Levi's POVKakauwi ko lang galing sa pagkikita namin ni Venice, para lang makipag kwentuhan at ibigay ang kanyang pinaka paboritong perfume from japan.
Ibinili ko sya ng perfume upang manilbihan na din bilang regalo ko sa nalalapit nyang kaarawan.I looked at the clock and it's 8:30 PM already, I should take a bath now and rest after.
Bago man ako pumunta sa bathroom ay kung sinong kumatok sa aking kwarto.
"Anata wa koko ni iru watashi no musuko, mou tabemashita ka?" My mom was surprised that I'm home now, and she asked if I'd eat, already.
"Hai Mama, ienikaeru mae ni tabemashita, arigato mama"
(Yes, mama, kumain na ako bago umuwi, salamat mama)Pag katapos ng maikling usapan namin ni mommy ay nag tungo na ako sa CR upang makapag linis na rin.
hinubad ko na ang aking pants ganon na rin ang aking pang taas, at iba pang bahagi na nakasuot sa katawan ko, at pagkatapos ay hinintay ko na maging sapat sa akin ang tubig ng bathtub para ako'y mag babad muna sa ilang sandali.
- PAST -
LEVI'S POV
Hinayaan kong pumasok si Ms. Villanueva sa laboratory upang mailagay nya ang mga gamit sa loob. Bakas sa kanyang mukha na gusto nya lamang makasigurado na hindi sya ma-lolock sa loob.
Habang ako naman ay nandito sa pinto at nakaharang, natatanaw ng aking mga mata ang ganda nya, at sa kanyang magandang katawan ay ito ring nag tutugma sa kanyang itsura.
Pinasok ko ang silid at hinayaan na mag sara ang pinto, dahilan para kami ay makulong sa laboratory na ito.
Nakita ko sa mukha nya ang pag ka-alala at agad syang pumunta sa pinto, hoping na maari pang mabuksan 'yon kung pipilitin nya.
Ang kwarto na ito ay malaki at sapat na ang limang section upang mag sama-sama dito sa loob. Napapaligiran ng wall lamang ang bahagi kung nasaan ang pinto, at may napaka laking salamin naman na makikita mo ang buong university.
"Wag kana maingay kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig" I said
"Bakit mo kasi hinayaan na mag sarado? Now, we're stuck!"
"Kasi gusto ko, akala mo ba ay hindi ko narinig ang binulong mo kanina?" Yes, narinig ko syang may sinasabi kanina.
"Big deal naman sayo 'yon? Sinabi ko lang yon dahil totoo naman. Ikaw ang lalaki bakit di ka man lang tumutulong?"
"Because you didn't ask for a help. Eh, kung sana nang hingi ka ng tulong sakin, dapat tumulong ako" I said, with a serious face.
"Huh? Kailangan pang hingin ang tulong mo bago ka tumulong? Hindi ba dapat likas sa inyong mga lalaki ang tumulong sa aming mga babae"
"Hindi lahat ng lalaki ay may pag kukusa, dapat nyo lang din ibaba ang pride nyong mga babae paminsan-minsan, katulad nalang kanina, hindi ka naman ng hihingi ng tulong diba? Iisipin ko na kaya mo ang binibuhat mo, o 'di, kaya ay ayaw mo mag patulong"
"Tama na ayokong nakikipag talo"
Habang sya ay may inaayos na mga gamit ng laboratory, nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang maganda nyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/226502646-288-k792162.jpg)
BINABASA MO ANG
TEN YEARS LATER (ON GOING)
RomanceMahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi parin makalimutan ni Levi Alejandro, ang babaeng kauna-unahan nyang minahal noong nasa kolehiyo pa lamang sya. At sa muli nilang pagkikita, labis-labis naman ang pag hihirap ni Ania Villanueva, nait...