Chapter 23

1.6K 67 11
                                    

Chapter 23- Bwesit

Napakunot ang noo ko sa paraan ng pag titig sa akin ng kulto na nasa harapan ko.

"Finally, I found you my queen" nakangisi nyang sabi sa akin. Kaya literal na napanganga yung bibig ko.

Napalingon ako sa paligid, lahat ng estudyante ng Del Fierre ay nakatulala habang nakatingin sa amin.

"Queen mo mukha mo" sabi ko at inisnaban sya. Hindi nakaiwas sa pang dinig ko ang sabay sabay na pag singhap ng mga tao sa paligid. "Anong ginagawa mo dito?" pag mamataray ko sa kanya.

Di ko lang kasi maiwasan na mainis. Paano nya ako nahanap? At isa pa kaya nga ako umalis sa School ay para makaiwasa muna sa kanila. Masyadong nakaka stress ang pag papapanggap ko. Gusto ko muna mag pahinga.

"Ako dapat nag tatanong sa iyo nyan" inis nyang sabi sa akin kaya lalo lang sumama yung mukha ko "Hindi mo alam ang lugar na pinasok mo" hindi ko mawari sa mukha nya kung nag aalala ba sya sa akin o naiinis kasi sa tingin nya ay isa akong napakalaking tanga.

"Ano bang pakialam mo sa aking kulto ka?" sinalubong ko ang masasama nyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob ko na sagutin sya sa harap ng mga estudyanteng nandito.

"Baka nakakalimutan mo na GIRLFRIEND kita" kailangan talagang i- announce sa lahat? Ayan tuloy, may nag ala stacey na dito. Sobrang OA kaya ayown, nabitawan yung phone nyang mamahalin tapos biglang nahimatay.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko? Tatanggi ba ako na girlfriend nya ako o wag na lang kaya ako mag salita.

"Wait, did I heard it right?" laking pasalamat ko ng bigla na lang mag salita si Lunch. Nadako ang tingin ng lahat sa kanya. Tanging boses na lang nya kasi ang naririnig sa paligid. "King, Girlfriend mo si Miss Mei?" parang batang tanong ni Lunch. Isip bata

"Any problem with that?" masungit na tanong ni Kendrick sa kanya.

Tiningnan ko kung anong magiging reaksyon ni Lunch at parang gusto ko ng tumawa ng makita ko na paiyak na sya.

"King naman eh! Minsan na lang ako mag kagusto sa babae. Pagbigyan mo na ako. Akin na lang si Miss Mei" para syang bata na inagawan ng candy. Gusto ko sanang tumawa kaso naunahan ako ng pag kagulat.

Ang dami daming babae na magaganda sa school na ito, ako na naman ang nagustuhan nya? Hayss ibang klase din pala ang beauty ko eh. To the highest level. Kung krimen lang pagiging maganda, siguro patong patong na ang kaso ko. Char~ charger.

"No" yun lang sagot nung kulto at halatang inis sya. Ang dilim ng mukha nya eh. Mukha na nga syang papatay. Hayss

"King naman eh" para talaga syanh bata na nag iinarte eh. Pero kung titingnan naman talaga, bata pa si Lunch.

"Lunch! You're just 15 years old! Bata ka pa ha!" saway sa kanya ni Leila at hinila si Lunch.

Kahit 15 years old lang si Lunch ay matangkad na sya. Halos kasing height ko na sya eh. Sabi nila Leila kanina. Matalino daw si Lunch at DinDin kaya na- accelerate.

"Let's go" bigla na lang ako hinila ni Kendrick pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla na lang kumapit si Lunch sa akin.

Niyakap nya yung braso ko. Shet, feeling ko mababalian ako ng buto dahil sa batang ito eh. Ang bigat nya kaya.

"Oh my gawd, Tanghalian! Bumaba ka na dyan! Baka nasasaktan na si Ate Mei" sabi ni DinDin at hinila na nya yung kakambal nya.

"Bitawan mo nga ako Hapunan!" pag pupumiglas ni Lunch kaya lalo akong napangiwi dahil mababali na talaga yung buto ko.

That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon