Habang ako'y natutulog sa sala ay may isang babaeng lumapit sakin para tabihan ako.
"Nakatulog ka na sa sobrang pagod" biglang salita nito habang naka-higa sa bisig ko.
"Masyado kang nag papagod, mahal"
Sa mga sandaling naka-tulog ako, hindi ko man lang maalala kung ano mga ginawa ko na naging dahilan para makatulog ako.
Aahmmm..
Hindi ako makapag-salita ngunit gusto kong bumigkas kahit man lang isang kataga.
Pero hindi ako makapag salita.
Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang himasin ang kanyang buhok habang naka kulong sya sa mga bisig ko at bigyan sya ng halik sa ulo.
Bakit ko ginagawa 'to?
Ngumiti sya sakin kasabay ng yakap nya sakin ng mahigpit.
Agad ko rin namang ginawa 'yon sa kanya.
Pero patuloy ang pag tataka ko kung sino itong babaeng katabi ko.
BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomansMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...
