- PRESENT -
Ania's POV
Nakatulog ako sa loob ng isang oras, at mahahalata ito dahil sa mga naiwang marka sa braso at mukha, ko isa na rin don ay yung morning sickness.
kahit di morning para akong nilalagnat
Hindi ko namalayang nakarating na pala sila Tita Mench, at Tita Joy.
Sabi ni mama gigisingin nya ko, eh
Basta nagising nalang ako at bumungad agad sila sa paningin ko."Tita?" Tanong ko.
Sabay silang tumingin kung saan ako naka pwesto. Si Tita Mench ay isang matalik na kaibigan ni mommy, si Tita Joy naman ay pinsan ni Mommy. Matagal na silang magkakaibigan, nakilala ni Tita Mench si Tita Joy, nang ipinakilala ni mommy na malapit na pinsan nya si Tita Joy, at para na silang magkapatid. Kaya naman nagkasundo-sundo sila at naging magkakaibigan.
"Hay naku, mabuti at gising kana pinaka mamahal kong pamangkin" Ani Tita Joy. At lumapit sakin para hawakan ako sa braso.
Yes, katulad ng pagiging malapit nya kay mommy ay ganon din sya sakin. Hindi naman nag seselos ang mga kapatid ko dahil alam nila kung gaano kami madalas lumabas noon, at hanggang ngayon.
"Bakit po tita, may nangyari po ba?" Malay ko ba kung anong nangyari habang tulog ako.
Tanong ko naman dahil sa tono nyang mukhang may hindi akong nasaksikan kaninang tulog ako.
"Wala naman, pero sayang at hindi mo naabutan doctor ng mommy at kuya mo"
Oo, nga pala. Hanggang ngayon hindi ko parin nakikita yung doctor nila mommy.
Saan naman kasi nasulpot 'yon?...
"Ang gwapo 'nak! Para syang may kalahating lahi, atsaka matangkad din sya, lampas ng taas sakin"
Natawa ako sa sinasabi ni tita, sya talaga ang second mom ko. Gustong-gusto nya ng magka-boyfriend ako. Ahhhhhh!
"Talaga, tita. Baka naman malabo na ang salamin mo. Hahahaha!" Ayoko lang talagang maniwala.
"Bakit kita ilalapit sa hindi gwapo... atsaka, alam mo, mukhang may lahi yung doctor, matangkad ito na sigurado akong kasing taas ko sya, ay hindi, mas mataas sakin pala" [giggles]
"Hmm, ganon po ba tita?" Sabi ko ng may ngiti saking labi.
"Kailan ka ba kasi mag-aasawa?" Biglang tanong naman ni tita Mench.
"Tita naman, wala pa nga po akong nobyo, asawa agad ang gusto mo. Hahahaha!"
"Wag nyo ngang ipressure anak ko, kayo talaga!"
Buti nalang at nandito si mommy. BWAHAHA!
Magkaka-asawa lang ako kung makita ko na sya....
Si Levi....
Matapos ng matagalan nilang pag-uusap habang tulog ako, nag paalam na rin sila agad.
"O' sya, nagising na rin naman itong si Ania, aalis na kami" Ani Tita Mench
Agad?
"Aalis na ho kayo agad?"
"Hinintay lang namin pag gising mo, Ania" sabi pa nya.
BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomanceMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...