Chapter 5- Yoshinon
Buti na lang at nakatakas ako sa tatlong yun. Hingal pa din ako kahit ilang oras na yung nakalipas eh. Umupo muna ako sa may bench dito. Tapos na din ako mag enroll. Hihintayin ko na lang sila sungit, hindi ko kasi alam kung paano umuwi eh. Kasalanan ko ba? Bago lang kaya ako sa Maynila.
Pinagmasdan ko yung paligid. Sobrang ganda talaga ng school na ito. Sana pala makita ko si Owa ngayon. Kaso mukhang malabo, ang dami kasing requirements pag ma-enroll eh. Sigurado naman ako na hindi na kailangan mag enroll nung mga 'Primes' daw. Kay Kendrick kasi itong shool kaya siguradong kahit hindi na sila mag-enroll.
"Meow" napatingin ako sa may harapan ko. Wahhh! Ang cute. Isang puting pusa tapos ang chubby pa nya. Medyo madumi nga lang sya.
Binuhat ko sya at tinitigan. Ang cute talaga nya. Wala naman sigurong may ari nito eh. Akin na lang. Ehhhh. Ang cute talaga nya.
"Hi gusto mong sumama sa akin?" Para akong tanga na kinakausap yung pusa. Ang cute kasi. Kung hindi nga lang sya may putik baka niyakap ko na sya.
"Meow" sagot nya. Wahhh. Nakakatuwa sya. Matalinong pusa, mana sa akin. Hahaha. Ang cute talaga nya.
"Tatawagin kitang Yoshinon" sabi ko sa kanya. Naalala ko kasi yung anime na pinapanood ko dati. Ang cute kasi dun ni Yoshinon.
Halos alas kwatro na din ng hapon peron hindi ko pa din nakikita sila Kendrick. Nasaan kaya yung mga yun? Kinakabahan na ako eh. Hindi ko naman kasi alam kung paano umuwi.
Ilang minuto ay naisipan ko na din na tumayo. Kinarga ko si Yoshino tapos hinihimas ko sya habang naglalakad kami. Hindi ko talaga alam kung saan sila nagtatambay eh.
Napadaan ako sa may hallway at nakita ko dun na may ilang estudyante na nag uusap.
"Pwedeng magtanong?" Sabi ko at lumingon sila.sa.akin. Dalawa lang silang babae. Hindi ko nga alam kung mabait ba sila o hindi.
"Ew" imbis na sagutin yung tanong ko ay bigla na lang syang nandiri sa akin. Sabi ko nga, masungit sya.
"Saan ba dito madalas magtambay ang 'Primes'?" Tanong ko sa kanya. Napataas yung kilay nya ng binalewala ko yung sinabi nya sa akin.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Mataray nyang sabi.
"Bakit naman ako matatakot sayo?" Takang tanong ko sa kanya. Ewan ko kung bakit lagi na lang ako napapa-away sa mga magaganda.
"Oh my ghad. You don't know her" napatingin ako sa sinabi nung katabi nya. Nakaturo pa ito dun sa babaeng mataray. "She is Hadley Halminton, The queen of this school!" Teka! Akala ko ba si Stacey ang queen? Bakit may isa pa dito? Dahil sa.makapal ang mukha ko. Itatanong ko na din.
"Diba yung Stacey Hidalgo ang queen?" Tanong ko at nagkatinginan sila. Para nga silang nagtataka eh? Bakit ba? Totoo naman sinabi ko ah.
"Don't you dare believe on that bitch. Ako lang ang queen dito. " sigaw nya na kinaatras ko. Ang bobo naman ng tao dito. Nagtatanong lang naman ako pero kung saan saan na napunta yung usapan namin. Alam ko naman na prangka akong tao. Pake nyo! At least hindi plastic diba?
"Then why would I believe you?" Sabi ko sa kanya tapos napanganga sya. Sasampalan sana nya ako pero may pumigil sa kanya. Napatingin ako dun sa nagligtas sa akin. Stacey.
"What your doing here, bitches?" Mataray na tanong nung Hadley kay Stacey. Hahaha. Masaya to! Dalawang queen yung nag- aaway. Hahaha. I can't wait to watch.
"I'm the one who would ask you that question" naka- cross arm na yung Stacey. Hahaha. Pangarap ko din talagang makanuod ng pang sosyal na away eh. Dun kasi sa probinsya, puro murahan lang ng tagalog tapos habulan ng taga ang nakikita ko.
"Tingnan mo Yoshinon! Ang ganda ng away" sabi ko kay yoshino tapos hinimas ko pa yung ulo nya. Hahah. Pati ako ay nababaliw na. Gustong gusto ko kasi talagang makapanood ng ganyang away eh.
"Meow"
"Why would you? I'm the queen" napatingin ako kay Hadley. Wow. Galing mag- english. I like it. Hahaha
"Correction, Former queen" diniinan talaga ni Stacey yung pagkakasabi nunv former. Hahaha. "Pinag- lumaan ka na" sabi pa nito. Wow. Siguro matagal na silang may alitan na dalawa. Hindi ko ba nasabi sa inyo na chismosa din ako.
"Tsk! Wag kang mag- mayabang! Umalis lang ako saglit. Pinabantayan ko lang sayo yung trono ko" sabi pa ni Hadley. OA ka te? Walang trono dito sa school. Sipain kita dyan eh. Ano? Encantadia lang? Pirena Vs. Danaya. Hahaha. Joke lang. Uweee! Uweee! Uweee! He! He! He! He!
"Yung iniwan mong trono, kinakalawang na! Yung trono ko.bago pa" sabi naman ni Stacey. Kanina pa nga ako nagpipigil ng tawa eh.
"Sige! Panalo ka ngayon! Pero tan~
"Shut up! Lagi naman akong panalo" pinutol ni Stacey yung sasabihin ni Hadley tapos nilagpasan na lang nya yung isang queen. Napatingin sa akin ng masama yung Hadley kaya tumakbo ako papunta kay Stacey.
"Pstt! Stacey" tawag ko tapos lumingon sya sa akin. Nakataas pa nga yung kilay nya eh. Naka- cross arm pa.
"What do you want?" Tanong nya sa akin.
"Thanks" sabi ko sa kanya tapos nag smirk sya.
"For what?" Hala! Painosente si ate mo? Tsk. Nag- papasalamat na nga eh.
"For saving me" sabi ko na lang. Aba! Mahirap makipag- away sa isang ito. Alam mo naman sya. Queen nga daw sya diba?
"Correction! Hindi kita niligtas! Nagkataon lang na kaaway ko yung Hadley na yun!" Tsk. Kahit di naman nya sabihin alam ko naman na tinulungan pa din nya ako. "Babye, Bitch" sabi nya tapos umalis na.nga sya. Babye bitch. Hahaha.
Pinabayaan ko na lang kasi may problema pa ako eh. Paano ako uuwe? Nakakainis naman eh. Bakit kasi di ko mahanap yung mga Primes na yun. Attitude sila? Jusko. Gigil mo si ako cyst. Hayyy.
"Tara na Yoshinon! Maglaro na lang tayo" sabi ko kay Yoshinon at nag 'meow' lang sya. Nakakatuwa naman tong pusang ito.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
RomanceMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...