay mo dahil ayokong matulad ka sakanya kaya umayos ka! Gusto mo bang ibalik na lang kita roon, ha? Gusto mo ba?!" Yumuko ito sa singhal ng tita niya at napanguso. Tumigil naman ako sa pagmomop at pinakatitigan ang katrabaho kong bago pa lamang dito. She started working here just a week ago kaya naiintindihan ko na medyo naninibago pa ito. And she came from the city. Her life is way different from ours here in the province.

"Ayoko." Parang bata ay aniya. Binuksan naman ng tita niya ang malaking abaniko neto bago umirap at nagmartsa pabalik sa opisina neto.

"Ayusin niyo ang trabaho niyo!" Sigaw neto bago padabog na sinarhan ang pintuan. Bumaling ako kay Salie at marahang napangiti ng makitang nakayuko pa rin ito.

"Okay ka lang?" Tanong ko rito ng makalapit. Binitawan ko ang hawak na mop at naupo sa kalapit na monoblock. Nag-angat naman ito ng tingin saakin at napabusangot. I giggled at her reaction.

Rosalie's presence will tell you that she's no girl from the province. She's always liberal to her clothes, even in the way she acts. Her lips are always shaded with lipstick while her hair's colored ash gray. She also has a very pale skin kaya mapaghahalataang, kahit na nagtatrabaho sa isang cheap at kinakalawang nang kainan na ito, ay mayaman siya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit nandito siya dahil hindi rin naman ako nangusisa na. Basta ang alam ko lang ay, a week ago, dinala siya dito ni Ms. B at ipinakilala niyang pamangkin. Maliban doon ay sinabi netong magtatrabaho si Salie dito kaya akala ko isa rin siya sa mga taong kagaya ko na nagbabanat buto para magkapera. Turns out that she's in a higher class than me. Way higher.

"Why is it so hard to live here ba, ate Gulzz? I mean, I'm trying my best naman to fit in! Nagsisipag naman ako tulad ng gusto ni tita kahit na nakakapagod. Bakit palagi niya pa rin akong sinisigawan? Hindi niya ba nakikita yun?" Tumawa ako sa sinabi neto bago kinuha ang basong nasa harapan niya. May natitira pang gatas doon na hindi na niya ata naubos. Malamig na rin kaya tiyak akong masama na ang lasa nun.

"Hindi naman mahirap mamuhay dito, eh. Wag mo lang kasing pansinin." Ani ko habang naglalakad patungo sa lababo. Kumunot ang noo neto, bakas ang iritasyon sa mukha.

"Paano naman yun?"

"Just enjoy what you are doing. Wag mo kasing isipin na nakakapagod, na nakakatamad. The less you think that it's tiring, the less you'll be." Umirap naman ito sa sinabi ko at binigyan ako ng thumbs down. Ngumiti naman ako sakanya at nagkibit balikat.

When Love Was Found In Bicol (WLD)Where stories live. Discover now