- PAST -
Ania's POV
Pag labas namin ng laboratory ay labis-labis ang pag-aalala ng mgs kaibigan namin na may halong pag-tataka at hinala.
"Kanina pa kayo nandiyan sa loob, bakit di man lang kayo agad tumawag samin para naman nakalabas kayo agad" pag tataka ni Venice.
May nararamdaman akong kakaiba sa kanya, bakit parang nagkukulo ang loob nito.
"Oo, nga naman, Ania. Why'd you both have to call us late?" Saad naman ni Ethan, na lubhang nag-aalala at nag tataka tulad ni Venice.
"I-"
Hindi ko hinayaan pang mag salita si Levi, ako nalamang ang nag paliwanag.
"Sorry, Ethan. Nawalan kasi kami ng signal sa loob. Alam mo na, malaki ang laboratory ay liblib din ito" pag-tatakip ko sa katotohanan.
Kung sasabihin ko ay dulo ito ng school namin, kaya siguro ay hindi na sila mag tataka pa. Ngunit si Venice, ay may matalas na tingin sa akin na hindi naman mahahalata ng iba, ganon din naman si Morry kay Levi.
"I think, we should go now Ania, kanina ka pa hindi nag pakita sa amin at na missed mo pa ang lesson ni Mrs. Saldano"
Sabi ni Ethan, at hinawakan ang balikat ko tipong nilalayo nya na ako kay Levi, paalis sa laboratory.
Nakita ko naman na nakatingin si Levi, sa kamay ni Ethan na naka hawak sa balikat ko, atsaka ako tinitigan ng hindi ko makita sa mata nya kung ano ang nararamdaman nya.
Makalipas ng dalawang araw ay hindi man lang nag papakita si Levi, kaya sobra-sobra ang pagkainis na nararamdaman ko. Kaya pati ang aking locker ay napapag dabugan ko na din.
"Ano bang problema mo Ania, kanina ka pa ganyan" tanong naman ni Jamaica.
"Naiinis ako kay Levi, hindi man lang nag papakita sakin pag tapos namin makulong sa laboratory!" Sagot ko na may halong inis sa tono ko.
"Huh? Bakit naman nya kailangan mag pakita sayo pag tapos ng nangyari na yon?" Tanong nya ulit. Habang pabalik na kami sa loob ng classroom. Katapat lang kasi ng room ang locker namin.
Hindi ba obvious sa kanya na may namamagitan na samin ni Levi?! Goodnesss!
"HAIST! Ewan ko sayo Jamaica" lalo kong inis sa kanya.
"Oh, ano ba yan? Bakit naiinis ka kay Jamaica?" Tanong naman ni Morry.
Isa ka pa!
"Sorry. Hindi ko lang napigilan ang emosyon ko, lalabas lang ako at pupunta akong library" pag papaliwanag ko, at sabay nito ang pag tayo ko para umalis.
"Sasama na ako" sabi ni Ethan.
"Hindi na, kaya ko mag isa Ethan, salamat" pag pipigil ko sa kanyang nais.
"Since lalabas ka din naman Ania, pasuyo naman ako ng water sa cafeteria nalimutan ko kasi sa bahay ang tumbler ko" pag hingi ng favor ni Morry
"Okay" dali ay umalis na ako at nilisan sila sa classroom.
- PRESENT -
Ania's POV
Nandito na kami ngayon sa hospital at papunta na ako sa room nila Mommy.
Isang babae sa di kalayuan ang nakikita ko, isang babae na nakikipag usap sa doctor. Tama nga ba na ang nakikita ko ngayon ay si Venice?
BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomantizmMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...