Chapter 19- Who is she?
Gumising na naman akong maganda~ char~ charger. Ngayon lang naman ako gumising na parang ang aliwalas ng mukha ko. May mga binigay sa aking mga beauty product sila Madam Liana para daw mamaintain ang fairness ng skin ko. Tapos yung pag ka- wavy ng buhok ko ay hindi sya permanent pero rebonded na yung buhok ko kaya ang ganda tingnan. Tuwid na tuwid na sya.
"Ate Mei, gising ka na ba?" narinig kong kumatok si Mei sa kwarto ko. Ow yes! Totoo! May sarili na akong kwarto, dito na ako pinapatulog ni Bliss kasi daw hindi na bagay sa beauty ko ang maid's quarter pero syempre maid pa din ako sa mansiong ito.
"Pasok ka Bliss" binuksan nya yung pintuan at nakita ko na may dala syang mga uniforms na nakahanger pa at halatang plantsado. "Para saan yan?" tanong ko na tinutukoy ay yung uniforms na dala dala nya.
"Ate, mula ngayon. Ito na ang isusuot mo. Five fairs ito para sa Monday- friday, nandito na din ang pang P.E. mo" tapos may nakita pa ako na hawak nya dun sa isa nyang kamay "At ito naman ang new school bag mo! Uso ito ngayon at only rich people use this" itsura pa lang halatang pang mayaman na. Kulay creme ito. At may mga palawit din. Gitara yung isa at yung isa naman ay keychain na nakasulat ang pangalan ko "Nag pagawa kasi kami nito nung mga friends ko nung nakaraan, tapos naisipan ko na pagawan ka na din ate" ngiwi lang ang naging sagot ko sa lahat ng sinabi nya. Para lang sa plano nila, gagastos sila ng malaking pera. Edi sila na ang mayaman.
"Bakit kailangan ko pa mag uniform? Ang mahal kaya ng isang fair nyan tapos yung bag, nakita ko sa online nung nakaraan, it worth 50,000" sagot ko kay Bliss at napatingin sya sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Ate naman, hindi babagay ang badoy na pananamit at yung bulok na bagpack mo dati dyan sa beauty mo ngayon at higit sa lahat, barya lang sa amin ang 50,000" wtf? Kung yung 50,000 barya lang sa kanila. Edi sila na talaga ang mayaman. Pang bili ko na ng bigas yun eh. Sa loob ng isang taon, siguro sapat na yun na pang grocery supply ko.
"Pero kasi~
"Basta! Suotin mo yan ate! Magbibihis na din ako" hindi na nya ako pinatapos mag salita at deri deritso nang lumabas sa kwarto ko.
Hindi naman ito kasing laki nung kwarto ni Kendrick at Bliss, tama lang sa isang tao. May closet pero hindi walk in. Study table sa tabi ng kama at isang kulay puting swivel chair. Syempre aircon din ito pero walang tv. Sila kasing magkapatid, may sariling tv.
Muli kong tiningnan yung mga uniforms. Hindi ko pa nasusuot, naiilang na agad ako dahil ang ikli nung skirt tapos may nakita din akong black long sock dun. Binilhan na din nila ako ng black shoes na babagay daw sa uniform ko at sabi nya ni Bliss, "Its capital O.R.P.U.T, Only Rich People Use This"
Kung babasahin mo, ang sama pakinggan. Orput! Parang pangalan nung aso nung kapitbahay namin dati sa probinsya. Hayss na miss ko tuloy sila nanay at tatay. Kakamatay lang 2 years ago. 15 years old ako nung namatay sila kaya parang di pa din ako sanay na wala sila sa tabi ko.
Matagal na ako nag tatrabaho kayla LoLo Gav, pero tumira lang ako sa mansion nila nung namatay sila nanay at tatay. Kilala ang pamilya nila sa pagiging mabait sa lahat ng mamamayan dun sa probinsya, kaya hindi ko din talaga ineexpect na magkakaroon sya ng apo na Demonyo.
Nang matapos mag muni muni, pumasok na ako sa cr. Yes! May sarili itong cr. Tapos ginamit ko yung body wash na binigay sa akin ni Madam Liana.
Nang makalabas ako, feeling fresh na talaga ang beauty ko. Wahhh ganito pala ang pakiramdam bagay nag aayos ka. Ang gaan sa feeling hindi tulad dati na lagi akong nacucurious kung anong itsura ko kahit alam ko naman na ang haggard haggard ko.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
RomanceMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...