Chapter 17- Make Over
Anong suot ko? Ano pa ba? Edi faded long jeans tapos oversized na long sleeve. Malamig kasi kaya nag long sleeve na lang ako. Nabili ko ito sa ukay ukay dati dun sa probinsya namin tuwing linggo sa halagang 50 pesos.
"Yan na yun?" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa tono ng pagkakasabi nya. Ganun na ba ako kabadoy? Para sa akin naman ang astig nung suot ko. Messy bun lang ang katapat nyan.
"Wala naman akong ibang damit eh" actually meron, yung mga dress na binili ni Bliss sa akin kaso di naman ako sanay mag suot nun
 ̄へ ̄
"Hayss bahala na!" tinalikuran na nya ako. Simpleng cargo short at t-shirt na black ang suot nya na pinatungan ng varsity jacket na itim. Tapos napansin ko din na may nakasulat sa likod nya na apelyido nya ata."Tara na! Nagagalit na si Vienna" wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Hindi na ako nag sapatos, nag tsinelas na lang ako. Maulan kasi! Bakit ba kasi ngayon pa nila naisipan mag make over? Akala ko next week pa ang dating ni Maxine Sheberlu.
"San ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang kinakabit yung seatbelt ng kotse nya. Medyo nahihirapan pa ako kasi di naman ako sanay sumakay ng mga kotse.
"Ako na!" sya na ang nagkabit nung seatbelt at habang ginagawa nya yun, hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang mukha nya. Pointed nose, kissable lips and those attractive purple eyes.
Napakaganda ng mata nya. Parang tinatawag nya ako. Its so attractive.
"Staring is rude" napaiwas ako ng tingin ng sabihin nya yun. Pero naiilang ako kasi ang lapit pa din nya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya.
We stare at each other at this moment. It was perfect because its raining and I found it romantic not until he said~
"Mas pangit ka pala sa malapitan, Mesh" umisnab ako sa kanya at bumalik na sya sa pwesto nya.
Ngayon na lang nya ulit ako tinawag na Mesh. Madalas kasi puro chipmunk, manang, pangit ang tawag nya sa akin.
Buong byahe ay nakatingin lang ako sa labas habang pinag mamasdan ang bawat patak ng ulan mula sa labas.
Ano kaya magiging itsura ko? Gaganda kaya ako? Pero di na kailangan, maganda na kasi ako chos. Hehehe. Aasarin pa kaya ako nung mga sira ulo kong kaklase na mukha daw akong lalaki?
Naalala ko na naman yung buong araw nila akong inasar na lalaki daw ako. Hayss pinag kamalang lalaki ang beauty ko. Pag badoy ba at laging naka messy bun mukha na agad lalaki? Diba pwedeng dyosang haggard lang? Mga sira ulo kasi. Mga walang magawa sa buhay nila. Bakit di nila asikasuhin yung mga itsura nila bago nila laitin at tawaging mukhang lalaki ang beauty ko.
"Baba na!" di ko napansin na nandito na pala kami sa may parking lot ng mall. Masyado kasing malalim ang iniisip ko.
Tatagkalin ko na sana yung seatbelt pero sya na naman ang nagtagkal nun pero sa pagkakataon ngayon hindi ko na sya tinitigan kasi baka may masabi na naman sya dyan na 'Staring is rude' rude rude ka pa dyan! Eh kung ingudngud ko yang mukha mo sa sahig. Akala mo naman kung sinong gwapo.
"Nasaan daw ba sila Vienna?" tanong ko sa kanya ng nag simula na kaming maglakad papunta sa loob ng Mall. Sobrang laki talaga ng mall na ito.
"Starbucks" wow! Mayamanin. Nasa statbucks sila. Sayang! Kung nandito sana si Owa edi sana nag palibre ako sa kanya. Wala naman kasi akong aasahan na libre sa kultong ito. Gusto nya, lahat ng bagay may kapalit.
BINABASA MO ANG
That Promdi Girl Turn Into A Hot Chick (ON-GOING)
RomanceMeisha was just a simple girl who lived in a simple life in the province. Ulila na sya sa mga umampon sa kanya at nakatira na lang sya sa pinakamayaman na pamilya sa probinsya nila. Nagtatrabaho sya dun at mabait naman sa kanya ang lahat. Except one...