Cp.02

34 6 0
                                    

ANIA'S  POV

Andito na kami ngayon sa mall, at nag hihintay sa pag dating ng ala sais ng gabi.
Iyon kasi ang oras ng panonoorin naming pelikula nila Aga Muhlach at Bea Alonzo.

Habang nag iikot ang aking ina at ang aking ate na si Janine, kami naman ng kuya ko at ng daddy ko ay nag hihintay dito sa Mcdo, na kasanayan na kasi namin na kumain dito, noon palang na bata pa kami ito na ang favourite place namin kainan tuwing sasapit ang family day. At syempre dahil bata kami.

Habang sa pag hihintay namin kila mommy at ate, may nakita akong babae na tila'y pamilyado sa akin ang mukha. Ngunit hindi ako sigurado sa aking nakita kaya para makasigurado ay binabalak ko na sundan sya. Kung sya nga ang babaeng nakikita ko noon.

Nang akmang paalis na sya sa kinaroroonan nya ay agad ako nag madali at umalis sa kinauupuan ko upang sya nga ay aking sundan. At sa pag sunod ko sa kanya ay nakita ko syang pumasok sa ladies comfort room.

Nakita ko syang pumasok sa pang apat na cubicle ng CR. Sa sobrang tahimik sa loob ay narinig kong may tinatawagan sya sa kabilang linya. Kaya nag desisyon ako na pumasok sa dulo na cubicle.

Hindi ko gusto na makinig sa usapan ng iba. Ngunit parang nakuha nito ang aking atensyon.  "That's good news. Hahahaha! Thank you so much, Vi"
Wika nya, ngunit hindi ako sigurado kung, By that stands for baby, or Vi that stands for Levi, na kaniyang sinabi. Sigh.

Lumabas din sya pag tapos ng kanilang usapan, kaya nag madali din ako para sundan pa sana sya ngunit biglang namatay ang mga ilaw sa CR.



Sh*t!





Seryoso?!






Mas lalo ko kinagulat ng biglang may narinig ako sa likod na nag bukas ng pinto





"Jusko, Lord, wag naman. Hindi ko na sya susundan!" I said while in fear.






Habang ako'y nakapikit ay may isang babae na lumapit sa akin, ang buong itsura ko sa pagkatakot ay nakita nya. Sinabi nya na nag brownout sa buong mall.



"Ano ba yan?! Mall na 'to ha"


kasabay nito ay nakaramdam ako ng pagkahiya at hindi kaginhawaan ng malaman na nag brownout lang. Sino ba naman kasing matutuwa na may nakakita sa panget mong natatakot na mukha. Pagkatapos ay iniwan ko na si ate at nag pasalamat ako.

Pabalik na ako sa kung saan ako naroon kanina kasama ang aking ama at kapatid. Habang ako'y nag lalakad ay nakita ko si Venice, na palakad papunta sa kinaroroonan ko kaya agad akong dumungaw pababa sa second floor ng mall upang maiwasan nyang makita ako.

Pag balik ko sa Mcdo ay naroon na rin sila mommy at ate,  ngunit hindi kami makapag-order sa kadahilanang brownout at hindi gusto ni mommy na kakain kami na hindi masyadong maliwanag at kahit na may emergency light ang mall. Masama daw kasi kumain ng hindi masyadong maliwanag ang hapag kainan.









- TEN YEARS AGO -

Ania's POV

Bukod sa ilang araw nya ng nag tuturo sa aming klase ay napapadalas din ang kanyang pag utos sakin.


"Ms. Villanueva, maari mo ba akong samahan sa Science Department? Hindi ko lahat mabubuhat 'yan"  pag papaliwanag nya.


Bakit ako pa? Ang daming lalaki dito sa aming room, hindi naman malaki ang katawan ko at hindi naman ako alipin para ako lagi ang utusan. Pero sige na nga.



TEN YEARS LATER  (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon