Chapter 16- Scrabble
So ayown na nga, walang pasok ngayon. Why? Malakas ang ulan as in sobrang lakas. Yung tipong paglabas mo ng mansion ni Kendrick, baha na talaga sya.
"Yoshinon, tingnan mo" nasa lap ko si Yoshinon habang hinihimas ang likudan nya at nakamasid sa bintana upang pagmasdan ang malakas na pag buhos ng ulan.
"Buhos ng ulan tumigil ka ng tuluyan, hatid mo man bagyo, dalangin ito ng puso ko. Tuwing umuulan at kapiling ka" kanta ko habang hinihimas si Yoshinon at nakatingin sa bawat patak ng ulan.
"Mei, gusto mo ba ng hot chocolate?" napatingin ako kay Nanay Sandra ng bigla na lang nyang iabot sa akin yung tasa na may lamang hot chocolate. "Ang ganda pala ng boses mo iha eh" napangiti naman ako sa papuri nya. Madaming nag sasabi dun sa probinsya namin na maganda daw talaga boses ko.
"Salamat po Nanay Sandra" may ngiti sa aking mga labi ng tanggapin ko ang inaalok nyang chocolate.
"Iha, pwede bang ikaw na mag dala nito sa kwarto ni Kendrick, naka day off kasi lahat ng ibang katulong eh" tumango lang ako at nilapag ni Nanay sandra yung isang tasa dun sa lamesa.
Nilapag ko muna si Yoshinon dun sa sofa at nakita ko naman na humiga sya dun sa isang unan at komportable na natulog dun.
Masarap naman kasi talagang matulog lalo na sa panahong ngayon. Hayss mamaya, tutulog talaga ako maghapon.
"Gising na kaya yung kulto na yun?" wala sa sarili kong tanong habang nakatingin sa isang tasang may hot chocolate din.
Kinuha ko ito at muling pinag masdan si Yoshinon na tulog na tulog na.
Naisipan ko na dalhin na din sa taas itong hot chocolate ay baka bigla na lang mag ning ning ang mata ko, maubos ko pa itong sa kanya. Tutal paubos na din naman yung akin.
Inubos ko muna yung hot chocolate ko bago ko dalhin sa kultong yun yung hot chocolate nya.
Kakatok na sana ako pero naisipan ko na wag na lang, binuksan ko na lang yung pintuan nya. Hayss di sya nag la- lock na pinto? Paano kung may mag nanakaw? Tapos pasukin itong kwarto nya tapos patayin sya, edi wala na akong amo na masungit na kulto na ubod ng yabang pero mataas naman mag pa sweldo.
Nang makapasok ay expected ko na agad na tulog pa din sya at hindi nga ako nag kakamali. Ayown, sarap ng tulog ng loko.
"Anong oras na? Tulog pa din" iiling iling kong sabi at nilapag yung hot chocolate dun sa study table nya.
Umakyat ako sa kama nya. Ang lambot. Sanaol na lang sayo Kendrick, samantalang yung kama ko dun sa maids quarter, ang tigas. Oha! Believe it or not, matigas talaga yung kama dun. Kaya ang sakit sa likod.
Pinagmasdan ko muna yung itsura nya habang natutulog sya.
"Mukha kang anghel pag tulog" mukha akong tanga dito na kinakausap sya kahit alam ko naman na tulog na tulog sya. "Alam mo! Gwapo ka naman eh. Kaso yung ugali mo, daig mo pa ang demonyo. Bagay nga sayo maging kulto" gusto kong tawanan yung sarili ko habang kinakausap ko sya. Ngayon ko sasabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya "Alam mo ba! Dati pa lang, inis na ako sayo! Akala ko nung mga bata tayo ang bait mo! Kaso nag kamali ako. Hindi ko kasi inexpect na mag kaka-apo si Lolo Gav ng isang demonyo. Arghh naiinis talaga ako sayo. Sampung taon pa lang ako nun pero gusto ko na agad pumatay. Hahaha, pasalamat ka mabait pa ako" pag kwekwento ko sa kanya. Eh bakit ba? Ngayon lang ako makakapag labas ng sama ng loob sa kanya eh.
Bumaling ako sa study table nya ng makita ko ang picture nya nung bata pa sya. Ang cute nya dito, mukha syang mabait. Hindi tulad ngayon na ubod ng sungit.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
RomanceMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...