Chapter 7- First Day, First Trouble
Totoo nga pa lang mabilis lumipas ang panahon. Hamak mo yun, school day na. First day of classes na namin. Hayss, dahil wala akong pambili ng uniform ay naka free style lang ako. Okay lang naman daw yun sabi ng headmistress.
Kabisado ko naman na yung daan papunta sa school eh syaka marunong na ako sumakay papunta dun. May naipon na din akong pera galing sa sweldo ko kada linggo. Kahit masungit ang isang iyon, mataas naman mag pa sweldo.
Nakita ko na kumakain sa baba yung isa. Dahil maagap ako nagising, nauna na ako kumain kanina. Alam ko naman na di nya ako isasabay.
"San ka pupunta?" Rinig kong tanong nya sa akin kaya napahinto ako
"Papasok na po Sir" sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ulit pero nag salita it sya. Oh c'mmon.
"Sumabay ka na, ibaba ka na lang namin sa may kanto bago makarating sa gate bago ka makita ng mga estudyante na kasama ka namin" hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa sinabi nya eh. Okay na din siguro yun para libre pamasahe. Heheheeh makaka tipid ata ako ngayon ah.
Nang matapos syang kumain ay sumakay na kami dun sa van nila. As usual na feel out of place na naman ako.
"Mei, gusto mo sumabay ka sa amin kumain mamaya?" sasagot na sana ako sa tanong ni Dein pero naunahan na agad ako ni Kendrick.
"No! hindi sya sasabay" sabi lang ni Kendrick kaya tinaguan ko na lang si Dein.
Nang makarating kami sa may kanto na sinasabi nya ay agad akong bumababa. Kumuway sa akin si Dein at Miracle at nginitian ko lang din sila.
Nag simula na akong mag lakad. 5 minutes walk pa ito pero kaya ko ito, malapit lang namin. Tiningnan ko ang relo ko, shit! malelate na ako. Imbes na mag lakad ay tinakbo ko na lang.
Nang makarating ako sa school ay isasarado na sana ni kuya guard yung gate.
"Kuya wait"" tawag ko sa kanya habang tumatakbo. Tinigil naman nya ang napakalaking gate ng Raizen high. Napahawak ako sa may gate at ang isang kamay ko naman ay sa tuhod ko habang habol ang hininga. "Salamat kuya" sabi ko ng makabawi na ako. Pumasok na ako at nakita ko na wala ng tao sa part na ito.
Bumalik ako kay kuya para magtanong kung nasaan na ang mga estudyante.
"Kuya nasaan na po sila?" tanong ko
"Siguro nagsisimula na ang nga klase, maagap kasi sila kanina para malaman agad ang section nila" Shit! paano yan? hahanapin ko pa yung section ko. Wahhhh kakainis, dapat di na ako sumabay sa mga yun eh.
Pumunta ako dun sa may bulletin board ng mga 1st year college, for sure dito nakapost ang section ng lahat ng estudyante.
Unang kong tiningnan ang highest section at ayun! nandito ang pangalan ko. Yes!
Kinuha ko sa bag ang mapa na binigay sa akin. Nang malaman ko kung saan ang room ko ay agad akobg tumakbo.
Umagang umaga, ang haggard ko na. Hayss. Dahil naka jeans ako ay hindi ako naiilang tumakbo. Siguro ako lang walang uniform dito. Hayss hayaan na, basta makapag aral ako.
Nakita ko na sarado na ang pintuan ng room ko. Isang napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pihitin ang doorknob at pumasok.
Lahat ng mata ay natuon ang pansin sa akin. Napayuko naman ako sa sobrang hiya.
"Good morning Sir, Sorry I'm late" sabi ko at tumango lang sya. Buti na lang di na kailangan magpakilala sa unahan. Yun pa naman pinaka ayaw ko sa lahat.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
RomanceMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...