- PRESENT -
Venice POV
Kakagising ko lang at saktong 9 AM na ng umaga kailangan ko na mag handa at may bibisitahin pa ako na malapi-lapit saking puso, ang pamangkin ko. Kasabay nang pag bangon ay ang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung ano na ang huling nangyari sakin last night, matapos ko uminon kasama ang daddy ko pati na rin ng mga kaibigan ko.
Hindi na rin ako na mroblema pa kung iinom ako o hindi, since wala naman akong pasok sa trabaho dahil day off ko. Wala namang ibang head ng hospital ang tumatawag sakin, sa pangangailangan nila ng doctor.
Kailangan ko na mag handa at baka tanghaliin pa ako lalo na't may bibisitahin ako sa hospital ngayon, kailangan ko pa mag luto para naman may maibigay ako sa kanya.
Yes, magkaiba kami ng hospital na pinapasukan.
Ilang taon na ang nakakaraan pero hanggang ngayon wala parin akong pinipiling lalaki na mamahalin ko, dahil mahigit ilang taon na rin simula nang makilala ko agad ang lalaki na gusto ko na, at hanggang ngayon ay iniisip ko ang pag babalik ni Ania.
Hindi ko alam kung sisihin ko ba ang sarili ko na baka ako ang dahilan kung bakit umalis sya at nag aral sa abroad. Hindi ko maalis sa isipan ko ang ginawa ko sa kanila noon, na iyon din ang dahilan kung bakit ko iniisip na umalis si Ania, dahil sakin.
Oo, pinagseselosan ko sya dati, kaya humantong ako sa pagkakataon na hindi sila pagkitain, ngunit kahit ano sigurong pag iiwas ko sa kanila na mag kita sila, ay lubhang kinakalaban ako ng tadhana.
- PAST -
Venice POV
"Levi, Levi I'm sorry. Nagawa ko lang naman yon kasi.."
Hindi pa natatapos ang pag papaliwanag ko nang mag salita si Levi.
"Kasi? Kasi ano Venice?" Kalmado ang mukha nya pero may inis sa kanyanh pananalita.
"Dahil ayokong mag katuluyan kayo ni Ania! Levi, ako ang nakasama mo ng matagal pero bakit hindi ako? Bakit hindi ako ang gusto mo?" Tanong na ayoko talagang itanong kay Levi, sa dahilan na baka mas lalo akong masaktan sa sagot nya.
Bahala na....
"Venice, hindi mo dapat ginawa yon, hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo sakin" Kalmadong pananalita ni Levi.
Yes, alam nya ng may ginawa akong hindi tama na naging dahilan ng pag aaway nila ni Ania.
Totoo na hindi sya marunong mag pakita ng galit nya, o kahit nasasaktan pa sya.
"Alam ko Levi, pinipilit ko lang sarili ko sayo. Pinipilit ko pumasok sa buhay mo, dahil umaasa ako na matutunan mo ko mahalin." pag bibigay liwanag ko sa kanya ng nararamdaman ko.
"Venice, ang kaya ko lang ibigay sayo ay ang pagkakaibigan na meron tayo, at hindi na mag babago yon.
Venice, alam mong ngayon lang tumibok ang puso ko sa babae, nakilala mo ko na hindi masyadong nakikihalubilo sa ibang tao, at alam mo din kung gaano ako kailang sa mga babae.
Pero Venice, kaibigan kita kaya sana maintindihan mo. Minamahal ko ng tunay si Ania, oo, alam ko, na sobrang impossible na umibig sa taong nakasama ko lang ng isang buwan, pero believe me, iba ang nararamdaman ko sa kanya" pag papaliwanag ni Levi.
Nasaktan ako ng lubos kaya hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya, hindi ko parin matanggap na ako itong nakasama nya ng matagal pero sa isang buwan na pagkakakilala nya kay Ania, ay nahulog na sya agad.
BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomanceMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...