Chapter 20

1.1K 41 5
                                    

Chapter 20- Inis

Nagkatinginan kaming dalawa ng sabay naming sabihin ang mga katagang yun. Wala akong ka ideya ideya kung sino ba talaga sya pero may na fefeel akong hindi maganda sa kanya.

"You don't know me?" parang isang napakalaking insulto sa kanya na hindi ko sya kilala. At unang tingin ko pa lang sa kanya, sumama na agad ang timplada ko. "Where the hell did you came from? Are you even a people from earth?" ang boses nya ay may accent ng France. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinsulto sa sinabi nya.

"First of all, hindi ko alam kung anong iisipin ko sayo, di ko alam kung tanga ka lang eh, kasi obvious naman na may dalawa din akong mata, may ilong akong maganda, may labing mapupula at katawan na pinagpala. So sa madaling salita, tao ako pero hindi galing sa earth, galing ako sa tyan ng nanay ko. Nakatira lang ako sa earth" napanganga naman sya sa sinabi ko. "At isa pa, you're not that special to know who you really are" ang mukha nya ay napalitan ng pag ka inis sa akin ng sabihin ko yun. Para bang may natamaan ako sa kanya na bagay.

"Well~ let me introduced myself. I'm Maxine Millicent, daughter of Miliana Millicent, the famous fashion designer all over the world." hindi na ako nagulat kung sya si Maxine. Nung pinakita nya ang mabaho nyang ugali, dun na ako nag karoon ng ideya. "Are you afraid now?" nakataas ang kilay na tanong nya sa akin. Eh kung inaahit ko yang kilay mo para mabawasan yang sungay mo na nag sisimula ng tumubo.

"Even if you're a the President or King's daughter, I don't care. I'm not afraid" tumaas lalo ang kilay nya sa sinagot ko "And to be honest with you, You're trashy attitude was perfectly suits you" nilagpasan ko na sya pagkakasabi ko nun.

Nasira na yung magandang araw ko dahil dun sa lokaret na Maxine na yun. Sya na yun? Maganda lang naman sya ah. At isa pa, balita ko matalino yun, bakit di nya nahalata na tao ako? Ang bobo ampotchi.

Nagpaiwan ang Primes dun at ako? Ito, deri- deritsong nag lalakad papunta sa room namin. Ayaw kong malate. Sa Primes, normal lang ang malate.

Bago ako makapasok sa room ay bigla na lang may naka bangga sa akin. Handa na sana akong sipain ito pero bigla na lang sya humarap sa akin.

"I'm sorry Miss, nag mamadali kasi ako" hingi nya ng tawad sa akin.

"Ayos lang" buti nagawa ko pa syang kausapin ng ayos. Ang gwapo kasi ngayon ni Owa. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Ang blooming nyang tingnan.

"Ahhmm Miss, are you in engineering course too?" wahhh ang laki na ba talaga ng pinag bago ko? Pati si Owa hindi ako nakilala. "By the way, My name is Oliver Wayne Arcarius Den Vior, the class president" nilahad nya sa harapan ko yung kamay nya at kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko para sa pagtawa dahil sa ginagawa nya.

"Mr. President, My name is Meisha Cordova. Mei for short" natatawa kong tinanggap yung kamay nya habang sya ay tulala na nakatingin sa akin.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa bago sya umikot sa akin habang taimtim na nakatingin pa din sa akin.

"Its really you~ but HOW?" Di pa din sya makapaniwala sa itsura ko. Manghang mangha sya sa kagandahan ko. Yieeeee may pag asa na ako kay Owa Babes.

"A little make over" sagot ko sa kanya at hindi pa din nawawala sa mukha nya ang labis na pagkamangha. Malaki ba talaga pinag bago ko? Halos sa lahat at sa dami ng nakakita sa akin, si Kendrick lang ang nakilala ako. Ibang klase nga din naman ang kapang yarihan ng kultong yun eh noh. Ang galing nya maka sense ng isang dyosa.char~ charger

"Nag mukha kang tao" sinamaan ko sya ng tingin ng sabihin nya yun. Hayss pasalamat ka crush kita kasi kung hindi, baka nasipa na kita dyan ng bonggang bongga ft. Sabunot sa shiny nyang buhok.

That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon