IF YOU'RE SEVENTEEN YEARS OLD BELOW,
PLEASE, SKIP THIS CHAPTER FOR NOW.______________________________________
- PAST -
Ania's POV
Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko matapos ng nangyari samin ni Levi sa loob ng laboratory. Mahigit dalawang oras din ang inabot namin sa loob at napaka raming nangyari na mas lalong nag pasaya sakin. Subalit matapos nang dalawang araw ay hindi ko nasisilayan ang mukha ni Levi.
"Bwisit, na lalaking yon. Matapos ng nangyari samin ay bigla nalang sya mawawala?!"
Wika ko habang nasa library ako ng University, at nag hahanap ng librong kakailangin namin sa history.
Sa aking pag hahanap ay may napapansin akong tao sa kabila ng bookshelf. Naka uniform din ito tulad ng uniform ng mga lalaki dito sa university. Matangkad sya, at maputi din ito. May piercing, at panyo sa noo na nag mumukha syang bad boy
Sa walang sawa nyang pag silip sa akin ay napikon ako, at tuluyan kong hinulog ang dalawang makapal na libro na nag sisilbing pantakip sa ilong at labi nito.
"Aray!"
Buti nga sayo
Sigaw naman nya na mukhang nasaktan nga sya. Ako naman ay nag tago at binaba ko ang katawan ko paupo, para di nya ako makita.
May siwang ang baba ng bookshelf at nakikita ko ang kanyang mahahabang biyas, kaya kahit anong tago ko ay maari nya akong silipin pailalim.
Maya-maya ay may nakita akong tumulo at kulay pula ito. Kaya agad akong napaisip kong gaano ko ba sya nasaktan sa ginawa ko. Agad akong tumayo at tinungo ang lalaking nasaktan ko.
Na datnan ko syang nakatayo parin at nag pupunas sa bahagi na tinamaan ko. Gaano ba kalakas ang pag tama nito sa kanya at kailangan mag dugo ng sobra -sobra ang labi nya?
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
"Sorry, akala ko kasi namboboso ka, eh" dagdag ko.
"What were you thinking?" Inis na tanong nya ngunit nanatili syang kalmado.
"Sorry, halika at umupo muna tayo sa table para maasikaso kita" pag bibigay ng bawi ko sa kanya.
Agad naman kaming nag tungo sa reading table ng library, at maraming estudyante ang nag bubulong-bulungan sa amin kasama na din ang ibang guro at pati na din ang bantay ng library. MGA CHISMOSANG FROG!
Habang pinupunasan ko ang nag durugong labi nya ay may malamig nga pala akong water na binili ko sa canteen na para sana kay Morry. Kaya agad ko itong kinuha sa bag ko upang mahimasmasan na at tumigil na sa pag durugo ang sugat na dinulot ko sa lalaking ito.

BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomanceMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...